To my forever bestfriend, Lolo Tranquilino

44 1 0
                                    


"Daaaaaaayyyyyy"

"Daydaaaaaaayyyyyyy"

Paulit ulit na sigaw ng lolo ko.

Oo Dayday ang tawag nila sakin. Nickname na napakalayo sa birth name ko. Nung una ayaw kong tinatawag ako nun pero nabasa ko sa isang article na inday/ dayday means she came from a place where she is deelpy missed,
and deeply cherished. Ohaaaa!! Bongga!!

Habang ako naman panay ang tago sa likod ng pader para di ako makita ni lolo.

"Andito po siya!!" Sabay turo sakin ng kalaro kong si Kikay.

Tiningnan ko naman siya ng masama.

Noon pa man. Nakasanayan na ng lolo ko na patulugin ako sa tanghali para daw tumangkad ako pag laki ko.

Lagi ko naman siyang tinatakasan.

Madalas pag pinapatulog niya na ako, nagtutulog tulugan ako tapos binabantayan ko pag tulog na siya saka ako aalis tapos makikipaglaro sa mga kaibgan ko.

Kinakanta ng lolo ko ang si felimon, ako ay may lobo at ang paborito nyang que sera sera.

Lahat yan namemorize ko na. Kinakantahan nya kasi ako habang pinapatulog sabay tapik tapik sa may tagiliran ko para mas madali akong makatulog.

Madalas pag nagpapanggap akong tulog e nakakatulog nga din talaga ako ng di ko namamalayan.

Tapos pag gising ko nakaready na yung merienda naming donut na may asukal na bili ng lola ko galing sa palengke.

"Halika rito. Ayusin natin buhok mo"

Lumapit din naman ako. Sabay ayos nya ng buhok ko

"Ayan! Pareho na kayo nang hati ng buhok ni Noli de Castro"

"Lolo naman e! Lalaki po yun lo"

"Hati lang naman ng buhok. Bagay naman sayo a!"

(23 years old na ako ngayon at ni minsan di ko binago ang hati ng buhok ko.)

"Daaaaayyyy!! Popeye naaaa!"

Popeye the sailor man totoooooot popeye the sailor man tootooooot!! 🎶

Mabilis pa sa alas dose nasa tabi na ako ni lolo.

Tuwing hapon sabay talaga naming pinapanood ang paborito naming cartoon na popeye.

Masayang masaya na ako pag nagaaway si popeye at bruno.

Ganun ako kababaw nung bata ako.

And I think lolo's happy everytime he sees me happy.

Wala lang.

Feel ko lang.

Madalas pa nga ginagamit niya ito para pangaralan ako.

"Tingnan mo si popeye ang lakas lakas niya kaya niyang buhatin si olive kasi kumakain siya ng gulay kaya ikaw kumain ka rin ng gulay para lumakas ka. Okay?"

"Okay po lolo"

Pero di parin kakain ng gulay. Yan tayo e! Haha

Mahilig din siyang magtanim ng bulaklak. May tinanim siya dati sa kanto ng daanan palabas ng bahay nila. Angel's trumphet daw tawag dun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To my grandfather (One shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon