Chapter 2: MHKM

1.3K 31 1
                                    

*The Next Day*

Pia's POV

Andito ako ngayon sa soccer field sa school namin. Vacant namin ngayon eh. Di kasi pumasok yung prof namin. Yung mga kaibigan ko naman ayun. May klase pa daw. Kaya eto. Emo ang peg ko. Kainis! >.<

"PIA!"

"Ay kalabaw!" Whoo! Muntikan na akong atakihin sa puso nun ah

"Haha! Tao kami Pia. Hindi kalabaw. Gwapo naman namin para maging ganun"

"Yabang nyo!" sabi ko sakanila na may kasama pang hampas sa braso. Pero hindi naman malakas.

Sila pala si Gab and Kurt. Si Gab nakilala ko dito sa school. Nung first year college ako. Tinulungan nya ako nun nung hindi ako magkanda ugaga sa pagdala ko ng gamit. Kaya ayun, Naging magkaclose kami. Nalaman ko nga na makulit pala sya eh. Hindi nagtagal eh naging close na din sya sa barkada. Ewan ko ba kung anong meron sakanya. Hindi kasi kami masyadong tumatanggap ng kaibigan. Haha!

Si Kurt naman. Kababata ko. Half korean. Crush ko nga yan eh. Haha. Pero crush lang ah. Wag lagyan ng malisya. Gwapo, Mayaman, Matalino. Halos lahat ata nasakanya na eh.

"Magisa ka ata ngayon? Nasan sila Claire?" Tanong ni Kurt

"Eh may klase pa daw sila eh" sagot ko naman sakanya

"Dapat kasi nag Mascom ka na lang din. Edi sana hindi ka napagiiwanan. Forever alone ka tuloy" Pagaasar naman ni Gab

"Ewan ko sayo Gab! Wala ka nanamang magawa. Teka. Vacant nyo ba ngayon?" tanong ko naman

"Oo eh. Maaga kasi kaming pinalabas. Tinatamad daw syang magturo. Haha" si Kurt na yung sumagot dahil panigurado Babarahin nanaman ako ni Gab mokong

*bzzzzt bzzzzt*

"Ay butiki!"

"Sabihin mo nga Pia. Mahilig ka ba talaga sa mga hayop ha?" tanong ni Gab

"Ewan ko sayo gab. Parang nabigla lang eh."

Pano ba naman. Bigla biglang nagva-Vibrate yung cellphone ko. Eh nasa bulsa ko pa naman yun sa likod. -_____-

Tinignan ko kung sino yung nagtext. And hindi na ako nagulat dahil expected ko na na ako pa ang pupunta sakanila

From: Claire

'Baks. Punta ka dito sa Cafeteria. Andito na kaming lahat. Sama mo na din sina Gab pati si Kurt. Mukhang magkakasama kayo eh. See yah!'

-End of Message-

Odiba! Sabi ko na sainyo eh. Ako na yung naiwan ako pa yung Lalapit sakanila. Mga mabuting kaibigan talaga

"Oy! Punta daw tayo sa Caf. Andun na daw silang lahat" sabi ko sakanilang dalawa tapos tumayo na ako ang kinuha ko yung mga dala ko

______________________________________________

"BAKS! Andito kami" Sigaw ni Claire para makita ko sila

As Usual, Buo nanaman kami. Nandito si

Si Claire, Ang Bestfriend ko na Girlfriend ng kambal ko. Nako! Parehong pareho sila. Childish. Pero etong si Claire palaban yan. Hindi basta basta nagpapaapi. Mascom student sya.

Si Kim , Bestfriend ko din na kababata ko. Maganda, Matalino, Mayaman. Parehong pareho sila ni Kurt. Mascom student din sya

Si Michael, Ang pinakamatino samin. Pinsan ni Earl at kababata ko din Partners in crime nya sina Gab and yung kapatid kong si Yaz. Parents nya may ari ng Westridge University which is this school

Magkakakilala na kami nina Earl, Michael,Kim and Kurt since childhood. Magkakabarkada rin kasi ang parents namin. Hihi

and lastly si Yaz, Ang aking Oh-So-Loving-Twin-Brother. Mas matanda sya sakin ng 5 minutes pero mas matanda akong mag-isip kesa sa kanya. Boyfriend ni Claire. Ewan ko nga kay Claire eh. Dati kasi sobrang ayaw nya kay Yaz kasi daw childish pero isang araw na lang nalaman kong sila na pala. Asus! If I know pakipot lang tong si Claire

andito din si Earl pangit. =_____=

"Ang daya nyo! Ako na nga yung iniwan nyo ako pa yung pinapunta nyo dito! Leche!" Bulyaw ko sakanila tapos tumabi ako kay Kim.

"Eh nagutom kasi kami bes kaya pumunta na kami dito. Aba malay ba naming nasa field ka pala at nagpapaka-Emo" sabi ni Kim sakin

"Ewan ko sainyo. Mga PG! Penge nga ako nyan Khel!" sabi ko na lang tapos dumukot ng chips na kinakain ni Michael (AN: Short for Michael yung Khel ^____^)

"Maka-PG ka parangbakala mo ikaw hindi ah" sabi ni Earl

"Eh pakialam mo ba?! Mind your own business pwede?!" sigaw ko sakanya. UGH! badtrip talaga tong lalaking to!

"Ang sweet naman ng lambingan nyo Paya. Mabuti pa kami ni Honeybunch" sabi sakin ni Yaz sabay subo pa ng Pringles kay Claire

"Mahiya ka naman Twin. Atsaka lambingan your face! kami?" tumingin ako kay Earl

"HAHA. ASA! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo." sabi ko tapos tumalikod na lang. Katapat ko kasi si Monster na busy sa pakikinig sa kanyang ipod. Psh!

Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon eh bitter padin ako kay Earl. Di ko kasi makalimutan yung ginawa nya sakin dati eh.

*Flashback*

My Husband is a Kissing Monster.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon