Chapter two

5 0 0
                                    

Jia's POV

Tsk. Basang basa na siya para siyang bininyagan dito. Pero hindi holy water syempre.

Tinayo ko siya tapos kinuha ko yung jacket ko sa bag. "Magpalit ka. Eto na lang kaysa yung basa mong pantaas. Bakat na yung dapat hindi makita." Sabi ko sakaniya. 

Paalis na siya ng hatakin siya pabalik ni Cella. Bullshit talaga 'tong babaeng 'to.

"Where do you think you're going?" Pataray taray pa hindi naman maganda.

"Bingi ka ba o ano? Sinabi ko magpalit siya diba? Kaya ka nasa section B e." This time hinatak ko na si Jarlain papuntang banyo. Sa 'di inaasahang pagkakataon ay nakasunod siya samin.

"Ano ba! Wag niyo akong takasan okay?!" Sigaw niya sa loob ng banyo. Pinasok ko si Jarlain sa isang cubicle. "Magpalit ka diyan ako na bahala dito." Sabi ko sakaniya.

Lumingon naman ako kay Cella. "Ano bang problema mo ha? Bukod sa pangalan mong kauwi mo din." Tinaasan niya ako ng kilay.

"What do you mean?" Bobo nga.

"Silya. Ano bang kulay ng silya natin dito? Brown diba? Anong kulay mo? Brown din diba? Kung makaasta ka kala mo sayo yung school. Hello student ka lang din dito. Bobo!" Tapos tinalsik ko sakaniya yung tubig na galing faucet sayang nga e. Dapat galing kubeta e.

"Yuck! What the hell?!" Tapos tumakbo na siya palabas ng cr. Sakto namang lumabas na din si Jarlain sa cubicle.

"A-ah. Thank you." Nakayuko niyang sabi.

"Okay lang. Sanay na ako diyan kay Silya." Naglalakad kami papunta sa canteen. "Madalas hindi ko siya pinapansin kasi wala namang new student samin, ngayon lang." Tumango naman siya.

"JIA!" Hinanap ko naman sino yung tumawag sakin. "Dito!” ah si Kit.

Nagtungo na kami doon sa table niya. Nakita ko namang may inorder na siya sakin. Dahil 'mabait' ako.

"Upo ka na Jarlain. Kainin mo na yang nakahanda diyan." Tapos kinuha ko yung mansanas ni Kit. Mahilig kasi siya don.

"Oy akin 'yan e!" Tapos hinaltak niya blouse ko.

"Pake ko?" Pinalo ko naman kamay niya kasi baka masira.

"Asan nga pala yung kaibigan mo?" Tanong ko kay Jarlain.

"A-ah nagpauwi siya ng maaga kasi may emergency sakanila." Ohh kaya pala siya lang mag-isa nabubully. Nako! Maghanda yung kasama niya bukas.

"Bilisan mo kumain. Magtatime na." Ang sungit naman neto. HAHAHA kala mo hindi lalaki e.

Mabilis naman niya natapos pagkain niya at dumeretso na kami sa room.

"Good morning class. Recitation tayo ngayon?" Eto si miss magtatanong pa.

"Wag miss!"

"Hindi po kami handa."

"First day na first day e!"

Angal ng mga kaklase ko. Tama naman sila.

"Okay sige mag botohan na lang tayo para sa officers. This year meron na lang tayong president, vice at secretary." Konti na ah.

"Wala na Jillian na yan for president." Ayoko ho ng mga responsibilities.

"Ayaw niyo kay Kit?” yan very good.

"Sexytary na lang si Jillian tutal sexy naman siya at maganda magsulat." Wow. Fuck you na lang.

"Class quiet!" Nice one miss.

"The voting for president is now open." Saad ni miss.

"I respectfully nominate Jillian Ann Paxton as President." Wow 'respectfully' ayoko nga e!

"Nice one miss president na yan." Asar na bulong ni Kit.

Bigla naman akong tumayo. "I nominate Kit Santiago." Tapos upo agad.

Tumingin ako kay Kit at ngumiti ng bahagya.

"I close the nomination for president."

"I second the motion."

"For those who are in favor for Jillian raise your hand." Lumingon lingon ako. Sadly daming nagtaas ng kamay.

"Majority win miss!" Sigaw ng isa.

Tss gago!

"Miss president please stand up and make your promise." Wat da hel? Tumayo na ako at pumwesto sa gitna.

"I promise nothing because i don't even want this position." Nakapoker face kong sabi.

"Vice president." Tamad na sabi ko.

"I respectfully nominate Kit Santiago for president." Sabi nung nagnominate din sakin.

"I nominate Lilya Ricardo." Malandi yan promise. Hindi naman purket nasa section A ka nasa matinong section ka.

Ngumiti naman siya at kumaway pa. Tss. It's my time to shine.

"No need for that Ricardo. Pinapakita mo na masyado kang pabibo." Nagtawanan naman ang iba tapos yung iba nag "ohhhh".

Nakita kong umupo siya ng padabog. HAHAHAHAHA sarap pagtripan.

"I close the nomination for vice president."

"I second the motion."

"Taas kamay pag boto kay Kit. Labas pag boto kay Lilya." Nakita kong tinarayan niya ako. Wala namang pake si miss dahil patuloy siya sa pag susulat.

"Wag mo ngang tarayan si miss president."

"Oo nga kala mo 'to."

Love u classmates. Mukhang mag-eenjoy ako sa pwesto ko ah?

She's the ONEWhere stories live. Discover now