Ang kwento ni MJ

113 0 0
                                    

Panu kong nahanap mo na siya, yung taong itinadhana sayo? Pero di mo kayang sabihin sa kanya ng diretso ? Paano mo aaminin sa taong inis na inis sa yo na mahal mo sya? Sana nga lahat nalang ng love stories kagaya nung napapanood natin sa tv, yung nababasa natin sa mga novel books, yung may mga happy endings.

My Destiny

(Part 2)

I’m Mark Joseph. Suplado daw ako, mayabang, antipatiko, at nakakainis—yan ang sabi ni Maye, ang babaeng natitipuhan ko. Ewan ko ba trip ko lang sigurong asarin siya. Natatandaan ko pa nung first year pa kami. Nag “Hi” siya sa akin, pero hindi ko siya pinansin. Tinanong niya ako kung ano ang pangalan ko. Nag-smile lang ako sa kanya. Halatang inis na inis na siya sa akin nun pero nagmatigas pa rin ako. Nasundan pa ang pang-aasar ko sa kanya kapag nagiging ka grupo ko siya, parati kong kinokontra ang mga suggestions niya. Tinatapunan ng papel ang bag niya, nilalagyan ng bubble gum ang upuan niya, ilan lamang ito sa mga ginagawa ko para inisan lang siya. Isang beses nga,nung nagtanong ang teacher namin kung sino ang gustong sumagot sa tanong niya, sinasabi ko, ”Sir, si Maye po!”. Napipilitan tuloy siyang sagutin ang mga tanong ni Sir. Ewan ko ba, sa tuwing ginagawa ko ito, sa tuwing naiinis ko si Maye, iba ang nararamdaman ko. Hindi kaya nahuhulog na ako sa kanya?

Para masagot ang tanong ko, inalam ko kung paano ko siya mas makikilala pa ng husto.

Kaya ko plinano ang lahat.

Jan. 10, 2011

10:00 am

SCC Main Library            

Sinundan ko si Maye sa library at natuklasan kong mahilig pala siya sa mga pocketbooks. Kaya habang busy siya kakatingin ng mga aklat sa kabilang shelf, inipit ko ang kapirasong papel na sinulatan ko ng:

“I’m Your Prince Charming!”

-09461472812

Tamang-tama at may nakita akong mga kaibigan at sinabihan ko silang kumbinsihin si Maye na hiramin at basahin ang aklat na yon. Nagtagumpay naman sila, hiniram nga ni Maye ang libro.

Kinagabihan, may nagtext sa akin, atsiya na nga yon.

“So r u my prince charming, huh?’

                                          Sa tuwing binabasa ko ang text niya,natatawa ako, akalain mo, ang dali niyang naloko. Naisahan ko na naman siya.

“hehe, Miss, adik ka ba? Gasgas n yng trip mo!”

                                          Hindi ako nagpahalatang sinadya kong isulat ang number ko dun. Nagpakipot muna ako, para may thrill  at may konting drama ang pang-iinis ko sa kanya.

“Miz, OK lng nman eh, gus2 m g txtm8? I’m available”

                                         Medyo natagalan siyang nag reply. Siguradong inis na inis na yon.

“Hey mis beautiful…stil der?”

                                       Miss Beautiful? Yun na lang naisip kong itawag sa kanya,maganda naman siya at mas lalong gumaganda kapag naiinis.

“glit k ba? Sori na.”

                                        Kilala ko naman si Maye kahit papano. Madali siyang magpatawad.Isang Sorry lang at OK na kaagad kayo—isa yon sa mga nagustuhan ko sa kanya.

“cge n nga, frends n ta u!”

                                       Sa simula, nag-eenjoy pa ako sa ginagawa ko, pero kalaunan, hindi ko na namamalayang ikinukwento ko nap ala yung buhay ko, nag shi-share ng mga problema sa kanya. Nagiging seryoso na yung usapan naming. Sa puntong ito, hindi na ako nagsisinungaling, hindi na ako nagpapanggap. Gusto ko kasing mas makilala niya pa ako, kahit bilang MJ lang.

“manhid kc yung babaeng gus2 ko!”

                                     Hindi niya alam na siya ang tinutukoy ko. Tanggap ko na kasi na mahal ko talaga siya. Araw-araw kaming nagkikita sa school, itinigil ko na ang pang-aasar sa kanya, dumistansya ako. Isang tanong pa rin ang gumugulo sa isipan ko, kung kailan ko ba ipagtatapat sa kanya na ako at si MJ ay iisa?

“kung ako yung girl, ssgutin kta agd!”

                                       Napaisip ako. Baka heto na ang tamang panahon para ipagtapat sa kanya ang lahat-lahat. Na nagawa kong itextmate siya para mas makilala ko pa siya, at para rin mas makilala niya pa ako. Ako na nagmamahal lang. Bahala na kung magalit man siya. Sasabihin ko bilag Mark na gusto ko siya, na mahal ko na siya.

Feb. 10, 2011

10:00 am

SCC Main Library

Ito ang araw na itinakda ko. Ito rin kasi ang eksaktong ika-isang buwan nung nilagay ko ang pirasong papel na yon. Sa SCC Library pa rin ang aming tagpuan—kung saan nagsimula ang aking pagpapanggap.

“MJ, ikaw ba yan?”

                                     Lumingon ako sa kanya.

“ha, ikaw?”

                                   Batid ko ang galit at pagkagulat sa kanyang mukha. Naawa ako.

“Maye, I can explain.”

                                  Sinampal niya ako.

                                                                                                                  ~Mark Joseph “MJ”

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon