Sabi nila, meron isang taong itinadhana para sa atin. Yung kaisa-isang taong nag fit sa mga standards na hinahanap natin. Yung taong magpapatibok ng ating mga puso. Yung taong iibig sa atin ng tapat. Yung taong tatawagin nating…
My Destiny
“Hindi mahalaga kung maganda ang isang tao. Hindi mahalaga kung matalino o magaling. Hindi kailangang maging perpekto para masabi mong ok ka na sa kanya. Ang mahalaga ay yung nasa puso, yung nilalaman ng damdamin kasi ang pag ibig walang KAILAN at ANO. Walang BAKIT at PAANO. Ang mahalaga ay kung ano ang TOTOO.”
Ako si Maye, simpleng babae, certified NBSB, No Boyfriend Since Birth, zero percent ang lovelife, hindi ko pa kasi nahahanap yung lalaking para sa akin eh. Ang tagal tagal niya naman kasing dumating, marami nga ang nanliligaw sa akin, pero parang wala sa kanila yung hinahanap ko. Gusto ko yung tipong romantic, yung ma appeal, at nice guy ang dating. Parang yung sa mga novel books na nababasa ko. Minsan nga naiisip ko sana ang love story ko hango nalang sa isang libro, yung may happy ending. I’m really a bookworm—ng mga pocketbooks nga lang. I wish na sana mangyari din sa akin yung mga nangyayari sa mga binabasa ko, na nagkakaroon ng happy ending ang lalaki at babae sa kwento. Sana nga matagpuan ko na rin siya, ang aking prince charming.
Jan. 10, 2011
10:00am
SCC Library
Busy ako nung araw na yon sa lib., as usual, fiction novel books na naman ang pinagkakaabalahan ko. May narinig akong dalawang estudyanteng pinag-uusupan yong isang aklat doon sa bookshelf. Sabi nung isa, nice daw yung story, nakakainlove, “the best love story’ ever, yun pa nga ang sabi nila. Kaya pag-alis nila, kinuha ko yung libro at hiniram ko. Para namang boring yung aklat kung titingnan, pero as the saying goes, “ Don’t judge the book by it’s cover.” Sinimulan kong basahin kinagabihan. I scanned through it’s pages at may nakita akong isang piraso ng papel, akala ko kodigo kaya tiningnan ko, binasa ko ang nakasulat sa papel:
“I’m Your Prince Charming!”
-09461472812
Siyempre na curious ako. Ano bang trip ng taong ito? Nagdadalawang isip man, tinext ko siya just for fun.
“helow”
“hus diz?”
“I’m Maye.” Medyo natagalan siyang nagreply. Naghintay ako.
“I’m MJ”
“So, r u my prince charming?”
“huh?”
Nagulat ako sa reaksiyon niya.
“What r u talking about?”
“my nkita kc aqo n ppel eh, nksulat # u.”
“hehe, miss, adik k b? lumang plusot n yan!”
Nainis ako sa sagot niya, totoo na man talaga yun eh.
“Miss, Ok lang naman eh, gusto mo ng txtm8? I’m available.”
Ang yabang naman nito. Hindi ko na siya nireplayan.
Baka yung nagsulat sa papel ay isa lang sa mga naiinis sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Destiny
Teen FictionKaramihan sa atin ay naniniwalang may isang taong itinadhana para sa tin, yung nag-iisang taong kokompleto ng ating buhay. Pero paano pag nalaman mong ang taong itinadhana sa yo ay ang taong kinamumuhian mo? Mangingibabaw pa ba ang galit o ang pag-i...