CHAPTER 5: BUSY

3.3K 61 7
                                    

Alison's POV
"Ma'am hindi po ba kayo sasabay na magbreakfast?" Tanong ni ate Mila sa akin mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Hindi ate Mila, pakidalan na lang ako rito." Walang ganang sagot ko rito habang nakahiga pa rin sa kama.

"Sige po ma'am." Pagkatapos sabihin ni ate Mila 'yon ay nakarinig na ako ng papalayong yabag.

Napatulala na lang ako sa kisame ng kwarto ko at napahilot sa sentido ko. Ilang araw na akong hindi sumasabay sa kanila sa pagkain. Ayoko kasing makasabay si Seindra o di kaya ay si Brendon na madalang namang umuwi. Maya-maya pa ay inakyat na ni ate Mila ang pagkain ko. Bumangon na ako at binuksan ko naman ang pinto at ako na ang kumuha ng mga pagkain ko na nakalagay sa tray. Nagpasalamat naman agad ako sa kanya bago siya umalis.

Brendon's POV
"Hindi raw po sasabay kumain si ma'am, sir." Sabi ni Mila nang inutusan ko siyang tawagin si Alison para bumaba at kumain na ng agahan.

Napailing na lang ako. Ano bang arte na naman ng babaeng 'yon?!. Minsan na nga lang ako umuwi ay ganito pa ang maaabutan ko. Pipigilan ko sana si Mila sa paghahanda ng pagkain na iaakyat kay Alison pero hindi na lang ako umimik dahil kasabay namin si Sein sa hapag.

Sakto naman na tapos na akong kumain nang makabalik si Mila galing sa taas para maghatid ng pagkain kay Alison. Agad akong tumayo ng tahimik at dumiretso paakyat sa kwarto ni Alison. Pagkatapos ng ilan kong katok ay binuksan na niya ang pinto at nagulat pa siya ng makita ako. Pumasok naman ako sa loob ng kwarto niya kahit hindi naman niya ako pinapapasok.

Tinignan ko siya agad ng masama. "ANO BANG ARTE 'YAN HA ALISON?! ILANG ARAW KA NG HINDI BUMABABA PARA KUMAIN! PARA SABIHIN KO SAYO HINDI KITA PINATIRA RITO PARA MAG-ASTANG PRINSESA HA!"

Naglakad ito palayo sa akin nang maisara ang pinto at umupo sa gilid ng kama ng nakayuko. "SIMULA NGAYON AY SASABIHIN KO SA MGA KASAMBAHAY NA HUWAG KANG AAKYATAN PA NG PAGKAIN DITO SA KWARTO MO. NAWIWILI KA NAMAN!"

Nilapitan ko naman siya na nakatungo pa rin at inabot ko ang pagkain niya na nakalapag din sa kama habang nasa tray. "SIGURO KAYA AYAW MONG BUMABA AY NAGPAPAPANSIN KA NA NAMAN SAKIN ANO?! FOR YOUR INFORMATION ALISON NAPANSIN NA KITA SA PAG-ARTE-ARTE MONG 'YAN, KAYA SIGE ISUBO MO TO!"

Hindi ko mapigilan ang pag-init ng ulo ko sa tuwing nakikita ko siya. Para akong tinanggalan ng kalayaan at kasiyahan dahil sa lintik na kasal na inalok ng ama niya. Kaya iniiwasan ko na rin ang madalas na makita siya dahil hindi ko napipigilan ang sarili ko na may hindi magandang magawa sa kanya pero siya pa itong gumagawa lalo ng ikaaasar ko. Ni hindi pa nga kami kasal ay dito na siya pinatitira sa puder ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang panga niya at pinipilit isubo ang laman ng kutsara sa bibig niya. Hindi naman siya nakikipag-argumento pero pinipilit niyang makawala sa pagkakahawak ko sa panga niya.

"HHHMMMPPP..."

Hindi niya tinanggap ang pagkain na pilit kong sinusubo sa kanya. Nang matanggal niya ang pagkakahawak ko ng madiin sa kanya ay nagsalita na rin siya at tumingin sa mga mata ko na naluluha. Tsk I won't buy her.

"Oo kakain ako, hindi mo naman ako kailangan saktan Brendon." Yumuko na siya at tinakpan ng mga palad ang mukha nang tuluyan ng tumulo ang mga luha niya.

Sa inis ko ng makitang umiiyak na naman siya ay hinagis ko ang kutsara na may lamang pagkain at kumalat 'yon sa carpet na sahig. Lagi niya na lang akong dinadaan sa pag-iyak-iyak. Huminga ako ng malalim para pigilan ang namumuo ko na namang galit pero ng makita ko na naman siya ay ang tray naman na may lamang pagkain ang hinagis ko. Napatigil naman siya sa pag-iyak sa ginawa ko.

"AYAW MONG TUMIGIL SA KAKAARTE HA! SIGE IYANG PAGKAIN NA NAGKALAT ANG KAININ MO, AT KUNG AYAW MONG BUMABA MAMATAY KA SA GUTOM DAHIL DIYAN SA KAARTEHAN MO!" Hindi na ako nagtagal sa kwarto niya at baka kung ano pang magawa ko at dumiretso na sa loob ng kwarto ko para magpalit ng damit. Kay aga-aga pa sira na ang araw ko!

Payback (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon