1

17 4 0
                                    

"Emman!" agad akong napalingon sa boses mg babaeng sumigaw. Napatigil ako sa paghahakot ng gamit at napatingin sa aming magiging kapitbahay sa tapat.

I saw a man leaving the house. Mabilis nyang sinakyan ang kaniyang bike bago paspas na pumadyak paalis Sa likod nya ay  ang nanay nyang nagtatakbo upang habulin sya ngunit nakaalis na sya bago pa sya maabutan. Agad akong napakunot, grabe namang sutil ng anak non. Napailing-iling na lamang ako. Ngunit muling napabaling amg aking ulo ng tumama ang palad ng aking ina nang batukan nya ako.

"Aray naman nay!" masamang tingin ang ginawad ko sa kaniya ngunit agad ko din iyon binawi ng makita ang nausok na ilong ng aking inay.

"Ang bata bata mo pa, tsismosa ka na ah?! Kay bago natin dito sa kapitbahay ay yan ang inaatupag mo. Tumulong ka nga don sa loob! Ilagay mo na yung mga gamit mo sa iyong kwarto."

Napakamot na lamang ako sa parteng sinapok nya bago tahimik syang sinunod habang nagdadabog sa aking isip. Nakakainis naman, nasan pagiging tsismosa don? Tinitingnan ko lang naman ang aming mga kapitbahay e.

Dinala ko na iyong kahon ko galing sa aming truck bago nagtatakbo na sa loob ng aming bagong tirahan. Mahirap na bago lamunin na akong buhay non.

Pag pasok ko ng bahay ay makikita mo agad ang mga nakakalat na kahon sa paligid. Kakalipat lamang namin ng bahay ngayon sa bagong barangay at bagong  lungsod sa mga kadahilanan, madaming problema ang aming pamilya. At ewan ko ba kung paano maging sulosyon ang tumakas. Para namang magkakaron kami ng bagong buhay dito.

Tinakbo ko na iyong hagdan pataas sa aking kwarto. Ngunit sa pag bukas ko ng pinto ay agad kong namataan ang aking maliit na kapatid hawak ang mga pilas pilas na aking mga poster. Wala pang ilang segundo ay napasigaw na ako.

"Michael!" wala naman syang kamalay malay ng sinugod ko sya. Napatingin ako sa mga nakakalat na mukha ng aking mga paboritong banda. Maiyak iyak ko itong pinagmamasdang lahat na punit punit. "Ikaw bata ka! Bat mo ginalaw mga gamit ko?!" imbes sagutin ako ay dinilaan nya lamang ako sabay takbo palabas.

Nanginginig ako sa galit na hinabol sya palibot ng bahay. Dinig ko ang halakhak nya habang nagpapahabol. Aba't! Akala nya ba nakikipagbiruan ako sa kaniya?!

Bago ko pa sya mahuli ay nabuhat na sya ni Tito Eric palayo sa akin. Nasabi ko na ba na hindi lang bagong bahay ang nakuha ni mama? Bagong asawa din. Napairap ako ng makaharap si Tito lalo na nung marinig ang kaniyang singhal sa akin. "Ano ba yan. Maglinis ka naman muna Selene bago ka makipagharutan sa'yong kapatid!"

"Hindi ako nakikipagharutan tito! Pinunit nya lahat ng posters ko!" gigil ko pang duro kay Michael na may nakakaloko ng ngiti sa akin. Nanlaki ang aking mata sa kaniyang pang-aasar sa akin. Aba't talagang ang batang ito talaga!

"Alam mo naman kaseng may bata bat pahara hara yang mga gamit mo?" napabagsak ang panga ko sa gulat. Kung kanina kay Michael ako kumukulo ang dugo ngayon naman nang gigil ako sa bwisit na-! Ayaw ko ng ituloy. Hindi ko na sya pinatulan at dabog na pumasok ng aking kwarto. Ngunit bago ako pumasok sa aking kwarto ay nilingunan ko si Michael at binigyan sya ng masamang tingin. Mamaya ka saken.

Bwisit! Sa lahat ng magiging bagong asawa ni mama ay talagang ganon pa ang ugali?

Agad akong kumuha ng tape at maiyak iyak na pinagdidikit muli ang nga punit na mukha ng aking pinakamamahal. Para ko na rin sila pinaglamayan sa aking nararamdaman.

"Aking Ely Buendia patawarin mo ako. " hinaplos ko ang kaniyang mukha na gutay gutay. Bwisit talaga! Bago ko pa mapagipunan ang mga ito?! Ang tanging nabuhay lang sa aking poster ay ang Smokey Mountain. Kinuha ko na ito at dinikit sa aking pader.

Napabuntong hininga na lamang ako sa aking pagkairita. Sumasakit ulo ko. Sumalpak na lamang ako sa aking kama imbes maglinis. Nawalan na ako sa mood mag ayos ng kwarto.

What Could Have Been Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon