Ako si Nisha.Simpleng estudyante.Hindi ako katulad sa ibang babae sa school.Pero madali akong ma inlove.
Nag karoon ako ng crush sa school namin,si Kiven.Crush na crush ko sya simula noong 2nd year high school pa ako.For me,he is my dreamboy.Even though hindi kami close,patuloy pari ako sa pagbabati sa kanya ng hi/hello.Maging mga photos nya sa facebook ay ni-like ko.Kapag online naman sya,agad akong nag cha-chat sa kanya.Nag rereply naman sya.Masaya na ako dun.
Noong 3rd year na ako,naging kami ng kaklase ko noon sa 1st year,mabait naman sya.First serious boyfriend ko sya.May sarili syang sasakyan.Pag gabi,sinusundo nya ako sa bahay namin para mamasyal kahit saan kasama ang mga pinsan nya.Sinasama ko rin ang kaibigan kong si Ella.Masaya ako nun sa piling ni Danny.Palagi nya akong binibigyan ng regalo at kung ano pa.Sya rin ang naging first kiss ko.Umabot kami ng ilang buwan.Akala ko aabot kami ng isang taon pero bigla nlang kami nag kahiwalay.Hindi ko talaga alam kung bakit,biglaan kasi yun.Napaiyak ako.Syempre,napamahal na ako sa kanya.Gusto kong mag move on pero ayaw ng puso ko.Mabuti nalang may mga kaibigan ako na handang mag payo.Kaya naisipan kong mag fucos nalang sa pag aaral.Nawalan ako ng trust sa mga lalaki , pero crush ko parin si kiven .
After 2 months,nanligaw sa akin ang kaklase kong si Arniel.Hindi siya tumigil sa pan liligaw hanggang sa napa oo narin ako.Ok naman sya , malambing pero medyo seloso.Nagseselos siya sa crush kong c kiven dahil kinikilig daw ako sa tuwing nakikita ko si kiven.
"Arniel..., crush ko lang si kiven . ikaw ang boy friend ko. Wala kang dapat ipag selos dahil girlfriend mo na ako .Okey? " Sabi ko kay Arniel.
" eh...... yung ex mong si Danny. Gusto mo pa ba siya?" tanong ni Arniel. Oo, na sabi ko sakanya ang tungkol kay Danny noong nanliligaw pa siya sa akin.
" Hindi na no..... matagal na iyun." sagot ko naman.Napangiti naman siya.
Katulad sa amin noon ni danny, naging seryuso dn ang relasyon namin ni Arniel.Hanggang sa dumating ang araw na naging close na kami ni kiven. Naging mag ka txt mate pa nga kami eh. kami parin arniel pero minsan lang kami may time sa isa't isa dahil busy siya sakanyang sinalihang Red Cross Youth... hindi katulad sa amin noon ni danny , na talagang may time kami sa isa't isa.
Nag kita kami ni kiven isang araw .
"Nish.... ahm... alam kong may boyfriend kana .Pero gusto ko lang aminin sa iyo na ... gusto kita . Gusto kita kasi mabait ka at maalaga . Sana nga talaga na noon pa tayo naging close ... kong hindi lan sana kita inignora noon , siguro naging tayo.." sabi ni Kiven. Napalunok ako at hindi makapaniwala.
"Ahm....Kiven,sorry ha ...pero parang hindi kasi kapani-paniwala eh.Baka naman kasi gusto mo lang ako kasi crush kita."sagot ko kay Kiven.
"huh?ba't mo naman naisip yun?Oo , alam kong crush mo ako.Pero totoong nagustuhan na rin kita dahil sa kabutihang loob mo.Hindi ka kasi mahirap mahalin."
Seryoso ang mukha ni Kiven.Hinawakan pa nga nya ang kamay ko.Nagtaka ako kung bakit tila hindi ako kinilig.Instead kinabahan ako.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.Napa isip ako.Hihiwalayin ko ba si Arniel para sa crush kong si Kiven?Pero unfair naman yata.Kahit na wala masyadong time sa akin si Arniel,alam kong seryoso sya.
Biglang nag text sa akin si Danny.Sabi nya,magkita daw kami.So we did.Kinamusta niya ako.Sinabi ko sa kanya na may boyfriend na ako.Nalungkot siya.Sabi pa niya,"Sayang mali talaga ako.Bakit ba kasi pinakawalan pa kita.Alam mo ba na mahal pa rin kita?Nagsisi ako dahil--" hindi pa tapos sa pagsasalita si Danny nang sampalin ko siya.
"Unfair ka Danny.Dati pinipilit kong mag move-on.Mahirap ang kalimutan ka.Ngayon,sasabihin mo sa akin na mahal mo parin ako.Aist!"
Hindi ko alam kung bkit ngayon lang sila nagsusulputan para sabihing gusto o mahal nila ako.Noon inasam kong maging kami ni Kiven pero hindi naman niya ako pinapansin.Si Danny naman,hinihiling kong makipag balikan siya sa akin nun pero lumayo siya.Ngayong boyfriend ko na si Arniel,ngayon lang sila nagsusulputan.Hindi ko na alam kung sino ang pipiliin.Si Danny na ex ko pero mahal ko parin,si Arniel na boyfriend ko at seryoso sa akin,o si Kiven na crush na crush ko at dreamboyfriend ko simula pa noon.. Haaaayyy....si Past,si Present o si Future?
Tinulungan ako ng mga kaibigan ko.Tinanong nila kung sino ang mas matimbang sa puso ko.Pero wala akong mapili.Pareho ko silang gusto.Kung pwede lng sana tatlo ang puso ko.Ang ginawa ko,hiniwalayan ko na muna si Arniel para subukin kung sino sa kanilang tatlo ang makakahintay.Pagdating ko ng 4th year,kung sino ang palaging nasa tabi ko,siya riang tunay na nagmamahal sa akin at siya ang pipiliin.
Now,4th year na ako.Si Danny ay pinabalik na sa cebu last summer.Si Arniel,naging leader sa RCY at ngayon ay naka disteno na sa Manila at doon na rin siya mag aaral.Si Kiven naman ang nanatili sa tabi ko.Ipinakita niya sa akin na mahalaga ako sa kanya.Kaya naman ngayon,alam ko na ang saqgot kung sino ang pipiliin ko-- ang taong laging nasa tabi ko at handang maghintay sa akin.Walang iba kundi si Kiven...ang dreamboyfriend ko.