Chapter 4

248 16 1
                                    

Chapter 4

IT was a sunday. Tatlong araw matapos ang dinner niya sa bahay ng mga Montreal. Tatlong araw na rin na wala si Liam sa opisina.

Ang lakas ng loob nito na sabihan siya ng he will swept her off her feet pero kahit nga paa ng lalaki hindi niya pa nakikita. Nahihiya naman siyang magtanong sa sekretaryo nito.

So here she is, mukhang mababaliw na sa kakaisip kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ni Liam sa mga sinabi nito. Hindi niya na kasi ito kinausap dahil nahihiya siya.

Biglang naputol ang pag-iisip niya sa lalaki ng may marinig siyang kumakatok. She stood up to open the door of her apartment and was greeted by the smiling face of her bestfriend, Honey.

Walang kaabog abog na dumeritso ito sa loob ng apartment niya. Sanay na rin naman siya dito kasi matagal na silang magkaibigan. She followed Honey inside and saw her sitting comfortably on the carpet of her living room.

"I brought you bread, El."

Napangiti siya ng makita ang hawak na tupperware ni Honey. Her bestfriend really knows her. May bakery kasi si Honey kaya palagi siyang may libreng tinapay galing dito.

Tumabi siya ng upo sa kaibigan at niyakap ito.

"Thanks, Honey. You're the best," masayang sabi niya rito at agad na kinuha ang tinapay.

"Feeling ko talaga, Elana, kinaibigan mo lang ako dahil sa bakery ko," nakangusong sagot nito.

She just laughed at her bestfriend's retort and opened the tupperware. It was a loaf of wheat bread. Medyo mainit pa nga. Bago sigurong bake. She smiled thinking of all the grilled cheese sandwich she could make.

"Bakit ka nga pala andito?" tanong niya sa katabi.

Honey was busy scrolling on her phone kaya hindi agad ito nakasagot. Siniko niya pa ito para makuha ang atensiyon ng dalaga.

"Sinarado ko muna yung shop ngayon. Nagquit kasi bigla yung head baker. Wala pa akong pamalit," nakasimangot nitong sagot sa kanya.

Nakunot ang nuo niya. "Baker ka rin naman ah. Ikaw nalang kaya."

"Ayokong magmasa ng tinapay. Lalaki ang muscles ko," maarteng sikmat nito na ikinatawa niya.

Honey has a petite body. Baka nga sumama pa ito sa dough kapag ito ang magmasa nun.

"Hey!" She stopped laughing when she heard Honey's voice.

"Nakita mo na to?"

"Ang ano?" tanong niya at lumapit para makiusyoso sa tinitignan nito sa cellphone.

It was a post from Mariane Cordova, isang sikat na modelo. Nanlaki ang mata niya ng makita ang picture. It was a photo of Liam reading a book while sitting on a bed. Mukhang candid ang pagkakakuha sa larawan. The caption read 'gotta love a man who knows his books'.

Agad siyang umiwas ng tingin sa picture. So this was where Liam was the past three days. Napasimangot siya ng matandaan ang sinabi nito sa kanya sa hapunan. Romanced his face. Mukhang may rinoromansa nga ito pero hindi siya.

"This is your boss, right?" tanong sa kanya ni Honey.

"Yeah. Babaero," asik niya rito at tumayo para ilagay sa kusina ang tinapay. Sumunod naman sa kanya ang kaibigan.

"So he's back with Marian Cordova? Bagay sila," kinikilig na sabi nito na lalong ikinainit ng ulo niya. She doesn't want to admit it pero galit siya sa lalaki sa pagpapaasa sa kanya. O baka naman pinaasa niya lang ang sarili.

ChosenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon