#2~~'IWASANG MAGPACUTE AT MAGING SWEET

101 4 2
                                    

Tip#2

~~ IWASANG MAGPACUTE AT MAGING SWEET ~~

Ito ang kadalasan mali natin eh, particular na ang mga babae katulad ko! Tama na ‘yung pa-cute o pa-sweet effect ninyo , bukod sa masakit na mata friend, mukha kayong malandi. (Ouch! Parang natamaan ako dun ah!) Iwasan na ‘yung pagbe-baby talk o di kaya magsalita ng akala mo may samoung pating ng braces ang mga ngipin mo! Tulad neto.

 

Girl: Execuse me!

Boy:  Huh? Ano yun?

Girl: nakapag-sign ke ne be? Sa ettendance? Ete ne pele ang attendance oh! (with matching wink ng mga eyes at pa-cute face kuno? Yuck)

Pakiusap lang Babaitang Feelingera! Hindi ka baby at lalong wala kang braces para umasta ka ng ganyan, wala kang pera para magpa-brace.

May mga babae din na Abusado! Purket may nanliligaw pahatid-hatid pa si Gaga, kaya mong umuwi mag-isa (Nasa kanya ba mga paa mo? Para hindi ka maglakad at umuwi mag-isa.) nasa kanto lang naman ang bahay ninyo, bilang babae kailangan maging pakipot ka, chosy at hindi basta-basta, dapat Hard-to-get ang dating mo, hindi yung kindat lang niya, Ano? Teh? Kayo na? Kinilig ka agad? (#Medyopakipot , I-tweet mo yan? Ng mag-trending ka!)

 

Kapag Birthday nu’ng nilalandi o lumalandi sayo (Oo, Landi na dapat ang term kasi MALALANDI KAYO!) okey na ‘yung binate mo siya, ‘Wag kang bibili ng regalo baka isipin niya malaki na ang pag-asa niya sayo, pero depende pa din kung gusto mo siyang bigyan basta dapat hindi siya mag-te-take Advantage sa mga kinikilos mo. Wag ka din basta-basta pupunta sa bahay nila kapag inuman ang ganap ng birthday niya, baka MA_RAPE ka! (Pero kung tigang ka! Sige teh? Push mo yan. Haha)  magpasama ka sa kahit kaninong kakilala mo, bestfriend, kapatid o kahit malayong kamag-anak mo basta malalayo ka lang sa dapat hi ndi manyari.

Kapag nagtetext siya sayo ng “Good Morning J <3”  replayan mo lang siya ng “Good Morning din.” Wag mo ng lagyan ng kahit anong Emoticon at kahit ano, basta dapat isipin niya ayaw mo siyang kausap, Wag na wag mo din tatanungin kung kumain na siya (Hindi ka niya nanay, para alamin ang oras ng pagkain niya) lalo na ang mga pa-sweet na “Ingat” at iba pang line na para sa mag-jowa lang.

Kaya ikaw teh! Kung gusto mong iwasan siya gumawa at mnag-isip ka ng mga bagay para tantananka na niya hindi yung gumagawa ka pa ng mga MALALANDING MOVES para mahulog pa siya sayo, nasa sayo yan kung gusto mong umiwas sa kanya, pero kung makati na talaga, well pakamot ka na! Ang mga simpleng bagay na ‘yan ay madalas ma-misinterpret ng mga taong may gusto SAYO! Hindi lang din GIRLS ang mga gumagawa niyan, BOYS iwas-iwas din ‘pag may time.

~~DYOSAJORGINA TIP#2

 

 

Tips to Avoid Importunate Suitors!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon