"Ina, kilala ho ba ninyo 'yan? Baka masama s'yang tao. Hayaan na natin s'ya."
"Ang bibig mo, Gino. Hindi kita pinalaking ganyan."
"Paumanhin ina, hindi na mauulit."
Unti-unti kong dinilat ang mata ko at nakita ko ang isang batang lalaki at babaeng sa tingin ko ay nasa bente singko anyos na. Bigla akong napaupo nang may naalala. Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot 'yon.
"Dapat hindi mo binigla ang sarili mo."
Napatingin ako sa babae nang magsalita s'ya. Nilibot ko ang paningin ko at isang gawa sa kahoy na bahay ang kinalulugaran ko.
"Nasaan ako?"
Binalik ko ang tingin ko sa babae at nakitang nakakunot ang noo nito.
"Bakit hindi n'ya alam kung nasaan s'ya?"
Kumunot ang noo ko sa narinig. Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa narinig ko at mataman paring nakatingin.
"Posibleng isa s'yang maharlika"
"Hindi ho ako isang maharlika. Sagutin po ninyo ang tanong ko. Saan po ba ang lugar na ito?"
Bumakas ang gulat sa mukha nito. Bahagyang umawang ang labi habang nakatingin sa akin. Winagayway ko ang palad ko sa harap n'ya at natauhan s'ya.
"Nasa kaharian ka ng mga Callahan."
Kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na apelido. Napasulyap ako sa bintana at nakita ang ilang taong naglalakad.
"Alam n'yo po ba kung saan ang daan pabalik ng Pilipinas?"
Sumeryoso ang mukha nito na pinagtaka ko.
"Pilipinas? Walang ibang kahariang nagngangalang Pilipinas. Sigurado ka bang Pilipinas ang pangalan ng kaharian na pinanggalingan mo?"
Sasagot na sana ko nang mapahinto ng may maalala. Napahawak ako sa bandang dibdib ko at kinapa ang kwintas na suot ko. Nakahinga ako ng maluwag ng maramdamang nandoon parin.
"H-Hindi. Nagkamali lang ako. Maari mo bang sabihin kung saan ang pinakamalapit na bilihan ng damit?"
Nawala ang seryoso nitong mukha at tumayo. Sinensyasan n'ya kong sumama sa kanya.
"Ina!"
Parehas kaming napalingon sa batang lalaki na ang pangalan ay Gino kung tama ba ang pagkakarinig ko.
"Sasama ako! Gusto ko makita ang mga maharlika!"
Kumunot ang noo ko. Maharlika? 'Yon ba ang tawag sa namumuno ng kahariang 'to?
"Sa susunod na lang, Gino. Ipapasyal kita ro'n kapag nagkaoras ako. Sa ngayon, kailangan kong samahan 'tong si—"
YOU ARE READING
Clandestine
FantasyArcelia Echevalier, an 18 year old girl who discovered many 'things' out of curiosity. Will she benefit or will she face the consequences? 09/10/19 Started:September 10, 2019 Finished:On going