CHAPTER ONE
RACHEL'S POV:
"Ugh!!!!!!" Pabagsak kong inilapag ang magazine.
Nakakainis na sila!
Ano ba pakialam nila sa buhay ng iba? Sabagay it's their job and fortunately they're doing it well.
Detailed eh.
Detailed to the point that they are exaggerating them. Syempre para interesting, para maglikha ng ingay, para lumaki at higit sa lahat para may malaking balita daw.
But the thing is, sa dami ng pwedeng gawing subject, sa dami ng mga sikat at controversial na mga artista, politicians, and issues dito sa Pinas, eh bakit ako pa?
Ano ang interesting sa akin?
Mas sikat pa pala ako sa pork barrel queen na si Napoles at sa anak niyang si Jean Napoles. Sa Saf44, sa economic growth ng bansa, sa sira sirang MRT, sa pagtaas ng kuryente at krudo.
Ang Ampatuan massacre na hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng hustisya. Syempre pera pera lang yan. Oh election nanaman!
O di kaya sa mga senators na nakulong na si Estrada, Revilla, at Enrile. O sa Mers-cov, sa aids, sa malawakang kahirapan at kawalan ng trabaho. Pero sabi daw sa survey bumaba daw ang nagsasabing nagutom sila.
Sabi ko nga malapit na ang election.
#AlamNa!
Gosh, pati pa pala sa traffic sa Edsa, sa pagbabaha dahil sa mga baradong kanal at sa mga lugar na walang magandang industrial planning. Pati sa illegal logging at smuggling ng droga o baka naman ako ang sisisihin na matutuloy ang bitay ni Mary Jane sa Indonesia?
Hindi dapat ako ang trending eh. Andyan naman ang Kathniel, o si Coco Martin, Jadine, si Zayn Malik ng 1D na lilipat na daw sa 2ne1 dahil mag kkpop na siya, o di kaya si Lee Min Ho at ang gf niyang si Suzy Bae.
Ang pagka panalo ng El Gamma Penumbra sa Asias Got Talent, o ang pagkatalo ni Manny Pacquiao kay Mayweather dahil sa nabaling balikat nito, paano ba naman kasi nag aral ng pole dancing eh si Mayweather naman hindi pa naka get over sa Dancing with the stars.
Andyan din ang mabal na internet connection pero soba sobra naman ang sinisingil nila, walang satisfactory rate sa product nila, baka mas mauna pa nga ako makapag move on sa mga nangyayari na to!
Stress much! Omg!
Si Vice President Binay at ang mga bilyon bilyon nitong perang kickback sa mga project nito. Biruin niyo 200 bank accounts! Bongga! Siya na ang mayaman!
Tapos kaaniwang empleyado yung laman ng bank accounts, take note BANK ACCOUNTS is bilyon then yung may-ari ng account eh nagsasahod lang maliit?
Edi wow! Baka naman pinamanahan ng malayong bilyonaryong kamag-anak? O baka may Yamashita treasure sila, ibenena kaya nagkaroon si ng bilyon sa bangko?
Possible right?
Kung si Madam Auring nga nag improve ang kagandahan ano pa kaya si Mommy Dionesia na posibleng magkaanak pa sa lover nito! :Dv o si Pinoy na makapag-asawa.
Anyway yun nga, accoding sa survey bumaba daw ang mga nagugutom ngayon. Well, baka yun nga, kasi meron sila bilyon sa bangko?
Sabi nga ni G kay Sophie na huwag husgahan ang isang tao sa panlabas na anyo lang, tingnan din sa loob. Malay mo nagdisguise lang yun na mahirap pero yung totoo is mayaman pala! Akalain mo!
Madami namang reasons na nangyayari yun eh. First, humble lang kaya ayaw ipaalam na mayaman, hindi kagaya ng iba na all out mayaman daw, yun pala hiniram lang pang selfie. Second, nanalo sa lotto pero ayaw ipaalam kasi baka hingan ng balato at meron instant kamag-anak, kaibigan at best friend. Third, ito ang mas nakakatakot, isa siyang ghost!
BINABASA MO ANG
Xandro, The Tamed Gambler (DeGuia #3)
ChickLitWhen a cold blooded bitch meets the tamed gambler. RACHEL'S POV: I can go from sweetheart to cold hearted bitch in 0.1 second. XANDRO'S POV: Still I'm going to take the risk of being with you even if you're the ice queen. Kahit ipagtabuyan mo pa ako...