Chapter 14: Confession

151 5 1
                                    

<Tori’s POV>

Naku patay ako nito, mahigit isang oras na akong na-e-emote sa garden.

Siguradong nagwawala na ang buong palasyo sa pagkawala ko, Haiiissst.

Eh, kasi naman .. di ko naman aakalain na nakakapagod rin pa lang magpaganda, tsk.

Eto tuloy, nakapag emote ako ng wala sa oras …gamit pa ang kanta ni Selena Gomez.

Uggghhh, ANTI pa naman ako.

(A/N: PEACE sa mga fans. Hinde ako ANTI, sadyang kontrabida lang po ang bida. Teka ang gulo ah? ayy ewan! )

Anu kayang idadahilan ko?

Ahh, ganito nalang..

“Adviser, natagalan kasi ako sa comfort room, kasi nadulas ako at..uh..uh nadumihan yung gown kaya linabhan ko! Oo, tama linabhan ko!! uhh.. teka hinde naman ako naglalaba ah? Haaissst!!”

Para na akong baliw nito, naglalakad na nagsasalita..

“Wait, may isa pa akong reason, ehemm.. uh, Adviser habang papuntang comfort room, may dumaan na rabbit! Kaya sinundan ko, kaso pumasok ito sa butas at pumasok rin naman ako! Di ko naman alam na bangin ito, at ---

“Teka,eh.. Alice  in Wonderland naman tong pinagsasabi ko!! Ughh, wala akong maisip!!”

Wala naman atang magandang reason!! Aminin ko nalang kaya, tsk. Hinde naman sa natatakot ako sa adviser ko, (WHICH NAPAKAIMPOSIBLE) natatakot lang akong isumbong niya ako kay MADMAN, at baka ano naman ang e-threaten nun, mad nga eh? Kaya MADMAN,tsk.

ISIP.ISIP.ISIP.

“Ahh!! Heto, mas maganda  na tong reason!! Ehemm,  Adviser.. ang nangyari kasi ay, noong paalis na ako sa comfort room.. di muna ako bumalik, kasi nagpahangin muna ako.. linibot-libot ko ang palasyo pero bigla nalang ako nawala, masisi nyo ba ko? Kung ganito kalaki ang palasyo diba? Pati nga kayo, nasabi nyo nang kahit nag da-dalawang taon na kayo dito sa RoseStone Kingdom ay di nyo parin memorado ang buong palasyo.” Tugon ko,

ANG GALING KO TALAGA!!

The Rebel Princess ( O R I G I N A L )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon