Zeana's (POV)
Nagising ako sa napakahimbing at napakaganda kong tulog ng sumigaw ang napakasungit kong kapatid na walang iba kundi si Zandrix Mark Zeandell!!!
"Huyyy!!Bumangon kana nga d'yan!"sigaw ni kuya Mark
Wow lang talaga ha! Ayos din pala 'tong taong 'to no? Di manlang marunong kumatok bago pumasok... Tinitigan ko lang siya, kasi naman parang ang bait niya ngayon, ano kaya nakain nito?Bumalik lang ako sa reyalidad nang magsalita si sungit...
"Huh! I know Zean na ang gwapo ko kaya lang please 'wag mo na akong titigan ng ganyan, nakakadiri kaya ang mga titig mo... Eww... Kaw ba talaga 'yan Zean?"nadidiring sabi ng bakulaw kong kapatid
Wow talaga! Ang lakas ng loob niyang purihin ang sarili, Bakla siguro to! kung mandiri daig pa ang babae
"Wew! Lakas ata tama mo kuya, nabagok ba ulo mo? Okay kalang ba? May masakit ba sa'yo kuya?"walang emosyong tanong ko na kinainis naman ni kuya sungit
"Tigil-tigilan mo ako Zean! Bumangon kana at saka maligo ka narin!"naiinis na sabi ni kuya kong masungit
"Grabeh ka kuya! Ang aga -aga pa naman ahh"tinatamad na sabi ko
"Baliw! Anong maaga ka d'yan? Alas otso nanga oh!"inis na sabi niya
"Eh! Ano naman kung alas otso na as if naman na may lakad ako ngayon eh wal-"hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin ng tawagin ni kuya ang buong pangalan ko
"Zeana Maxine Zeandell!!!"galit na galit na sabi ni kuya kaya nagmadali akong bumangon at pumunta sa Cr pero bago ako pumasok may sinabi lang ako sa kuya kong napakasungit
"Hehehe... Sorry kuya (peace sign?) Good morning kuya, labyuuu "sabi ko at tuluyan ng pumasok sa Cr
Gosh! Galit na talaga si kuya Mark, Huhu... Akalain mo 'yon tinawag niya ako sa full name ko... Hayyss... Nakakatakot talaga si kuya pag galit, Pramis po nakakatakot talaga....Oh My Gulay! Napakadaldal ko ayan tuloy nakalimutan ko ng magpakilala, Uhm... By the way I'm Zeana Maxine Zeandell, 17 yrs old, Graduating student nga po pala ako, uhmm.. Hindi po sa pagmamayabang ha pero love ko talaga ang music, pramis! Marunong po akong kumanta, sumayaw, at mag play ng musical instrument pero hindi naman po lahat ng musical instrument ang alam kong e play😂😂😂uhmmm sa totoo lang engaged napo ako, pero alam niyo ba kung ano ang nakakatawa? Engaged lang naman ako sa taong 'di ko pa nakikita at nakilala! Gosh! I think Mga baliw ang parents ko, kasi naman ipagkasundo lang ba ako sa stranger! Bwesit Kalokohan!!.......... Bumalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang napaka familiar na boses
"Huyyy Bruha! Isang oras kanang naliligo d'yan ah! Ganyan kaba karumi!?"Galit na bungad sakin ng nag-iisang best friend ko ang nag-iisang Kezzayah Kyllene Cruz
"Gosh! Hindi naba uso ang kumatok!? Ano nalang ang silbi ng pintuan kung wala namang kakatok!?"naiinis na sabi ko
"Duhhh!!! Eh sa ayaw ko, may magagawa kaba?"sarkastikang sabi niya
"Hayyss... Ipapasira ko talaga 'yang pintuan na'yan! Wala namang silbi 'yan ehh!!! Hindi nanga kumakatok si kuya pumapasok nalang bigla pati ba naman ikaw!"naiinis na sabi ko
"Sus! Dami mong satsat! Bilisan mona d'yan hintayin nalang kita sa baba!"walang emosyong sabi niya saka bumaba
Ayos din yong isang 'yon! Kong makapagpag utos daig pa ang mommy ko! Gosh I'm really wondering kung paano ko 'yon naging best friend.... Hayssss magbihis nalang kaya ako
After 10 minutes
"Sa wakas at natapos karin! So? Let's go?"masayang bungad ni kezza sa akin
"Anong let's go ka d'yan? Hindi panga ako nag be-breakfast"magkahalong pagtataka at inis na sabi ko
"Gosh! Hindi mo ba nabasa ang text ko!? "naiinis na sabi ni kezza
Oh My Gulay! Galit si besh... Pero pramis hindi ko talaga nabasa ang text niya eh 'di ko nga alam kung nasaan ang phone ko mabasa pa kaya ang text niya, hahahaha kalokohan!
"Kezzayah Kyllene Cruz, I'm sorry 'di ko nabasa text mo 'di ko nga rin alam if nasaan phone ko eh! Mabasa pa kaya ang text mo... Huh! Sorry talaga besh... Pero ano ba kasi ang text mo ha!? At bakit ba nagagalit ka d'yan!?"pilosopong sabi ko
"Oh My Gosh, I really hate you Zeana Maxine Zeandell, hayyss nakakainis ka naman eh! Pwede ba bilisan mo na pupunta tayong MM!"naiinis na sabi ni best friend
Grabeh! Nabutas tenga ko ah... MM? Ano 'yon Mukhang Malandi? Tinawag niya ba akong malandi!? Sapakin ko kaya to! Nakakasira ng mood bwesittt Pero ano ba kasi yong MM na sinasabi niya?
"Anong MM ka d'yan? Hoy bruha sinabihan mo ba akong MUKHANG MALANDI? Mag ingat-ingat ka sa pinagsasabi mo ha!"inis na sabi ko na kinatuwa naman ng bruha kong kaibigan... Gosh! Baliw na siguro ang isang 'to eh kanina lang nagagalit tapos ngayon ayan tuwang tuwa! Daig pa nanalo sa lotto
"Hahahahahahah...Zeana Maxine Zeandell, anong MUKHANG MALANDI ba ang pinagsasabi mo d'yan what I mean is MAGNIFICENT MALL! Siguro may nilalandi ka noh? Uiii beshyyy naglilihim kana sa'kin ha! Baka nakakalimutan mo you're already engaged to a stranger "tuwang-tuwa na sabi ng baliw kong kaibigan... Baliw na talaga 'to, 'tong gandang ito manglalandi? baka siya! Gosh sa pagkakaalam ko nga yong mga lalaki ang lumalapit sa'kin makuha at malaman lang ang napakagandang name ko at napaka importanteng number ng nag iisang Zeana Maxine Zeandell! Huh! Kalokohan! Gosh! Nakakainis talaga tong babaeng 'to ipapaalala paba naman sa'kin na engaged na'ko eh anong masama if engaged ako? as if naman na kilala ako ng lalaking yon! Eh ako nga hindi siya kilala siya pa kaya, ano yon magic? Gosh... Naiinis na talaga ako ipagkasundo ba ako sa stranger! Hayssss paano nalng ang future boyfriend ko if malaman niya na engaged na'ko Gosh!!! Mommmyyyy what have you done!............... Aray! Nabalik lang ako sa reyalidad nang makaramdam ako ng sakit
"Ano bang problema mo? Ang sakit kaya!"Grabe sakit mambatok ng bruhang 'to sapakin ko na talaga 'to eh
"Ano na naman ba ang iniisip mo d'yan?"tanong ni bruha
"Well, you wanna know?"mataray na sabi ko
"Gosh! Zeana baka masama 'yan ha! , bawal ako n'yan!, maawa ka sa innocent kong mga tenga!"parang batang nag iiyak-iyakan ang bruha
"Huh! Shut up bitch... Latt's Go"mataray na sabi ko
"Gosh! Bitch mo mukha mo! Ano na naman ba yan! First Pramis instead of 'Promise' then ngayon latt's instead of 'Let's'! Grabeh! Asenso kana teh"sabi niya with matching seductive smile
"Hahahaha... Sineseduce mo ba kuya Mark ko?"nangungulit na sabi ko
"Ewwhh... Matagal na kaya akong naka move on! Seduce mo 'yang mukha mo!... Tara na kaya!"naiinis na sabi niya saka naunang lumabas
Hayyss... Kainis 'di man lang tinanong kung nagugutom na ako
"Kuya alis na po kami"sabi ko sa napakasungit kong kapatid na busy sa pagluluto
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
***Next chaptiee😘😘😘**