#1~~ 'Wag Paasahin

119 3 0
                                    

Tip #1

~~‘ WAG PAASAHIN~~

Ang kulit lang kasi ng Esophagus mo, eh! Sabi ko naman kung ayaw mo, ayawan mo talaga.

Nakikipag-flirt ka pa eh!. Sarap mong kurutin sa singit, paiitimin ko lalo ‘yan, Chos!

Kung ibinabalik mo kasi ‘yung ginagawa niya sa’yo, iisipin lang niya na pa-hard-to-get ka friend!

Sabihin mo ng diretcho na ayaw mo sa kanya, hindi yung kapag wala kang magawa, ayun tatawagan at ite-text mo pa siya para makipaglandian tapos siya ayon, AASA SA WALA!

Ayon  nga sa Statistic ng isang survey isa sa reason why people commit suicide ay dahil sa nabasted sila ng mga nililigawan nila (haba kasi ng hair girl? Paputol ka kaya minsan para walang mamatay!)  hindi ka ba nako-konsensiya na ikaw ang dahilan kung bakit siya umabot sa ganung kadramahan at kabaliwan  para lamang sa’yo.

 Madali naman magsabi ng totoo kung ang nais mo lang ay ang ikabubuti ng lahat pero kapag may hidden plan ka! At gusto mo siyang paglaruan o di kaya trip mo siya landiin (LAM NA! Miyembro ka din siguro ng Higad Gang)  Ay! Friend sinasabi ko sayo hahabulin ka lahat ng Diablo.

Kung hindi mo kayang magsabi ng diretcho at ayaw mo siayng saktan dahil isa kang anghel  na ayaw masaktan ang iba (Pwes! Sana kunin ka na ni Lord!) gumamit ka ng irony  o di kaya barahin mo para hindi siya masyadong masaktan at matauhan na,  parang ganito:

Siya: ‘Uy! Kailan mo ba ako sasagutin?

Ikaw: Bakit? Ano ka ba test paper para sagutin kita?

Siya: Hindi yon! Gusto ko sagutin mo ako bilang boy friend mo.

Ikaw: Bakit kailangan kitang sagutin ? nanliligaw ka ba? Weh di nga? Hindi halata eh!

Ewan ko lang sa kanya kung hindi yan ma-offend  sayo, baka nga bukas ay hindi na ‘yan magpakita sayo. HahaXD basta isip ka pa ng ibang lines para mawala na siya sa buhay mo, at dahil diyan tawagin natin yang “BASTED LINES” ang linya kung saan masosolusyonan ng mga taong may problema sa makukulit na manliligaw, sabi nga nila mas mabuti na ibasted mong mas maaga kaysa masaktan mo siya at masisihan mo pa! Umiyak ka pa ng dugo jan, wala ka ng magagawa kundi ang tumunganga.

Kaya, Friend!  Try to be true to yourself and to others huwag maging plastic at wag matakot magsabi ng totoo dahil  habang pinapatagal mo ang pag-aasam niya na makamit ka ay lalong mas mahirap na ilayo siya sa buhay mo.

Huwag din masayadong makati o maging miyembro ng HIGAD GANG  na kapag tinamaan ng kalandian ayan na si ate hahablot ng kahit sinong lalake na makita sa tabi, isipin din ang mararamdaman na mga taong nasa paligid mo, malay mo gumanti pa si loko at ikaw ay bawiin niya pa ng buhay, Chos! Bawiin ka in the near future, malay mo ang pangit mong manliligaw noon ay maging Ultimate crush na bayan ngayon o di kaya ipapatay niya ang taong mahal mo, basta matakot ka na lang sa puwede niyang magawa kapag nasaktan mo yan si KUPAL!         

~~Dyosajorgina TIP #1

Tips to Avoid Importunate Suitors!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon