Drix's(POV)
Gosh! It's already eight in the morning, hindi parin gising ang napakacute kong little sister, 😠😠😠 Lagot ka talaga sa'kin Zean!!!... Umakyat ako papuntang room niya para gisingin
"Huyyy!!Bumangon kana nga d'yan!"sigaw ko
Grabeh! Anong nangyari sa isang 'to? Nabagok ba ulo nito? Kung makatitig parang matutunaw na ako ha! Sabagay sino bang hindi magnanasang titigan ako? Sa gwapo kong ito? Haysss....
"Huh! I know Zean na ang gwapo ko kaya lang please 'wag mo na akong titigan ng ganyan, nakakadiri kaya ang mga titig mo... Eww... Kaw ba talaga 'yan Zean?"nadidiring sabi ko
"Wew! Lakas ata tama mo kuya, nabagok ba ulo mo? Okay kalang ba? May masakit ba sa'yo kuya?"walang emosyong sabi niya
Talagang iniinis ako ng isang 'to ah!!! Bwesit!
"Tigil-tigilan mo ako Zean! Bumangon kana at saka maligo ka narin!"naiinis na sabi ko
Napakatamad talaga ng babaeng 'to! Hay naku!
"Grabeh ka kuya! Ang aga -aga pa naman ahh"tinatamad na sabi niya
Huh! Maaga? Baliw ba 'to? Kapag ako nagalit patay ka talaga sa'king bata ka! Haysss... Mommy bakit niyo ba ako binigyan ng kapatid na napaka pasaway!!!
"Baliw! Anong maaga ka d'yan? Alas otso nanga oh!"inis na sabi ko
"Eh! Ano naman kung alas otso na as if naman na may lakad ako ngayon eh wal-"hindi ko na siya pinatapos pa dahil galit na galit na talaga ako kaya tinawag ko siya
"Zeana Maxine Zeandell!!!"galit na galit na sabi ko kaya nagmadali siyang bumangon at pumunta sa Cr pero bago siya pumasok may sinabi muna siya sa akin
"Hehehe... Sorry kuya (peace sign?) Good morning kuya, labyuuu "sabi niya at tuluyan ng pumasok sa Cr
Grabeh! Pasaway talaga!... Habang pababa ako may kumatok kaya nagmadali ako para buksan at makita kong sino ang taong 'yon... Pagbukas na pagbukas ko bigla nalang akong natulala sa nakita ko
"Uhm... Hello, Gising naba si Zeana?"nakangiting tanong ni Zayah
Ang ganda parin niya, may boyfriend na kaya siya? Nakapag move na ba talaga siya? Kasi ako never akong naka move on sa kanya... I'm still into you Zayah, I really miss you to the point that I want to kidnap you just to be with you... Bumalik lang ako sa reyalidad ng magsalita siya ulit
"O-okay ka lang ba?"tanong niya
"U-uhm o-okay la-lang ako"pambihira nakakahiya nauutal talaga ako pag siya ang kaharap ko
"Uhm... Gising naba si Zeana?"tanong niya
"Oo, naliligo, puntahan mo nalang"naiilang na sabi ko
"Sige, puntahan ko lang"sabi niya sabay akyat papuntang room ni Zeana
Nakakahiya ka Zandrix! Tsss... Pumunta nalang ako sa kusina para magluto pero habang nagluluto ako nakikinig ako sa kanya na senesermonan ang pasaway kong kapatid
"Huyyy Bruha! Isang oras kanang naliligo d'yan ah! Ganyan kaba karumi!?"Galit na bungad sa kanya ni Zayah
"Gosh! Hindi naba uso ang kumatok!? Ano nalang ang silbi ng pintuan kung wala namang kakatok!?"naiinis na sabi sa kanya ng pasaway kong kapatid
"Duhhh!!! Eh sa ayaw ko, may magagawa kaba?"sarkastikang sabi naman ni Zayah
"Hayyss... Ipapasira ko talaga 'yang pintuan na'yan! Wala namang silbi 'yan ehh!!! Hindi nanga kumakatok si kuya pumapasok nalang bigla pati ba naman ikaw!"naiinis na sabi naman ng kapatid ko