❤️
                              🥀
                              Axel
                              Napakamot ako sa batok ko nang mapagtanto kong wala si Cap. "Hoy Saavedra, asan si Cap?" Kunot noong tanong ko habang palinga-linga. Parati kasing maaga si Kapitan. Pagkatapos ng dismissal, agad dederetso 'yun dito sa court. Pero ba't ngayon, wala?
                              Pansin kong luminga-linga rin si Seven. Nagsisimula na ring mapuno ang mga bakanteng upuan sa gym. "Hindi ko alam. Baka na-traffic sa daan niya papunta dito. Alam mo na, ang daming babae nung si Kapitan e" Saad niya kaya minurahan ko na. 
                              Gago. Kapag siya narinig ni Kapitan, lagot siya. Ni hindi nga nagpapahawak iyon sa kung sino-sino. Kahit madaming tagahanga si Kapitan, wala siyang pinapansin. Mamamangha na lang ako sa kung sino man ang magtatangkang humarang sa daan ni Kap. Condolence sa kanya. 
                              "Loko kang Saavedra ka. Kapag ikaw narinig ni Kapitan, simulan mo nang maghukay ng libingan mo" Sabi ko tsaka sinalo ang bola na ipinasa ni Aldereva. 
                              "Kaya ko nga sinabi kasi wala siya" Untag nito kaya pinagmumura namin siya. 
                              Muli kong nilibot ang tingin ko para hanapin si Cap, pero wala akong maaninag na bulto niya. Ang nakita ko, si Coach na papalapit sa puwesto namin.
                              Fuck! Wala pa si Kapitan e nandito na si Coach. Paligi namang maaga 'yung si Kap a. Bakit anong meron at himala, wala pa siya? 
                              Napansin kong parang binibilang ni Coach kung ilan kami. At nung dumako ang mata niya sa akin, napamura ako sa isip ko. Lintek 'wag ako ang tanungin mo, Coach!
                              "Where's Carson?" 
                              Napangiwi ako sa itinanong sa akin ni Coach. Napakamot ako sa batok. "Parating na Coach. May kinailangan kasi siyang tignan" Palusot ko. 
                              Dapat may award na ako galing kay Kapitan! Nagsinungaling pa ako para sa kanya, lintek. 
                              Kita kong kumunot ang noo ni Coach habang ako naman ay napangisi nang mamataan ko si Kapitan na naglalakad palapit. "O coach. Nandito na pala si Kap" Saad ko at binalingan si Kapitan na seryosong naglalakad sa puwesto namin. 
                              "Yow Kap!" Bati ko na tinanguhan niya. 
                              Etong si Kapitan, ang tipid sumagot, tsk.
                              Brix
                              I smirked at Axel when I heard him tsk. 
                              "Huwag kang ngumisi jan. Nagu-guwapuhan ka na naman sa akin, Vontelardo. Di tayo talo, pare" Saad niya. Awtomatikong nawala ang ngisi sa labi ko. 
                              I threw him a disgusted look. 
                              "Sinong may sabi sa'yo? Kadiri kang Monterelba ka! Tignan mo nga sarili mo sa salamin, tapos ikumpara mo sa mukha ko. Di hamak na mas guwapo ako" Nagmamayabang na sabi ko bago pinaglaruan ang bola at ipinasa iyon kay Monterelba. Narinig ko siyang minura ako at sinabihang pangit pero nginisihan ko lang siya. 
                              Tumingin ako sa gawi nila Kap. Nag-uusap sila ni Coach pero pansin ko na tila may hinahanap si Kap sa may bleachers. It looks like he's trying to find someone. 
                              Natigilan ako. 
                              Kung hindi ako nagkakamali ng iniisip, mukhang hinahanap ata niya si Zarena. Tumingin ako sa bleachers at pilit inaninag ang mukha ni Zarena pero mahirap kasi ang daming tao. Punong-puno ng tao ang magkabilang gilid ng bleachers. 
                                      
                                   
                                              BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)
RomanceR-18 (COMPLETED) When the Captain falls madly in love with a stranger, will he risk everything? This story contains scenes not suitable for young readers. Read at your own risk. WARNING. SPG
 
                                               
                                                  