2. Cool Shit

82 11 3
                                    


Parang baliw na umiyak si Jeraiah, isang napakalakas na iyak at saka biglang tatawa.

'Ang sakit' sambit niya habang humihikbi.
Paano ba naman ay naalala na naman niya ang dati niyang kasintahan na si Miguel. Naalala niya ang lahat ng masasakit na alaala nilang dalawa.

Nagmistula na nga siyang baliw dahil bigla bigla nalang siyang tatawa pagkatapos humikbi. Natatawa kasi siya sa kabaliwan niya. Natatawa siya kasi....hanggang ngayon ay hindi parin siya maka-move on kahit na mas lamang ang malulungkot na ala-ala kaysa sa masasaya ang naidulot ng lalaking minahal niya.

'Paano kaya nagagawang magmahal ulit ng mga tao pagkatapos nilang masaktan ng labis?'

'Paano ba kasi ako makakatakas mula sa alaala ng nakaraan'?

Napasigaw nalang siya sa sobrang sakit ng nararamdaman.

Ahhhhhh!!!!

This is not happening to me, this is bullshit, this is......just too much!

Bakit kahit na anong iyak ang gawin ko ay hindi ka niya kayang maibalik sa akin?

Bakit?

Napakarami niyang tanong at kahit isa sa mga yun ay hindi nagkaroon ng kasagutan o maaring alam na niya ang sagot pero pinili niya paring maging manhid sa katotohanan.

Lahat ng ala-ala ng nakaraan na pilit niyang ibinabaon sa limot ay bigla bigla nalang sasabog na parang isang bomba, ng dahil lang sa isang salita na maririnig niya, ang pangalan ng lalaking namatay 2 years ago.

Kanina kasi ay nag-away na naman silang dalawa ng ate niya, nalaman kasi nito ang tungkol kay Alexandre, hindi niya alam kung paano iyon nalaman ng kapatid niya.

Galit na galit ito at kinwestyon ang kanyang kakayahang makalimot.

'Hanggang ngayon ba ay hindi ka parin nakaka-move on kay Miguel'? yan ang eksaktong tanong na narinig niya mula dito. Kahit na simple lang pakinggan ang tanong na yun ay para sa kanya ay napakasakit nito. Dahil walang kahit na sino ang may karapatan na husgahan ang kanyang mga ginagawa dahil hindi naman alam ng mga 'to ang kanyang mga pinagdaanan.

Sino siya para kwestyunin ako tungkol sa bagay na yun? Wala siyang alam, wala siyang kahit na kaunting alam sa nararamdaman ko, hindi madali ang mga pinagdaanan ko kaya hindi niya pwedeng sabihin yun.

Ngumiti nalang siya habang patuloy parin na tumutulo ang mga luha niya.

Well, what's new? Kahit kailan naman ay wala kayong pakialam sa nararamdaman ko!. All my life, hindi ko kailanman naramdaman na itinuring n'yo akong pamilya dahil isa lang akong walang kwenta para sa inyo.

Pinunasan na niya ang mga luha niya at itinago ang mga larawan na matagal na niyang itinago dahil 'yon ay nagpapadagdag lalo ng sakit na nararamdamn niya.

Aalis siya sa bahay nila, wala na siyang pakialam kung magalit man sa kanya ang pamilya niya dahil kahit kailan ay hindi naman siya itinuring nito na mahalaga.

'The Killers'

Nakatingin ngayon si Jeraiah sa pangalan ng bar na yun. Naagaw kasi kaagad nun ang kanyang atensyon, particularly ang pangalan nito.

'Nice name huh' she uttered.

So can it also kill the pain that I have?
Natawa nalang siya sa kanyang naisip.

Isang malaking kalokohan.

Paano kung mapatay nga ang sakit na kanyang nararamdaman?

Ibig sabihin ba nun ay magagawa na rin niyang kalimutan ang lalaking mahal na mahal niya?

Napaismid nalang siya at saka tinawag ang bantender.

'One tequila please'

Umupo lang siya sa isang couch habang hinihintay ang order niya.

'Everything I know about love
I learned from you, from you
And everything I know about pain
I learned from you, you'

Napamura siya sa kanyang isip habang pinapakinggan ang kantang 'yon. Is it really meant for her? Bakit? Bakit tugmang tugma ang kantang yun para sa kanila ni Miguel? He was her first love.....everything and everything she knows about love is all because of him. He taught her what love really is.

Nagtuloy-tuloy ang kanta at mas lalong dumugo ang puso niya.

'You were my only, you were my first
You showed me lonely, and you took me in when I was hurt
But the most important thing you ever gave me
Was the one that hurt the most'

'So thank you for the broken heart, oh yeah
And thank you for the permanent scar, oh
'Cause if it wasn't for you, I might forget
How it feels to let go, and how it feels to get a brand new start
So thank you for the broken heart'

Thank you,.....but I can't let you go! I just love so much that I can't fuckin'move on.

But....I can try harder so I can be happy, can I?

'Let's see'

Pumunta siya sa gitna ng mismong dance floor. She dances carelessly, seductively, and gracefully getting the attention of the people inside the bar.

Mayamaya ay may lumapit na isang lalaki sa kanya.

'Hey' kagat labi itong nakapamulsa na tinitigan siya.

'Eeww, not him'

Inirapan niya lang ito at nagtuloy sa pagsasayaw pero makulit ito dahil sinusundan nito ang kanyang galaw.

'Stop tailing me you damn perv' she said it in her bitch tone.

Pero sa halip na tumigil ay nakita niya pa itong ngumisi, 'I'm not a pervert, but I can be one....for you'

Binigyan niya ito ng nandidiring tingin.

'Fuck off' may diin na sabi niya sa lalaki at saka nagdesisyon na umupo nalang dahil wala naman pala siyang mapapala sa pagsasayaw doon.

Pero bago paman siya tuluyang makaupo ay naramdaman niya ang paghila sa kanya ng lalaki and the next thing happened, 'damn you' pagsisigaw niya pagkatapos siya nitong halikan sa pisngi.

'You are one of a kind, I like you' sabi nito sa kanya na may pagnanasang tingin.

Nagtagis ang mga bagang niya at agad na sinuntok ang lalaki.

'Yeah...you like me? But I pity you....cause I don't like pets' tinaasan niya ito ng kilay habang ito naman ay gulat na gulat ang itsura at hindi makapaniwala sa ginawa niya. Nakatingin pati ang ibang tao na naroon sa lugar.

At sa hindi malaman na dahilan ay naglakbay ng kusa ang kamay niya at ng mahawakan ang isang baso na punong puno ng laman ay ibinuhos niya ito sa lalaki.

Cool Shit! Alexandre uttered.

Maigi niyang tinitigan si Jeraiah pagkasabi nun. Pangalawang beses ng pinagtagpo ang mga landas nila and she never  failed to amaze him'

____

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

So This Is Your GameWhere stories live. Discover now