KABANATA XIV-PAST

2.1K 57 3
                                    

Flashback

Deanna POV

Nandito na ako ngayon sa labas ng room ni Mommy.

"Magpakatatag ka Deanna. Para sa Mommy mo"--sabi ko sarili ko

Habang papasok ako may babaeng kumakausap sa Mommy ko..

*Uhmmmmmmmnummm*

"Ang sarap amoyin Tita"--babae

"What are you doing?"--walang emosyon kung sabi

"Ayy tipaklong! (sabay hagis ang Manggang inaamoy)"----gulat niyang saad

(Itinikom ko ang aking mga kamao)

"What the???"--- pasigaw kong sabi sa kanya.

Paano naman kasi. Ang tanga niya. Hinagis niya lang naman ang Manggang hawak-hawak niya at saakin pa talaga tumama. Nananadya ka ba to????

"Oppppps! I'm sorry Deanna. Nagulat lang ako. Andito ka na pala"---wika niya at nagpeace sign saakin

"Ahhhhhhhhhhh!!!!! LEAVE!!!!"---mas nilakasan ko pa ang pagsigaw ko

Hindi ko na maintindihan ang sitwasyon ko. Dumagdag pa ang isang to. Tsaka bakit ba nandito to? Pakialam niya sa pamilya ko??

"Uyyy. Wag naman ganyan. Nagsorry na nga ako eh."---pacute niyang sabi

Hindi ko na mapigilan. Malapit na akong sasabog. Mawawala na talaga ako sa sarili

Inhale, Exhale Deana kailangan mong maging matatag*****

"What are you doing here? Magkano ang kailangan mo Margarett?"---mahinahon kung sabi

Nakita kong nagulat siya. Tama naman ako diba. Mapera siyang babae. Ginagamit lang niya ang Mommy ko para mabili ang hindi maibigay ng parents niya. Akala ba niya hindi ko alam. Tsk. Huwag ako Margarett.

"HUH??? Paki ulit nga ng sinabi mo Deanna."---gulat niya

Lumapit ako sa gawi niya. Para naman marinig niya ng maiigi. Tumingin ako ng deretso sa mga mata niya.

Tanga na nga.

Bingi pa.

"Magkano kailangan mong pera. I mean NIYO. Para lubayan ang pamilya ko"--- walang emosyon kung saad

Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mukhang kagagaling lang niya sa pag-iyak.

May mga luhang namumuo na sa mga mata niya.

"Ano ba ang sinasabi mo Deanna? Naparito ako para alagaan ang Mommy mo. At tsaka ikaw gusto kitang damayan. Tapos iyan pa ang sasabihin mo saakin. Nakakatampo ka naman....."---paliwanag niya

Tumalikod ako sa kanya. Tumango ako para pigilan ang mga luhang kanina ko pang pinipigilang pumatak.

Hindi ko kaya to. Kailangan ko ng umalis. Ang sakit-sakit na sa pakiramdam ko....

Parang gusto ko narin mamatay...

Dad ;(

Mom ;(

Hindi ko na namalayan na andito na pala siya sa harap ko.

"Bakit amoy alak ka? Nakuha mo pang uminom sa ganitong kalagayan na ng Mommy mo? Ganyan ka ba talaga ka kasama???? sa pagsasawalang bahala mo sa kanila??? "---dagdag pa niya

Oo. Masama na kung masama. Sabihin mo na lahat saakin Margarett. Kailanman ay hindi mo maiintidihan ang sitwasyon ko lalo't na hindi ikaw ang nasa kalagayan ko. Kung alam mo lang na kung gaano ako nasaktan nang malaman ko na wala na si Dad at critical pa si Mom.

LOVE ME LIKE YOU DOWhere stories live. Discover now