-UNDER REVISION-
Consorto is a secret crime-fighting organization and all its agents have distinctive ranks depending on one's skills and responsibilities to fulfill. From the highest position, Andradus, there comes Zwote as the second. After them...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Bumalik muli ako sa silid ni Lia at inayos ang kumot niya. Lumabas ako dala-dala ang tray at dinala ito sa center table sa sala.
Walang ibang maid sa mansyon dahil ayaw ni Lia na maraming tao sa bahay, so I'm left with no choice but to welcome her guest. It would be harder if her boyfriend grew suspicious. Hindi ko kilala ang lalaki kaya kailangan kong mag-ingat.
I stood in front of the entrance door like an obedient dog waiting for its owner. I may not like the situation I am in, but I'm not in the mood to complain. I don't even have the energy to be stubborn. In short, wala na akong pake basta matapos na 'to ngayon dahil parang tinuturnilyo ang ulo ko sa kawalan ng tulog.
Bumaba ng kotse ang isang matipunong lalaking pormal ang kasuotan. Binigay niya ang susi sa isang security para i-park ang sasakyan niya at lumapit sa akin.
Bahagya akong yumuko nang makaharap ko si Adam at iginiya ko siya na pumasok sa loob gamit.
Pag-angat ko ng aking ulo ay nakita kong nakatingin sa akin ang security na nakatayo sa harap ng kotse ni Adam.
I winked at him which earned me a glare from him. Bwisit na Troy na ito, hindi ko alam kung bakit naiinis sa konting galaw ko. Hindi pa rin makamove on sa pagiging late ko sa adjudication?
Sinundan ko si Adam at buti na lang ay nakatalikod siya sa amin kaya't hindi niya nakikita ang ginagawa naming sensyasan.
"What—ibig kong sabihin, ano hong sadya nyo, sir?" Mahinahon na tanong ko at medyo tinaasan ang boses para hindi masyadong seryoso.
He sat on the couch and smiled nicely. I looked at him without even blinking. Nakangiti pa rin siya sa akin so I smiled a bit.
So, ito pala si Adamrell Pleno? Well, I can say that he's gorgeous. Bagay sila ni Lia. She's like a princess and he's like a prince.
I snickered mentally. Well, what a foolish couple they are. Do they think they're in some kind of fairy tale?
I scanned his overall look as if I were looking through his soul. Nang umangat ulit ang tingin ko sa mukha niya ay nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin. Pansin kong na parang nailang siya sa akin dahil doon.
"I-I actually want to talk to Lia. Nasa taas ba siya?" He can't look straight at me. He even scratched his right eyebrow.
I must have made him uncomfortable.
Dapat lang.
"Sir, si Ma'am Lia po kasi nakatulog na pagkatapos kumain," I pointed my finger at the food tray above the table. Tumingin din siya roon. "Wala nga pong ganang kumain dahil sa mga nangyayari, napilit ko lang," mataman kong tinitingnan ang kanyang magiging reaksyon.
He was spacing out. I don't know if he heard what I said. I tilted my head a bit. Isa rin siguro sa kahinaan ng lalaking ito ang pag-ibig. I'm sure of that.