1. Wicked Games

343 11 0
                                    

Her friends and families call her by name.

But for other people, she's just a Bitch

A badass girl who doesn't know what love is.

And someone who just play with men as heart being their cards.

All they've seen are the wrong things she have done.

But aren't aware why she turned like that.

_________

Nagsimula ang laro nila ng dahil sa isang dare. Ang dare ng mga kaibigan ni Jeraiah na kunin ang number ng kung sino mang lalaki na dadaan sa harap nila na nakasuot ng pink na damit. Nung una ay akala ni Jeraiah na simple lang ang dare na yun pero nagkamali siya dahil may iba pa pala siyang kailangang gawin pagkatapos nun...yun ay ang landiin at pagkatapos ay saktan ang lalaking yun...ang lalaking kilala bilang ultimate heart breaker sa campus nila. Oo, sadyang tadhana na ang naglalapit sa kanila dahil pareho lang pala ang school na pinapasukan nila. At dahil isa siyang great bitch na kung tawagin ng iba ay syempre pumayag siyang gawin ang dare na yun.

Sa larong walang kasiguraduhan kung paano mananalo, paano niya masisigurong mananalo siya kung puso na niya ang magiging kapalit?



Nagdadalawang isip si Jeraiah kung ite-text niya ba ang lalaking hiningan niya ng numero kanina sa mall. Nagkatuwaan kasi sila ng barkada niya at ngayon ay hindi na siya natutuwa sa dare nila na yun. Ang lokohin at saktan ang lalaking hindi niya naman kakilala. Pero sa kabilang banda ay napaisip din siya na kung hindi niya gagawin ang dare na yun ay siguradong mas matindi ang consequences na ibibigay ng mga kaibigan niya. At bilang isang kilalang playful bitch ay nagdesisyon siyang ituloy ang plano nila, at ngayon ang kailangan niya munang gawin ay kilalanin ang lalaking iyon. Naisipan niyang tawagan ito.


'Hello!' naghintay siya ng sagot pero tanging naririnig niya lang ay ang ingay na nakakarindi sa tenga mula sa kabilang linya.

'Who the h*ll are you?' mayamaya ay nagsalita na rin ito. Akala niya pa naman ay gentleman ito pero mukhang nagkamali siya.

Chill lang okay? 'I'm Jeraiah Chane', ako yung magandang babae na nanghingi ng number mo kanina.'

Matagal bago niya narinig na magsalita itong muli.,' So what now, bitch?'.

'Um, I want you to be my boyfriend' diretso niyang sagot sa tanong nito. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa dahil yun naman talaga ang balak niya. 'But by the way, ano nga palang name ng magiging boyfriend ko?'

'Wow, I really admire your confidence, pero sorry hindi kita type'

'Ouch!' nagkunwari pang nasaktan si Jeraiah sa sinabi nito.

'Wala ka palang taste kung ganun!? Alam mo ba na maraming nanliligaw sa'kin pero lahat sila ay binusted ko para lang sa'yo?' pagsisinungaling niya, maraming nanliligaw sa kanya pero hindi niya binusted ang mga yun para lang sa lalaking kausap niya, kundi dahil ayaw niya sa mga yun.

Well I don't know and I don't care! Pwede ba, humanap ka na lang ng ibang kukulitin dahil sinasayang mo lang ang oras ko!

'Antipatiko ka talaga eh noh!?' mataray na saad ni Jeraiah. 'wait lang sabihin mo muna kung anong pangalan mo, kasing pogi ba yun ng mukha mo ha!?

'Kapag ba sinabi ko sa'yo ang pangalan ko ay titigilan mo na ako?' may halong kayabangan na sabi nito na lalaking lalaki ang boses.

'uhm, Yeah' pagsisinungaling muli ni Jeraiah,

'I am.....' at talagang pinutol pa talaga nito ang sasabihin niya na para bang pinaglalaruan siya.

'You are?' interesadong tanong ni Jeraiah, konti nalang at mawawalan na talaga siya ng pasensya at kapag hindi pa sinabi ng lalaking ito ang kanyang pangalan ay talagang magkwi-quit na siya sa dare nila ng mga kaibigan niya pero...

'Alexandre Heinz Mendez.'

Kinabukasan ay pagkatapos i-kwento ni Jeraiah sa mga kaibigan niyang sila Samantha, boyfriend nitong si Red Jester, pinsan niyang si Jemarie, at ang kambal na si Aria ( pronounce as Ariya) at Leo ang kasungitan nung lalaking yun ay sinabi niya sa kanila na nacha-challenge pa siya dahil sa ugali nito. Ipinagtaka niya naman ng magulat ang mga kaibigan niya nang sinabi niya sa mga ito na Alexandre Heinz Mendez ang pangalan ng lalaking yun.

'Huwag nalang kaya nating ituloy yung dare na yun kay Jeraiah guys! ' yun agad ang narinig niya mula kay Samantha'

'At bakit?' nakataas ang kilay na tanong niya dito habang ngumunguya ng chewing gum.

'Hindi ka mananalo dun, Jera.... iba ang lalaking yun..player din yun katulad mo pero mas malala..sobrang marami ng nasaktan yun at may isa pa nga na nag-suicide eh.nag-aalala lang ako baka....masaktan ka lang.' nag-aalalang sabi ng kaibigan sa kanya na inakbayan naman ng boyfriend nito.

Eh bakit nung sinabi ko lang yung pangalan ng lalaking yun, saka n'yo pa nakilala, at bakit hindi ko siya kilala ha? 'curious na tanong niya sa mga ito.

'Kasi...'

'ang hilig din mambitin ng mga tao ngayon ah.' naisip niya

'Hindi kasi talaga namin yun kilala sa mukha pero yung pangalan niyang yun ay lagi naming naririnig sa iba at maniwala ka sa'min. Sobrang gago daw nun, wala yung pakialam kahit babae ka pa, kaya wag na nating ituloy yung dare na yun, iba nalang ang ipapagawa namin sa'yo' si Jemarie naman ang nagsalita.

'Ayoko!' pagkasabi niya nun ay agad niyang nakita ang mga gulat na itsura ng mga kaibigan niya.

Diba nga sabi ko ay gusto ko ng challenge?

Pero----  - Aria

'Nakapag-decide na ako, gusto kong gawin yung dare, gusto kong patunayan sa inyo na kaya ko, na mananalo ako this time sa laro natin'

Sure ka ba talaga? -Aria

'Ano ba kayo, kilala natin si Jeraiah alam nating kaya niya yan! Di ba Leo?' sabi namab ni Red na ang tingin ay na kay Leo, napatingin din silang lahat dito dahil kanina pa ito hindi nagsasalita.

'Oo nga kilala natin si Jeraiah pero yung Alexandre na yun ay hindi. kaya sinasabi ko sa'yo Jeraiah, payong kaibigan wag munang ituloy yang binabalak mo!'
Ipinagtaka nila ang nagbabantang tono nito.

'Guys, ano ba? Ano bang tingin n'yo sakin ha? Mahina? Kaya ko na nga yung Alexandre na yun,, tuloy ang dare, kaya ihanda niyo ang 50K nyo, akong mananalo! 'proud pa na sabi niya.

Si Leo naman ay napailing nalang, alam na niya ang ugali ni Jeraiah...ayaw nitong magpatalo kaya gagawin nito ang dare na yun pero alam din niya kung gaano ka walang puso ang Alexandre na yun dahil kaklase niya ang sinasabi nila na nag-suicide dahil dito, sobrang grabe ang naidulot ng Alexandre na yun sa kaklase niya kaya sinasabi din ng iba na isang halimaw na nakakakubli sa mukha ng isang anghel si Alexandre. Hindi niya alam ang gagawin dahil mukhang desidido na si Jeraiah sa desisyon nito, sa tingin niya ay kailangan niya na lang bantayan ito sa mga posibleng mangyari dahil ayaw niya na masaktan ito, ayaw niyang masaktan ang babaeng lihim niyang minamahal.

So This Is Your GameWhere stories live. Discover now