3

9 3 1
                                    

Napabuntong hininga ako habang tinitigan ko ang sarili sa salamin. Parang may mali? Muli kong iniba ang istilo ng aking buhok. Ngunit hindi ko pa rin matipuhan ang aking itsura.

Napatitig ako sa ilang clip na aking naiuwi galing kay Reyna. Sinuklay ko muli ang aking buhok bago isinilid ang isang clip sa gilid. Muli kong pinagmasdana ng aking mukha. "Ang panget!" sa inis ko ay naibato ko ang suklay sa salamin. Napalayo lamang ako sa harap ng salamin ng makarinig ng ilang kalabog na katok.

Sa gitna ng malakas kong tugtog sa radio ay nangibabaw ang sigaw ng aking ina sa labas ng pintuan ko. "Hoy Selene nilamon ka na ba ng kwarto mo?! Bakit ba ang tagal mong mag bihis jan tanghali na!"

Kinuha ko na ang aking bag at sinakbit sa aking likod. Muli kong nilingon ang sarili sa salamin. Bago ako umalis ay pinagtatag ko ang clip sa aking ulo. Bakit ba kasi ako nagpapaganda?! Dabog kong binuksan ang pinto. "Tapos na po ako."

"Ano bang buhok yan? Magsuklay ka nga!" mas lalo lang akong napasimangot sa aking ina. Ano ba yan napre-pressure na ako ah! Muli akong bumalik sa kwarto at mabilisang sinuklay muli ang aking buhok.

Unang araw sa ikatlong baitang ko sa highschool. Kabado ako sa aking unang araw sa bago kong paaralan. Lalo't wala akong masyado pang kakilala o kaibigan man lang dito kaya hindi ako mapakali. Paano na ako sa lunch?! Sino kasama ko?!

Si Reya naman hindi na ako kinausap simula nung dinala nya ako sa liga. Ewan ko ba don. Nilapitan ko sila ulit pagkatapos akong bigyan ng sukli nung lalaki at hindi na nila ako pinansin. Tinaasan pa nga ako ng kilay na akala mo naman ay kaganda. Bwisit! Kalbuhin ko sila e.

Sa wakas ay bumaba na ako at tinungo ang kusina upang kumain ng kahit isang tinapay man lang ngunit agad na akong hinarang ng aking ina. "Late ka na! Sa school ka na kumain." pagtataboy nya sa akin.

Napairap ako, "Isang kagat lang ng tinapay e!" ngunit imbes pagbigyan ako ay pinalo nya lamang ako sa pwet na nagpatakbo na sa akin sa labas ng bahay.

"Dalian mo na at panigurado madami nakaabang na tricycle jan!"  pahabol pa nya sa akin habang buhat buhat si Michael na kumaway sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako. Agang aga niirita na agad ako.

Naglakad na ako tungo sa paradahan ng tricycle sa pagkalampas ng eskinita. Sa pag tungo ko don ay nabigla ako sa haba ng pila ng tao. Naghalo ang mga estudyante o mga nagtratrabaho sa opisina. Hay, tama nga ang aking ina. Busangot ang aking mukha na naghihintay din yon. Sa pag lipas ng oras ay kumonti na ang tao ngunit nauubusan naman ng mga tricycle.

Napapadyak na ako sa iritasyon. Tumataas na rin ang araw kaya nadadama ko na iyong init. Ngunig mas lalo akong nainis ng makalanghap ako bigla ng sigarilyo sa aking tabi. Marahas akong napalingon dito at hindi nga ako nagkakamali sa nakita. Naka-uniporme syang humihithit ng usok sa aking tabi. Presko lamang itong nakasandal sa may poste sa aking tabihan habang nakapamulsa. Lihim akong napataas ng kilay. Pabayaan mo na nga lang yan.

Naubos na ang mga taong naghihintay pati na rin ang tricycle. Naiwan kaming dalawa ditong naghihintay.

Hanggang sa dumating din si Reya na pinalibutan ng makukulay na clip. Litaw na litaw rin sa araw ang matingkad na pink na bag nya't mga labi. Malawak ang ngiti nyang tumabi sa lalaking nanagarilyo.

"Hi Emman! " matinis ang boses nyang bati. Ayaw ko man maging tsismosa ay talagang agaw pansin lang talaga sya. Iniba ko na lang ang direksyon ng aking tingin.

Hindi naman tumugon si Emman daw at nanatiling na nanagarilyo lamang. Sumasakit na ang ilong ko dito ah?!

"Anong section mo? 3- Ruby ako, ikaw?" muli nyang pangungulit. Naawa naman ako kay Reya ng muli syang hindi sumagot pero mas naawa ako sa aking sarili na mapagtanto na pareho kami ng section. Malas naman, oh. May sinunod pa syang mga tanong kay Emman nang dumating na sa wakas ang tricycle. Inunahan ko na ang dalawang pumasok sa loob. Ayaw ko ngang sumabit sa labas, sa tagal kong inayos ang buhok ko.

What Could Have Been Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon