Continue...(She's Here)
Jimin POV
"Ma..." Tawag ko sakanya.
"Bakit anak" sagot naman nya.
"Sino po ba yung imemeet natin?" Tanong ko naman.At parang di nya alam kung ano ang sasabihin nya.
"Ahh anak pag dating nalang natin dun" sagot nya na hindi mabakas sa muka ang pag-sagot sa tanong ko.
Sino kaya?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kaith POV
Nakikinig lang ako sa pinagusapa nila mama ay...chismosa haha joke.
Nagtataka rin ako kung bakit at sino naman ang imemeet namin.
Nandito ako ngayon sa labas ng pang-mayaman na restaurant at hinihintay yung dalawang kapatid ko,si mama kasi nauna na sa loob at may aayusin daw.
After 123456 years ay nandito na yung dalawa ang nakakainis pa may dala silang Starbucks wew!? Silang dalawa lang ang meron.Syempre ikaw ba naman na puro pagkain diba.
TAPANG NG HIYA!
"Hoy! Kayo" sigaw ko at napatingin yung mga tao sa labas,nakakahiya naman.
"Ano?" Sagot naman nitong si Jin.
"Bakit kayo lang meron nyan ang kakapal talaga ng pagmumuka nyo ah" inis na sagot ko.
"Makapal tsk...makapal ako dahil gwapo ako" pagpaparinig nya habang papasok na sa loob.Arghhh...nakakainis waley naman.
"Hoy ikaw bat di kapa sumunod sa kapatid mong mahangin" inis na sabi ko kay Jimin.
"Tsk...mahangin sakanya bagyo naman sakin,babagyo sa kagwapuhan" Ngising nyang sabi.
Bagsak balikat ko na pumasok sa loob nakakainis naman kasi tong dalawa lakas maka-badtrip.
Nakaupo na kaming lahat at may hinihintay na ime-meet daw sabi ni mama.
Nag-paalam muna ako sakanila na pumunta sa c.r.Habang papunta ng c.r may isang pamilyar na mukha ang nakita ng aking mata.Parang nakita ko na sya nung 6 years old nak---teka,sya ba yung!.
Sya siguro a---ang tatay namin at sya rin ang ime-meet namin.NO!!!
Pag-lagpas nya sakin agad naman akong pumasok ng c.r at dali-daling pumasok ng sa banyo.
Bakit!?bakit sya nandito at anong gagawin nya iiwanan nalang kami na parang bula,bakit!? pa sya bumalik diba may ibang pamilya na sya eh bakit nya kami babalikan.
Nakakainis pagkatapos nya kaming iwanan tapos ngayon babalik sya.
Lumabas na ako ng c.r at inis ko galit akong umupo sa upuan,At ito naman dalawa ay bakas sa muka nila ang pagka-gulat.
"Bakit?" Mataray kong tanong sa kanila.
"Nothing" Sabay na sagot nila.
"Where is mom?" English na tanong ko taray ahh...
"Arte English pa dahan-dahan baka masira ang kagwapuhan ko" Iritang sagot nya naman.
Ayan nanaman ang kaepalan nya.Umaarya nanaman.
At ilang saglit pa ay dumating na si mama pinatayo nya kami sa upuan at diretso sa isang VIP na kwarto.
"Ma" pagbabasag ko ng katahimikan.
"B-bakit?" Utal nyang tanong.
"Anong ginagawa natin dito at bakit dito pa talaga hindi ba pwedeng sa labas nalang?" Tanong ko naman.
"Ahh importante kasi ang kakausap sainyo at tsaka pinatuloy ko kayo dito dahil---" at biglang bumukas ang pinto.
At--at sya,sya yung lalaki kanina na nakita ko!!!.No no!?.
"S-sino s-sya?!" Inis na tanong ko,Kaith be calm lang.
"S-sya yung---"
"Sya yung tatay natin!!!" Sigaw ko sakanya at nagulat silang lahat.At bakas sa muka ng dalawa kong kapatid ang pagka-gulat na nalaman nila kung sino ang tatay nila.
"Ma...naman ano ito ah!?" Galit na tanong ko sakanya.
"Anak gusto ko lang kasi maging complete family na tayo" malungkot na sabi nya.
"Ah complete family pala,sinong nang-iwan satin at umalis na parang bula at pinabayaan tayo,at pinalitan tayo ng ibang pamilya huh! At ano ang karapatan nya para bumalik dito!!!"
"Anak gusto ko lang naman maging complete tayo eh" pag-sisingit nitong tatay namin este hindi pala.
"At ikaw papa...hindi mo ba alam kung gano ka-sakit mawalan ng tatay at hindi kumpleto ang pamilya alam mo ba yun!!!"
"Hindi ko alam kung bumalik kapa dito,kaming mga anak mo hinhintay kang bumalik pero ano ah! Nalaman nalang namin na meron kana palang ibang pamilya,Alam kong masamang sigaw-sigawan ang magulang pero ikaw hindi Kita MAGULANG! At wala kang kwentan---" maluha ako ng sinampal ako ni mama.
"A-anak h-hindi ko s-sinasadya alam ko namang galit ka sa papa mk pero b-bakit mo sinabi yun" halos mangiyak-ngiyak na sabi ni mama sakin.
"Ma hindi ko din alam basta nalang lumabas sa aking bunganga yung salitang yun pero gusto ko ng gawin yun nung nakita ko sya pero ano ah babalik sya para san? Para iwan ulit tayo at maghirap ulit!"
"A-anak hindi naman sa ganun gusto ko maging kumpleto tayong pamilya ayokong maghiwalay-hiwalay ulit tayo" singit naman ni papa.
Hindi ko na napigilan at padabog na lumabas sa pintuan at sila na-iwang gulat, dumiretso ako sa parking lot,at sumunod naman sakin ang dalawa kong kapatid.Nagalit din kasi sila nang nalaman nila ang totoo.
Pinaandar naman ni Jimin yung sasakyan.
At ito namang si Jin todo bigay ng tissue sakin."Oh ate ito pa" habang binibigay ang tissue sa akin.
"Dumiretso tayo sa bahay!" Galit na sigaw ko.
"O-po ate" malungkot na sabi ni Jimin.
"Umm...ate b-bakit ganun,ngayon lang dumating si papa?" Tanong ni Jin.
"Oo nga ate b-bakit?" -Jimin
"A-alam kong nagulat kayo kanina pero may dahilan kung bakit alam ko rin naman galit kayo sakanya,hindi ko alam Kung bakit ko nagawa yun kay mama at papa kasi masakit eh masakit na iniwan ka na ng tatay mo pero babalik sya para ano iwanan ulit tayo at tapos magiging tanga nalang tayo".
"Eh ate alam ko naman masakit sayo yun pero gusto ko rin kasi mabuo na ang pamilya natin tsaka matagal ko na rim gsutong makasama si papa kahit iniwan nya tayo ng matagal" malungkot na sabi ni Jimin habang nakatingin sa dinadaanan namin.
"Alam ko pero hindi ko sya mapapatawad kahit anong gawin nya" inis na sagot ko naman.
Napa-buntong hininga nalang si Jin at nag-kibit balikat naman si Jimin.
Handa naman akong ayusin ang lahat pero wag lang nya ulit kami iiwanan.
Papa.
+DON'T FORGET TO VOTE MY STORY+
FB: Alison Esconde
IG:iamshane__poppin
YT:Sleyy__Shine
YOU ARE READING
"You and I"
Fantasy~~You and I~~ ••Di mo na pala namamalayan ikaw at ako ay magkakatuluyan hanggang sa huli "I love you at the end"•• •• Everything has a good time for you and me•• °°Hindi mo inaasahan na taong di mo pinapansin noon,ay taong mam...