Ang Bakasyon

95 1 0
                                    

Walong kabataan ang lulan ng isang yate papunta sa isang probinsya. Doon sila magpapalipas ng dalawang buwang bakasyon sa minanang lupain ni Salina mula sa lola nya.

"Salina, saan ba yang minana mo sa lola mo? Parang nasa dulo na ng daigdig ah." ani Kathryn

"Oo nga. Parang ang layo layo na ng nilalakbay natin." segunda ni Rod.

"Sabi ni Mommy sa Ilocos daw. Alam naman yun ni Kuya." ang tinutukoy ni Salina ay ang nagmamaniobra ng yate.

"Okay. Pero teka asan na pala si John Charles?" tanong ni Zyri.

"Oo nga. Kanina ko pa yun hindi nakikita." sambot naman ni Marco.

"Salina, andun sa cabin si John Charles. Ayun tulog na tulog pa." imporma ni CJ.

Pumunta sina Salina, Cielo at Marco sa cabin ni John Charles. At naabutan nga nilang nahihimbing ang kanilang hinahanap.

"Kuya! gumusing ka naman na." wika ni Salina habnag niyuyugyog ang balikat ng kapatid.

Nakamasid at nakapameywangan namana ng naiisin na Cielo sa nakikita nyang nagaganap sa kanyang harapan.

"Ano ba yang kapatid mo Salina? Napaka-KJ nya."

Napabuntong-hininga nalang si Salina. Alam nyang kagabi pa naiinis si Cielo sa kuya nya. Sasama sama pa kasi wala namang pakisama.

"Teka lang. Ako na ang gigising sa kanya." pagboboluntaryo ni Marco.

Tumayo si Salina mula sa pagkakaupo at hnayaan si Marco na gisingin ang kapatid. Tahimik syang nakamasid dito. Nagulat silang dalawa ni Cielo ng sigawan ni Marco si John Charles.

"JOHN CHARLES, GISING NA!!!" biglang sigaw ni Marco.

Nabiglang dumilat si John Charles.Umaalon ang dibdib nito sa gulat. Nagtawanan naman sina Cielo at Salina.

"Sigaw lang pala ang katapat ni John Charles. Naghirap ka pang gisingin ang higanteng yan." ani Cielo.

Dumilim ang mukha ni John Charles sa narinig. Pinahiya sya ng kaibigan ni Salina. At kahit kailan wala pang nagpapahiya sa kanya.

Napansin ni Salina ang pagdilim ng mukha nito kaya minabuti nyang lumabas sa cabin kasama si Cielo.

"Bakit mo naman sinabi yun? Nainis tuloy si Kuya."

"Wala akong pakialam sa kanya. Totoo namana ng sinabi ko eh."

"Bahala nga kayong dalawa. Pero tandaan mo, dalawang buwan kayong magkasama sa iisang bahay. HIndi naman pwede na parati nalang kayong magbabangayan." pagpapaintindi ni Salana sa kaibigan. "Ano yun sa tuwing maaalala nyo ang bakasyon na ito puro bangayan nyo ang maaalala nyo. Enjoy the vacation. I'm sure it will be fun. All of us should enjoy."

"I'll try."

Pumunta ang dalawa  sa tinatambayan ng mga kasama nila. Lumapit si Zyri sa dalawa.

"Salina, its already seven am. Kahapon pa tayo sa laot. Malapit na ba tayo?" naiinip na tanong nito.

"Yep, we're near." sabi ni Salina sabay turo sa isang pantalan na  may isang malaking signage na Ilocos pier.

Tumingin lahat sa tinurong lugar ni Salina at bakas sa kanilang mukha ang galak na malapit na sila sa kanilang destinasyon. At hindi nga nagtagal ay dumaong na sila sa pier.

Pagbaba nila ay may Fortuner ang naghihintay sa kanila, Ilang oras pa silang nagbyahe bago nila narating ang kanilang destinasyon - ang Pagudpod.

Eksaktong ala-una ng hapon  ay nakarating sila sa lupang minana ni Salina. Isang malawak na lupian at isang malaki at lumang bahay ang sumalubong sa kanila.

"Is that the house that you inherited from yur grandmother, Salina?" tanong ni CJ.

"Yes." sagot ni Salina. "Halika pasok tayo sa loob."

May caretaker na nagmimintina ng bahay. Kaya malinis iyon ng datnan nila.

"Maligayang pagdating sa inyo, Maam." bati ng caretaker kay Salina. "Ako nga po pala si Mameng, ang caretaker nitong bahay ng Lola nyo."

"Ako naman po si Salina. Maraming salamat po sa pagbabantay dito sa bahay."

"Karangalan iyon, Maam. Sapagkat ang inyong Lola ay isa sa pinakamabait na tao dito. Kaya naman isang karangalan ang pagsilbihan sya at bantayan ang bahay na ito."

"Gayunpaman ay maraming salamat pa din po. Aling Mameng, ilan po ang kwarto dito?"

"Lima ang lahat ng kwarto dito. At lahat ng yon ay nasa ikalawang palapag. Dalawa sa kaliwa at tatlo sa kanan."

"Ganun ho ba? Aling kwarto po ang inuukupa ninyo?"

"Maam, doon po ako naninirahan sa kubi sa likod. Sige Hija, mauna na ako. May kuryente naman dito. Pinakabitan ni Attorney nitong nakaraang buwan. May stock din po ng pagkain sa ref."

"Salamat po. Aling Mameng dito na po kayo maghapunan mamaya kung ayos lang sa inyo."

"Maraming salamat, Hija. Ngunit sa susunod na lamang. Mauna na ako."

"Sige ho."

Umalis naman agad ang caretaker ng bahay. Agad namang inassign ni Salina ang room assignment sa mga kasama para hindi na rin magkaroon ng pagtatalo sa silid.

"Guys, lima lang ang kwarto dito. Kaya tig-dadalawa kada isang kwarto. Si Kuya Lita at Kuya Alex ang magkasama sa unang kwarto sa kaliwa, Si CJ at Kuya John Charles ang sa sumunod na kwarto sa kaliwa. Sina Rod at Marco sa unang kwarto sa kanan. Sina Cielo at Kathryn sa gitnang kwarto samantalang ako at si Zyri sa dulo. Ayos lang ba?"

"Ayos lang." sabay sabay na sagot ng lahat.

Inakyat na nila ang mga gamit nila. Malamig ang simoy ng hangin. Palibhasa'y malapit sa dagat ang lugar.

Kinatok sila ng mga kasamahan at niyaya na maligo sa dagat. Agad silang nagpasya na magtampisaw sapagkat kahit tanghaling tapat na'y hindi naman ganun kasakit sa balat ang iniy ng araw at gayundin ang tubig.

Halos dalwang oras din silang parang mga bata sa dagat. Ngahahabulan, nakukulitan, hanggang sa tinawag sila ni Aling Mameng para magmeryenda.

Umahon ang lahat at pumasok sa bahay. Kahit basang basa sila ay dumiresto sila sa likod bahay para dun kumain ng minatamis na saging.

Mabilis na lumipas ang oras, dumating ang gabi. Naghanda sila para matulog. Alas-otso palang tulog na silang lahat dala na rin ng pagod.

Masayang masaya ang buong barkada sa dalawang linggong pamamalagi nila sa Ilocos. Pero may isang bagay na kakatwa ang napansin ng magkapatid na John Charles at Salina.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Misteryo ng Lumang BahayWhere stories live. Discover now