Tinitigan ko ang pagkaing nakahapag sa mesa. May kung anong pumipigil sa aking kumain ngunit magmula kahapon ay wala nang laman ang akinh tiyan kaya sinimulan kong kuhain ang kutsara't tinidor at sumubo ng pagkain. Subalit hindi ko pa tuluyang nalulunok ang aking sinubo ay binaba ko na ang kutsarat tinidor. Uminom na lamang ako ng tubig at walang ganang tumayo.
"Hindi ka ba kakain?" tanong ni Papa na kanina pa pala nakatitig sa akin.
"Hindi na po. Wala akong gana," sagot ko at dumiretso ng kwarto.
Sumalampak ako sa kama at binaon ang ulo sa malambot na una. Ano bang nangyayari sa'kin?
Umungol ang aking tiyan at napahawak ako doon. Alam kong gutom na gutom na ako ngunit hindi ko magawang kumain. Paborito ko pa naman ang mga luto ni Papa.
"Ugh! Hindi ko na kaya!" bulalas ko at agad na napabangon. Tumakbo ako papasok ng banyo at mabilis na hinilamusan ang mukha.
"H-hindi ko maintindihan..."
Magmula nang nangyari kagabi, nagkaganito na ako. Binuksan ko na lamang ang ilaw para matignan ang itsura ko.
Kapansin pansin ang mas magandang kutis ko ngayon. Naalala ko pang nawala ang peklat ko sa binti na nakuha ko nang naglaro kami ng basketball ni Rafael noong isnag linggo.
Ibinaba ko ng kaunti ang kwelyo ng pang-itaas ko upang makita ang markang iniwan ni Dawn Luna.
"Teka!"
B-bakit nawala?
Sigurado akong may pilat ang aking leeg noong gumising ako kanina. Paanong bigla na lamang itong nawala?
Sa inis ko'y binasa ko na lamang ulit ang aking mukha. Sinara ko na ang ilaw at lumabas ng banyo, sakto naman ang pagpasok ni Papa sa aking kwarto.
"Hale, hindi ka ba papasok?"
Umiling ako. "Masama po ang pakiramdam ko," matamlay kong sagot at buntong hiningang napaupo sa dulo ng kama.
"Oh sige, aalis na ako," sabi niya kahit kanina pa kapansin pansin ang pag-aalala at kuryosidad sa kanyang mukha.
Nasa kwarenta na ang edad ng aking ama. Simula bata ako ay siya lamang ang kinilala kong magulang. Hindi ko alam kung na saan si Mama at hindi na rin ako nagbalak na tanuningin si Papa. Masaya na akong kaming dalawa lang at si Rafael lang ang aking kaibigan. Ayoko ng madaming tao ang nakapaligid sa akin.
Isang chef sa isang restaurant si Papa. Iyon ang bumubuhay at nagpapaaral sa akin, bukod doon, gustong gusto ko din ang bawat putaheng niluluto niya kaya nakakapagtaka kung bakit hindi ko man lang magawang ubusin ang pagkaing niluto niya para sa akin.
Lalabas na sana siya nang tawagin ko siya. "Pa, paano ba ako nakauwi?"

BINABASA MO ANG
The Beaten and The Damned
Про вампиров"You are destined to kill, and to be killed."