Jyxz POV
"FOR THE WEATHER UPDATES HERE'S JUN ANTALLA,"
Bigla akong napahinto ng marinig 'yun mula sa TV ng masungit naming kapitbahay.
Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa bintana nila upang marinig ng maayos ang sasabihin ng weather news anchor.
"SALAMAT JAKE. AYON SA ULAT NA IPINABATID SA ATIN NG PAGASA. MAY NANUNUDYONG NA BAGYO NGAYON MALAPIT SA ATING PAR O PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY AT MAAARING MAGDUDULOT ITO NG MALAKING SA---," hindi ko na narinig ang susunod pang sasabihhn ng reporter ng biglang padabog na isinirado ng madamot naming kapitbahay ang bintana.
"Damot," bulong ko tapos tumalikod na dahil baka may masipa pa akong bintana eh.
"An' sabe mo?,"
Narinig ata ang bulong ko. Humarap ako sa kanya sabay ngiti ng pagkatamis-tamis para maiinis siya lalo.
"Wala sabe ko 'Salamat' kamo,"ani ko at naglakad na ng mabilis baka may masabi pa akong makakahurt ng feelings ng bruhang 'yun. Pasalamat siya may awa pang natitira sa heart ko dahil kung wala, tsk ewan ko nalang sa kanya.
Palagi kaya kami inaaway nun ni Papa tapos chinichismisan rin kami nun.
Tulad nalang nung nangyari kay papa noong bago pa kami rito sa Cavite.
Throwback...
"Alam mo ba mare yung tungkol kay Joseph kagabi, yung pinag-uusapan ngayon nila Nissa?,"
Napahinto ako ng marinig ko ang pangalan ni Papa mula sa bibig ng chismosa naming kapitbahay.
Nagtago ako sa malapit na dingding upang hindi nila ako makitang nakikinig.
"Wala eh, ano ba 'yun?,"
"May kinakasama raw'ng siyang babae kaya minsan umaga na kung umuuwi,"
Pa-panong?!
"Talaga?!,"
"Oo, nakita raw ni Nissa noong nakaraang gabi,"
"Kawawa naman ng anak ni Joseph, kulang ng kalinga ng ama 'yun pala nasa kalinga ng iba,"
"'Yun nga eh,"
Hindi ko na kinaya pang makinig sa pinag-uusapan, tumakbo nalang ako pabalik sa inuupahan naming bahay.
Pagpasok ko ay agad akong pumunta sa silid ni Papa.
"Ah okay, sige bukas nalang ng gabi baka makita pa ng anak ko,"
Nang marinig ko iyon ay binuksan ko kaagad ang pinto at bakas sa mukha ni Papa ang gulat habang hawak-hawak ang kanyang cellphone.
"A-ana--,"
"Sino po ang kausap niyo?!," sigaw ko kay Papa.
"Ah kasi anak, ganito 'yun--,"
"Ano nga po sabi eh?!,"
"Ah--,"
"Pa! Babae n'yo po ba 'yung kausap n'yo?!," hindi ko na talaga kaya.
"Hindi anak nagkakamali k--,"
"Eh, sino nga 'yun?! Pa anak n'yo po ako may karapatan po akong malaman ang lahat!,"
"An-?," pinigilan ko si Papa sa pagsasalita gamit ng kamay ko.
"Mukhang tama 'yun narinig ko kanina sa kanto, may babae ka nga!,","
YOU ARE READING
Choice (Book 1)
RomanceSometimes we have to choose between two things that will lead us to different path. Decisions reflect one's priorities and maturity. There are posibility that we can have an unexpected problems or worst we change because of the thing we choose. And...