Chapter one

7 0 0
                                    

"Jia gising na! Ayaw mo naman siguro malate sa first day diba?" 

"Gising na po!" Hays. First day? Ano bang maganda don? Hindi man lang nakakaexcite dahil since preschool magkakaklase kami. Sawang sawa na ako sa mga mukha nila.

---

"Byeeee! Ingat ka anak ha?" 

"Opo ma." Kiniss ko na si mama sa cheeks bago ako umalis ng bahay.

Oo nga pala ako si Jillian Ann Paxton, 16 years old! Tapos ano pa ba? Uhmmmm. Simple lang ako minsang mapagkalamang lalaki dahil sa 'siga' daw ako. Hmp. You can call me Jia nga pala.

Wala namang thrill buhay ko bukod sa pakikipag-away ko pag naboboring ako. 

Ay nandito na pala tayo sa school. Walking distance lang kasi 'to sa bahay namin kaya mabilis lang.

"JILLIAAAAAAAAAAAAAAAAN!!!!!!!!!!!!" Hay ang ingay niya talaga. Siya si Kit. Lalaki siya, tropa ko. Kaming dalawa ang magkasama since bata pa kami tutal magkaibigan yung mama namin. Kaya eto ako walang choice. Ngapala si Kit ay ang 'highschool crush' dito. Heartthrob kumbaga.

"Ang ingay mo talaga." Hindi naman siya gwapo. Sa paningin ko ha? 

"Bakit ba? Namiss kaya kita!" Sige nga. Gustuhin ba ng babae 'yang maingay na isip babae na 'yan. Kulang na lang pag iisipan kong bading 'yan eh.

Kit Santiago. Matalino din yan hindi ko mareach. Kung top 1 siya pangtop 2 lang ako lagi. Pero hindi naman kami nag-aaway dahil doon. Maliit na bagay.

"Section mo nga pala?" Tanong ko sakaniya.

"A Bakit? Lagi naman eh. Kahit hindi ko tignan A padin ako." Puta ang hangin niya.

Tinignan ko na lang siya ng 'bored look'.

"Nakita mo ba anong section ko?" Tanong ko ulit syempre.

"Syempre!! Gusto ko classmates tayo eh! A ka din 'no." Hays nakahinga ako ng maluwag. Hindi din kasi kami nagkakalayo ni Kit ng section.

"Tara na sa room. Hindi naman na tayo bago dito para magpalate pa na kunyari naligaw." Hinaltak ko na siya papunta ng room namin.

Nakarating na kami sa room. Halos pare-parehas lang din ang nakikita kong mukha. Hays. Pumwesto na ako sa favorite pwesto ko!!!! Ang upuang katabi ng bintana. Wala lang feeling ko kasi fresh dito dahil sa hangin eh.

"Tabi tayo ah?" Tumango na lang ako tutal wala naman na akong magagawa sa lintik na Kit na 'to.

"Goodmorning class! May transferees tayo gladly pero dalawa lang naman sila." Ngiting bungad ni Ms.Perello (Perelyo) samin.

"Finally new faces." Sambit ko.

"Ugly faces. Wala man lang chicks na nagtatransfer dito." Heartthrob? More like playboy.

"Manahimik ka nga diyan babaero." Inismiran niya naman ako. Tss.

"Come in girls and please introduce yourself in front." Girls? Wow. Madalas kasi lalaki ang transfers dito.

"Hello ako nga pala si Jarlian Paterson. Sana maging kaibigan ko kayong lahat!" Ang ganda niya naman.

"Hi! Freya Arbias. Best friend ko si Jarlian. Sana maging close din tayong lahat." 

*Fast forward break time

"Kit kakain ka?" Paglingon ko. Ayon tulog ang kuya niyo! Tumayo ako at tinadyakan yung desk niya.

"ARAY KO NAMAN JIA!" Buti nga sakaniya. -.-

"Kakain ka? Break time na gago." Sabi ko sakaniya.

"Tara kain!" Tignan mo 'to. Umakbay siya sakin habang naglalakad kami papuntang canteen.

Nakita naman namin kung paano magkumpulan ang mga student sa dulo ng hallway kung saan nandoon ang canteen. Oo nga pala itong school first floor lang ang meron pero sobrang lawak niya promise.

"Tignan natin?" Tanong ni Kit sakin. Tumango naman ako. Wala lang minsan lang kasi may ganyan dito. Lalo na pag nandito ang Queen bitch na si Cella. Pshh utak talangka naman nasa section B siya. Kapal ng mukha diba? Queen pero section B. Hays.

"Bakit kayo nagtransfer dito ha?" Wow school mo bes?

"Tingin ko binubully niya yung new comers." Sabi ni Kit sakin. Siguro nga. 

New comers? Wait. May new comers samin ah.

"Kit. May transferee tayo." Sabi ko sakaniya.

"Ay shit oo nga pala. O sige gawin mo na gagawin mo tutal away babae 'yan at alam ko namang ikaw ang mananalo sa huli. Oorder na akong makakain hanapin mo na lang ako ha?" Nag thumbs up ako sakaniya. Tumakbo na siya papuntang canteen.

"Excuse me." Hindi naman ako kilalang pala-salita dito kasi si Kit lang kinakausap ko. Tsaka yung boses ko yelo. As in ang cold pakinggan. Ewan ko ba bakit.

"Sooo here comes the girl na nilalandi si Kit baby." Uhm YUCK!? Gusto niya saksak ko na siya sa baga ni Kit eh. Pero no no ayoko siyang maging jowa ni Kit kahit laro lang kadiri padin.

Hays bahala na hindi ko na lang papatulan. Tumingin ako doon sa binubully niya. Nakita ko si Jarlian ba 'yon? Oo tama. Basang basa na siya. Nasaan ba ang kaibigan ne'to?

She's the ONEWhere stories live. Discover now