MOVE ON?
Based on English Dictionary, MOVE ON means:
To leave somewhere for another place.
To start dealing with someone else.
Ano nga ba talaga ang salitang 'move on' para sa atin... para sa mga taong nasaktan?
Move on? Ito ba yung kakalimutan mo ang mga alaala, kakalimutan mo ang isang tao o kakalimutan mo ang mga alaala kasabay sa paglimot mo sa isang tao?
Mahirap ba talaga mag move on?
Mahirap ba talaga kalimutan ang lahat-lahat?
Kalimutan ang mga alaalang magkasama kayo?
Alaala kung gaano kayo kasaya...
Masaya basta't kasama ang isa't-isa...
Kalimutan ang mga pangakong binitawan niyo?
Pangakong habang buhay kayo magkasama...
Magkasama sa hirap man o ginhawa...
Kalimutan ang mga pangarap niyong sabay na binuo?
Pangarap na bubuo kayo ng isang pamilya...
Pamilyang kokompleto sa buhay niyo...
Kalimutan ang mga salitang kasing tamis ng asukal?
Mga banat na parang musika sa pandinig...
Mga birong kasing kulay ng mais sa kakornihan...
Kalimutan ang mga alaalang nagtatampo ka sa kanya?
Nagtatampo sa mga oras na may nakakalimutan siya...
Nakakalimutan ang isang araw na mahalaga...
Kalimutan ang mga alaalang nasasaktan ka?
Nasasaktan ka dahil sa nagseselos ka...
Nagseselos ka dahil tumitingin siya sa iba...
Mahirap ba talagang makalimot?
Ang lahat ng masaya, malungkot at masasakit na alaala kahit na gustong-gusto mo na talaga?
Hindi mo kasi inaasahan ang mga nangyari...
Sa isang iglap, nagising ka na lang sa inaakala mong magandang panaginip.
Sa isang iglap, ang lahat ng pangako ay biglang napako.
Sa isang iglap, ang lahat ng pangarap ay biglang naglaho.
Siguro masyado ka naging kampante.
Masyado kang nagtiwala.
Masyado kang umasa.
Kaya masyado rin masakit ang kapalit.
Dahil ang taong pinagkatiwalaan mo...
Dahil ang taong inasahan mo...
Ay siya rin sumira sa pagmamahal na binuo mo.
Kung pwede nga lang mag flashback o rewind...
Kung pwede lang bumalik sa nakaraan...
Iisipin mo na sana...
Sana hindi ka na lang nagpatangay sa agos...
Sana hindi ka na lang lubos naniwala...
Para sana hindi ka nasasaktan.
Pero wala kang time machine...
Kahit baliktarin mo ang mundo...
Kahit mag magic spell o kung ano man ang nasa isip mo...
Ang nangyari ay nangyari na...
Ang 'move on' ay ang pagtanggap sa nangyari sa nakaraan...
At pagharap sa bagong kinabukasan...
Ang sabi nga nila "Nasa huli ang pagsisisi"
Kaya ang magagawa mo na lang ay tanggapin ang totoo...
Tanggapin kahit na mahirap...
Tanggapin kahit parang nakakasira ng ulo...
Tanggapin kahit parang nakakamatay...
Siguro hanggang doon na lang...
Siguro hindi talaga kayo para sa isa't-isa...
Siguro nakalaan ka para sa iba...
Mahirap lang pakawalan dahil naiisip mo na baka hindi mo na ulit maramdaman...
Hindi mawawala ang pagmamahal, sadyang may makakalamang lang...
Isipin mo na lang na may natutunan ka...
Isipin mo na lang na lahat ng nangyari ay may dahilan...
Darating ang araw na maghihilom rin yang sugat sa puso mo...
Haharap ka rin sa kinabukasan na may ngiti sa labi..
Haharap ka na walang hinanakit sa puso..
Babaunin mo yung mga masasakit at masasaya alaala..
Na magsisilbing gabay at magbibigay sa'yo ng lakas ng loob.
Darating ang araw na sasabihin mo "Nakamove on na ko."
Para sa'yo... ano yung salitang 'move on'?