Chapter 31

142K 2.9K 497
                                    



"Minsan kahit ilang beses nang sabihin ng utak mo
na 'tama na', pilit parin sinasabi ng puso mong
konting tiis pa..."
©️
~www.mr.bolero.com~

🥀

Zarena

Isang oras pa lang ang nakakalipas simula nang umpisahan ko ang shift ko. I'm busy counting the lemonades which were purchased this morning. Tingin ko si Cardo ang inutusan ni Manager na bumili ng mga ito.

"Zarena, paki-check nga yung orders ng nasa table 16" Rinig kong utos ni Manager. "Sige po"

Nagpaalam na ako kay Manager kanina na aalis na ako next week. Tumawag ulit kasi si Papa at tinanong ako kung umalis na ba ako sa part time job ko. Lying to my parents is not my thing.. so I told him the truth. Sinabi ko na hindi pa ako nakakaalis pero sa susunod na linggo, tapos na ang trabaho ko. Sabi ko na sa mismong darating na Lunes, hindi na ako papasok sa shift ko at ibubuhos ko na lahat ng atensyon ko sa pag-aaral gaya ng kagustuhan niya. Kasi si Papa nagtapos ng abogado sa tulong ng kakilala niyang tiyuhin niya na may busilak na puso. Tinulungan siya nito sa pagbabayad ng tuition niya hanggang sa makatapos siya bilang isang lawyer. At kahit magsasaka si Papa ngayon, pinagsasabay niya ang pagiging abogado niya kapag tapos na ang ani. Hindi ko alam kung papaano niya nagagawa iyon pero mistulan akong isang tagahanga ni Papa.

At sa simpleng pagsunod ko sa gusto niya, alam kong malaking bagay na iyon para sa kanya.

Tinignan ko si Manager matapos suriin ang orders na binase sa listahan. "Kulang po ng dalawang brewed coffee" Magalang kong sabi.

Nag-prisinta na rin ako na ako na ang kumuha sa mga orders at magbigay ng mga ito dahil kasalukuyang may ginagawa si Manong Cardo. He is putting the utensils and ingredients in their respective places. While Sansan, she is at the counter, taking the orders at the moment.

Sensing that Mrs. Santos our manager is smiling, ngumiti ako pabalik. Hinawakan ko ang tray at hindi na ako nagsayang pa ng oras. I served the meals of the three girls. Yung isa nagre-retouch ng make-up niya habang ang isa naman ay kinakalikot ang phone niya tapos tumigil ito at kinuha ang lipstick tsaka naglagay sa labi niya. The other girl, she's staring at me.

"Here's your orders" I said it like the way it should be done, politely. Maingat kong inilapag ang mga orders nila na tatlong dark chocolate cake, 5 servings ng hushbrown cookies at tatlong brewed coffee. "Please enjoy" Sabi ko at nginitihan sila pero natigilan ako ng marinig ang ibinulong ng babaeng nakatitig lang sa akin. They are high school students, I think?

"Ang ganda niyo po"

Ngumiti ako. "Maganda rin kayo" Matapat na sabi ko na walang halong kaplastikan. It's true, lahat naman ng tao ay nilikhang magaganda at guwapo. Wala sa pisikal na anyo ang pagiging basehan kung gaano kaganda ang isang tao kahit na laging doon ang tinitignan ng mga tao. Ang kagandahan, nakikita sa ugali at personalidad. Minsan ang iba, tinatago ang kanilang mga kabaitan pero sa katunayan, meron sa kanila iyon. Ang kailangan lang nilang gawin ay hayaan nila itong ipakita.

She smiled at me. That sweet kind of smile. "Alam po namin iyan pero mas maganda po kayo. Simple lang po at natural pero sobrang ganda niyo po. Hindi tulad ng mga kaibigan kong lagay ng lagay ng make-up e gabing gabi na! Hay nako!" Pagpaparinig niya sa mga kaibigan na tumigil sa mga ginagawa nila. Hindi pa siya nakuntento at pinandilatan ang mga ito sabay halukipkip. Cute.

"Ay ang sama mo Kate" Ungot ng isa na tumigil sa ginagawang paglalagay ng lipstick.

Napailing na lang ako tsaka na sila tinalikuran dahil nagsimula ulit silang magchikahan.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon