" THAT'S ALL for today. Once again congratulations Agent Genelaso and Agent Niño. Mission accomplished. "Tumayo ang lahat at nagsipalakpakan. Masayang nagpasalamat naman ang dalawa sa lahat ng tao na naroroon sa silid.
" Congratulations to the both of you, fuckers! " Bati niya ng makalapit sa mga kaibigan. Ginulo naman ni Timothy ang buhok niya.
" Namiss kita bansot! "
" Hey! Not my hair! "
Tumawa lang ang dalawang lalaki. Nakabusangot na tinanggal niya ang tali ng buhok. Inayos niya ang sarili saka ito muling itinali." Anong nangyari sa buhay mo habang wala kami? "
Biglang tanong ni Erick sa kanya." Nothing exciting happened. "
Tipid na ngiting sagot niya. Tumabi naman sa kanya si Timothy at inakbayan siya. Marami itong kinuwento tungkol sa mga babae sa London. Doon kasi nanggaling ang dalawa para sa isang mahalagang misyon. Ngunit kung ibabase sa kwento ni Tim ay mukhang pambababae lang naman ang ipinunta nito doon." Minsan nga napapaisip ako kung ano ang mas importante sa kanya. Ang misyon ba namin doon ang paghahanap niya ng maikakama. " Napangiwi naman si Tim dahil sa sinabi ni Erick. Natawa nalamang siya.
" Agent Deligero can we talk? "
Nilingon niya ang nagsalita. Isang makahulogang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Tumango siya saka naman sila iniwan nila Tim, Erick at iba pang nasa loob ng silid." Ano po ang pag-uusapan natin, Sir?"
Dahan-dahan itong umupo sa kanyang silya. Sumenyas naman itong pina-uupo siya na agad niya namang ginawa." There is a new mission. "
Seryoso ang mukha nito ngayon. Inayos niya ang kanyang pagkaka-upo. Pinadulas nito sa lamesa ang isang brown envelope patungo sa kanya." Naglalaman 'yan ng lahat ng impormasyon tungkol sa taong kinakailangang bantayan. We need to make sure na walang mangyayaring masama sa kanya. "
Pinagsiklop nito ang mga kamay sa ibabaw ng mesa." Fernando Hernandez is a businessman. Marami itong negosyo especially in other country. Hotels, restaurants, resorts and more. Dumating ang araw na may kung sinong hinayupak ang tinatakot sila especially his son. Nilooban ang mansion nila at kamuntikan nang makidnap ang anak niya. " Huminga ito ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.
" Puntirya nito ang anak niya. That's why he wants his son's safety. Ayaw naman nitong may umaaligid na bodyguard. Kaya I want you to protect him secretly. Gawin mo ang lahat maging maayos lang siya then we'll do the rest." Sumandal ito sa upuan na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
" Magagawa mo ba ang misyong ito? "
Tanong nito sa kanya. Walang pagdadalawang isip siyang sumagot." Mission accepted, Sir. "
May ngiti sa labi niyang sagot. Ilang beses naman itong tumango."That's good! You will be Jeorgia Santos with a red hair at gumagamit ng salamin. "
Ipinakita naman nito ang edited niyang larawan na ganoon ang ayos." May tutuloyan kang bahay malapit lang sa bahay ng binatang 'yan. Magiging magkaklase kayo all subjects. Kung maaari ay sabayan mo siya lagi. Kukulitin mo ang anak ni Mr. Fernando hanggang sa maging close kayo. Do anything Agent Deligero. I want to remind you that this mission must be confidential. Tanging ikaw, ako at si Mr. Fernando lamang ang may alam nito pero walang kahit anong ideya si Fernando na ikaw ang nakatoka sa anak niya. Magsisimula ka na sa susunod na araw. If you have any observation while you're with him do not hesitate to tell us. I hope this mission will be successful. Mag-iingat ka Agent Deligero. "
MATAPOS NIYANG ma-ipark ang sasakyan ay nagsuot muna siya ng salamin at bonet para matakpan ang kanyang buhok saka lumabas ng kotse. Lumingon muna siya sa kanyang palagid bago pumasok sa isang salon.
BINABASA MO ANG
Falling In Danger
ActionThey gave her a mission. And without any hesitation she accept it. All she need to do is to make sure Nice Yno Hernandez safety. Akala niya ay madali lang. Ngunit ang katigasan ng ulo nito ang nagpapahirap sa kanya. Hindi niya maaaring sabihin ang m...