KABANATA XIII-PAST

2.3K 59 4
                                    

Flashback

Jessica Margarett POV

Nandito ako ngayon sa Centrum Hospital kung saan nakaconfine si Tita Judith. 

Sa pagkakalarawan ko sa kanya ngayon ay halos hindi ko na siya makilala dahil sa mga bandage na nakapulupot sa buo niyang katawan kasama na ang kanyang mukha na namamaga.

Lumapit ako at tumabi sa kanya.

"Diyos ko po, sana pagalingin niyo na si Tita Judith. Mabait po siyang tao sana hindi niyo siya hayaang mawala... Kawawa naman po si Deanna kapag siya mismo ay tuluyan din mawala"---pagdasal ko

Parang may kutsilyong tumusok-tusok sa puso ko dahil sa nakikita ko ngayon. Tita please lumaban ka.....

Sa kaunting panahon na nakilala ko ang parents ni Deanna masasabi ko na mabuting tao sila. Nagtatrabaho sila ng bonggang-bongga para lamang mabigyan ng maayos na buhay ang kanilang nag-iisang Anak. Nakikita ko ang pagmamahal ng isang ama't ina sa isang sitwasyon na halos ibinibigay na lahat ng luho na gusto ni Deanna ay hindi parin maramdaman ni Deanna ang efforts nila to the point na nasasaktan na sila.

Noon, kapag pumupunta kami sa bahay nila ay palaging ikinuwento ni Tita Judith ang buhay ni Deanna saakin. Noong 1-4 yrs. old daw si Deanna ay masasabi nilang jolly, masayahin at may paggalang pa sa kapwa ito... Kaya't nagpapasalamat sila dahil hindi ito naging suwail kahit binibigay na lahat sa kanya...

Pero nang lumaki na ito ay unti-unting lumayo na ang pakikitungo ni Deanna sa kanila. Ang masayang pakikitungo ni Deanna sa kanila ay napalitan na ng poot at pait. Hindi nila mawari'y kung ano ba ang naging dahilan kung bakit lumayo at lumamig na lamang ng ganun ang pakikitungo ni Deanna. Halos mabaliw na raw si Tita dahil sa kanya noong mga panahon iyon. Ang mahal na mahal niyang si Deanna ay nagbago na. Wala na siyang pakialam sa mundo.

I feel pity for Tita dahil umiiyak na siya habang nagkukwento...Sorry Tita ganyan pala ang pinagdaanan niyo sa kanya. :(

There was a time na they decided to talk Deanna about her problem. But they failed to know the answer. They planned to consult to their friend a Pyschiatrist and then Deanna's accidentally hear it out. Pinagbantaan niya ang kanyang mga magulang na magpapakamatay ito. Kaya wala silang magawa kundi hayaan nalang at ibigay ang gusto ng anak.

Mahal na Mahal nila ito kaya hangga't sa kaya nila, iintindihin parin nila ito at mamahalin.

Kaya pala minsan nagtataka na ako kay Deanna kung bakit ganyan nalang kanyang pag-uugali. Natural na pala yan sa kanya ang pagiging walang modo at respeto kahit sa magulang niya.

Ano kaya ang naging problema niya?????

.

.

"Sana man lang pahalagahan niya ang parents niya lalo na sa ganitong sitwasyon. "--mahinang sabi ko sa sarili

"Lantang-gulay na ang kanyang Ina samantalang wala ng buhay ang kanyang Ama. Kawawang Deanna... Hayssssssstttt."---dagdag ko habang umiiling

"Tita sana gumising ka na, sige ka. Baka magalit si Deanna kapag hindi ka pa nagising"--wika ko sa walang malay na pasyente

"Tita naman eh, diba po marami ka pang ikukwento tungkol kay Dea--deanna?"--nagsisimula ng tumulo ang luha ko

"La--laban lang po *hikkk* (at tuluyan ng bumuhos ang luha ko)Tita hah, hindi ko po ka--kayo pababayaan hanggat hindi ka guma--ga--galing... *huhuhuhuhuhuhu </3* Sa totoo lang po kahit ngayon lang tayo nagkakilala ang ga---gaan po ng loob ko *hikkk* sa in--inyo.. Naging kaibigan ko rin kayo, na--naalala mo pp--pa ba yung mga panahon na *hikkk* nagbonding ta--tayo sa--sa araw ng kaara--raw---wan ko? *hikkk* Ang saya ko po noon. (patuloy ang mga luhang umaagos)Tapos kinagabihan binig--yyyyan mo po ako ng sa--sa--sasakyan na *hikkk* kulay yellow. Alam mo ba Tita na araw-araw kung nililinis yun? galing kasi sayo eh.. *hikkk* Iniisip ko tuloy na baka magtampo na si Deanna. *hikkk* Baka sabihin ng mokong na yun inaagaw kita sa kanya. 

LOVE ME LIKE YOU DOWhere stories live. Discover now