"I've been watching you for some time
Can't stop staring at those ocean eyes
Burning cities and napalm skies
Fifteen flares inside those ocean eyes
Your ocean eyes"
Sinandal ko ang ulo ko sa puno at tinitigan ang mga alitaptap na lumilipad. Kumurba ang labi ko nang may lumapag sa ilong ko. Umalis ito nang bahagya akong gumalaw.
Nilakasan ko pa ang volume ng kanta ko para damhin ang mahinahong boses ni Billie.
"No fair
You really know how to make me cry
When you give me those ocean eyesI'm scared
I've never fallen from quite this high
Falling into your ocean eyes
Those ocean eyes"
Napapikit ako nang tumama ang hangin sa balat ko. Hinawi ko ang kulay abo kong buhok na nagulo dahil sa hangin.
"Arcelia...."
Agad akong napadilat at nilibot ang paningin. Mabilis kong pinatay ang tugtog ko. Kumabog ang dibdib ko nang wala akong makitang ni isang anino sa madilim na paligid. Tanging ilaw lang na nanggagaling sa alitaptap at liwanag ng buwan ang nakakapagpailaw sa paligid.
"Sino 'yan?"
Sinubukan kong patatagin ang sarili ko kahit may umuusbong ng takot ang nararamdaman ko. Sinulyapan ko ang relo ko.
11:50 pm
Nakarinig ako ng kaluskos sa may kanang bahagi ko na medyo malapit sa akin. Napaatras ako nang narinig na naman ang kaluskos. Dinampot ko ang isang medyo makapal na tangkay at dahan dahang tumayo. Unti unti kong nilapitan ang palumpong kung saan nanggagaling ang kaluskos. Nahigit ko ang hininga ko nang isang kakaibang hayop ang lumabas.
YOU ARE READING
Clandestine
FantasyArcelia Echevalier, an 18 year old girl who discovered many 'things' out of curiosity. Will she benefit or will she face the consequences? 09/10/19 Started:September 10, 2019 Finished:On going