I

1 0 0
                                    


"Ahhh! Bakit nandito pa rin kayo? Panaginip lang 'yon eh! Panaginip lang kayo!" Sigaw ko habang salitan ang pagturo sa kanila. Seryoso lang ung isa, nakangisi naman ung isa.

Paggising ko kasi ay nandun sila sa magkabilang gilid ng kama at nakatitig sa akin.

"Haist. Ang ingay.." saad nung isa at saka dumistansiya sa akin.

"Sshh..shhh.. kalma lang kasi.." mahinahong sabi nung isa habang nakangiti sa akin.

Aware naman ako sa mga 'yan (wandering souls/spirits) sa dami ng librong nabasa ko..pero bakit dito sa lugar ko?

Napabuntonghininga ako habang nag-iisip.

"Fine. Multo kayo..kilala nyo ba ako?"

"Ah..hindi...ewan. Haha." Sagot nya.

Walang gana ko silang tiningnan. Tulala lang ung isa sa bintana.

"Hindi ko naman natatandaan ang mga mukha nyo.."

"Actually, kami rin. Wala kaming maalala. Bigla na lang kaming napadpad dito sa bahay mo."

Seryoso ba siya? Dito pa talaga.

Ah alam ko na.

"Eh..hindi naman maganda dito. Saka mukha kayong mayaman kaya maghanap na lang kayo ng ibang mas magandang tatambayan, di ba? sige na alis na.."

Lumungkot ang mukha niya bigla.

"Hindi naman namin alam kung saan kami pupunta. Wala kaming kilala, wala nga kaming maalala.."

Hay naku. Problema ko pa ba 'yon? Kakainis naman eh!

Bago pa ako magsalita ay nauna na ung isa sa may bintana.

"Stop it. Tara na." Napatingin lang sa kanya ung malapit sa akin at saka ako tiningnan ulit ng malungkot. Umiwas ako.

Binalik ko lang ang tingin nang paalis na sila.

Napansin ko ung pagkakahawig nilang dalawa. Siguro magkapatid?

Bago pa man lang makarating sa pintuan ay naglaho na sila.

Dali-dali akong sumilip sa pinto. Mukhang wala na nga. Sana ay hindi na sila bumalik. Magkakasakit lang ako sa puso.

Di ko alam kung dahil sa kaba o sa kagwapuhan nila. Charot. :P

Salamat sa kanila hindi na ako nakapaghanda sa trabaho.

Bumili na lang ako ng noodles at ilang sardinas saka bumalik sa bahay. Pagkatapos kumain ay balik tulog.

Nagising ako ay madilim na at dahil sa tunog ng isang musika sa radyo.

Wait. Hindi ko naman 'yon iniwan na bukas.

WHAT THE--

- - - -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AngeliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon