Three

57 2 0
                                    


Dark Seduction Series #4- Defiance
©ElleNerdGirl 2024

Chapter Three

•••••••••••••••••


IT'S MONDAY TODAY which means balik ko na sa trabaho. Everyone was busy when I enter the room. It was chaotic. Nakita ko si Ms. Clarissa na pabalik balik sa cubicle ng kasama ko dala ang mga papeles at naka-kunot ang noo.

"Ms. Clarissa?" Kinuha ko ang atensyon niya pero dinedma lang ako at panay titig sa papel na nasa harapan niya.

"Busy 'ata mga tao dito." bulong ko sa sarili at pumunta sa aking cubicle pero yung bruha naman ang nakita ko.

"WELCOME BACK, BITCH!" bugad ng isang tao hindi ko gusto ngayon makita. Isa lang naman yung tao 'yun kundi si Charmaine.

"Are you talking to yourself?" sagot ko naman dahilan na paglaki ng kanyang mata at parang nakita kong umusok yung ilong niya bago akong umalis sa kanyang harapan at pumunta sa cubicle ko.

Narinig akong malakas na yapak galing sa kanyang heels na palayo. Isinandal ko ang likod ko sa upuan ko at tumingin sa aking desktop. Ang dami ko na naman pending dito.

Hindi ko namalayan ang oras dahil sa pending na kailangan kong tapusin. Hindi ko din alam kong kakain pa ba ako o may break pa ba dahil focus ako sa ginagawa ko.

Nilagay ko ang huli kong folder sa kanang bahagi ng desk ko at tiningnan ko ang aking relo. 

"5:00pm na pala," sabi ko at ganun' nalang ang pakiramdam ko ng biglang tumunog ang aking tiyan. "Gutom na ako."

Tumayo ako at kinuha ko ang aking bag. Pinatay ko na ang computer ko at maglalakad na sana nang biglang humarang si Sir Bob sa daraanan ko.

"Sir?" gulat kong sabi ng nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko. Teka, saan ba siya dumaan? Hindi ko siya napansin. Multo ba ' to.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at hinila ako palabas ng cubicle ko.


"Uh, sir? May problema ba tayo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya pero tinikom niya lang ang bibig niya hanggang sa huminto kami sa parking lot area ng kumpanya.

"Get in," sabi niya at tinulak ako sa front seat. Isinara niya ang pinto at umikot sa sasakyan patungo sa driver's seat at sumakay.

He looked at me like he was about to say something, but he kept staring into my eyes and then suddenly leaned closer to me.

"Sir? A-anong ginagawa mo?" nauutal kong sabi. Anong ginagawa ko dito? Saan tayo pupunta? Ang dami kong tanong sa likod ng isip ko.

"Mag seatbelt ka. Ayokong hinahabol tayo ng pulis niyan," sabi niya sa akin pero nakatitig ako sa labi niya. Parang isang pulgada ang lapit niya sa mukha ko. Hahalikan na ba niya ako? Hinding-hindi ito mangyayari, Denise.

Tumalikod siya at pinaandar ang makina. Napaatras ako at napabuntong-hininga.

"I'm going to say this once but I need help from you." nagsimula na siyang magsalita habang papaalis na kami sa parking lot.

Niyakap ko ang bag ko sa harapan ko at diretso ang tingin sa harapan. "Bakit? May nang-iistorbo ba sayo, Sir Bob?" Tinanong ko siya.

"Call me, Bob. Leave the 'sir' at our office." he said, which made me turn my head towards him.

"Uhm..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa pahayag na iyon. Bakit kakaiba ang kinikilos niya ngayon? May LBM kaya siya?

"Sir, I should go home early. I need to cook for my dinner and have some good rest. I get that you want a company for your business trips, but please, you have your assistant, and I don't want people talking about us together. Lalo na ngayon at pati---" I didn't know I was babbling all about this situation, but he suddenly cut me off with his hand on my lips.

Dark Seduction Series#4: DefianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon