CHAPTER FIVE

24 1 0
                                    

         CHAPTER FIVE

RACHEL'S POV:

"Okay ka lang teh?" nag-aalalang tanong ni Jules ng nakita ang expression ko ng pumasok sa office.

Pagkatapos naming kumain sa isang seafood resto which basically Xandro dragging me there ay bumalik na ako dito sa office.

Hindi ko alam kung magagalit ako or what?

I don't know if he is aware that there are paparazzi at that resto. Maybe not coz sabi nga niya masakit ang ulo niya kaya gusto niyang lumabas ng office. Wala naman akong magagawa but sumunod coz tatapusin ko pa ang presentation ko.

Sabi niya na there's no need to do that kasi hindi naman siya tinatawag na "the tamed gambler" if hindi siya sure that I can handle it. But still I insisted coz it's the proper way, hindi ako kagaya ng iba na tatanggapin lang yun ng ganoon lang.

Then yun, he just dragged me out of the office at pumunta sa freaking resto na yun. Well, kung hindi ni Xandro napansin ang mga paparazzi, maybe it was my fault too. Hindi ko rin napansin, pero kung hindi niya ako sapilitang dinala doon ay hindi to mangyayari, so partly it's his fault too.

What will I do now??

Mas lalong pagpyestahan na ako nila, to think this would be their biggest scoop as of now.

Kinikita ko na ang headline mamaya sa net: Spotted: Ice queen and the CEO of DG Global.

But on the other hand, Xandro assured me na walang lalabas na article about us.

Should I trust him?

Maybe?Coz ayaw niyang ma intriga.

No? Coz wala naman siyang pakialam, sanay siyang nasa news palagi.

Yes? Coz hindi niya gusto na maugnay ang name niya sa akin aside from I'm handling their project, nothing more, nothing less.

Strictly, business.

Purely business.

Bakit teh gusto mo bang mas level up pa ang relationship niyo?

Friend, maybe...

Taray! Friendzone! :D

Napailing na lang ako sa naiisip ko, not realizing na iba ang pagkakaintindi ni Jules.

"OMG! Dadalhin ka namin sa hospital? Ano nangyari?Naaksidente ka? Ni rape ka ni Xandro?? Omg! Magandang lahi ang mapoproduce niyo!" nagpapanic na tanong nito.

Gusto kong matawa pero looking at him na nag woworry at nagpapanic na. I changed my mind, kahit gusto kong biruin dahil sa mga pambabara niya sa akin.

Jules is a great friend and assistant. At first mahiyain siya but ng nagtagal, lumabas din ang tunay na kulay. Funny, mataray, madaldal, kalog, walang preno ang bibig but sweet and efficient, kaya naman napalagay na ang loob ko sa kanya.

Hindi lang siya assistant and bestfriend ko, he is more like my family. Lahat na siguro about me is alam niya. kung hindi lang siya bakla, siguro nahulog na ang loob ko sa kanya. Nandidiri siya kapag sinasabi ko na crush ko siya, which is so true.

Kung yung ibang bakla is dressing up like a girl, nagpapa implant ng boobs, umiinom ng hormone pills at kung ano ano pa, si Jules ay iba. Sa unang tingin hindi mo malalaman na bakla siya.

Gwapo, especially kapag ngumiti ito, killer smile sabi nga nila pareho sila magsmile ni Coco Martin. Maganda kung manamit, fashionista, parang model tingnan kasi matangkad. He has a broad shoulders, nag gygym kasi, sabi nga niya:

Xandro, The Tamed Gambler (DeGuia #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon