Bakit bestfriend ko pa? [One shot story]

1.7K 40 25
                                    

Bakit bestfriend ko pa?

by: RedinLove

"Ikaw ba yung taong marunong magtimpi. Yung kayang kontrolin ang nararamdaman. Yung alam kung kelan dapat magalit, at kelan dapat magpigil sa sarili. Ikaw ba yung marunong mag ipon ng nararamdamang sama ng loob at umiwas na lang sa gulo at ilabas ang hinaing kaysa makasakit ng ibang tao?

Kung oo, parehas tayo. Kung parehas tayo, masasabi mo bang matibay tayo? Masasabi mo bang matatag tayo? Duwag ba tayo? Pero bakit dumadating yung punto na parang ang bigat bigat na sa loob. Naramdaman niyo na rin yun? Mabigat pero di mo pwedeng bitawan, dahil pinipilit mo ang sarili mo na ‘kaya ko pa!’ … na balang araw, mawawala rin ito. Hanggang sa maging mahina ang buong katauhan mo. Alam mo ba, that is my loneliness." --Janelle

**

"Ay walang payong si Ylaisa! Whoo! Basang basa ka na dre oh.. Kawawa ka naman! :D May payong ako oh! Bleeeh! Ikaw wala!"

"SO?! POGI KA NA NIYAN ETHAN??"

Tamo tong dalawa. Lagi na lang =_____=" Wala na talagang ginawang matino. Kahit todo asar na tong si Ethan pag nagsalita na si Ylaisa, basag! And oh si Ethan nga pala ang binansagang "the ultimate torpe."

Isa sa barkada ko si Ylaisa. At yung nangaasar sa kanya ang bestfrienemy niya. Ewan magulo talaga ikot ng mundo nilang dalawa. Hayaan niyo na.

Anim kaming magbabarkada. Ako (Janelle), Jm (bestfriend ko), Sheila, Russel, Chloe at Ylaisa.

At nandito kami ngayon sa Gate House ng school namin. Umuulan kasi ngayon may balak pa naman sana ang barakada na pumunta sa peryaan jan sa bayan kaso nga hindi sumunod ang weather. Kainis!

"OH ANO NAPIPE KA JAN? Makaasar kasi. Hmp!" --Ylaisa

"Uii~~" pangaasar namin sa kanilang dalawa.

"Hatid na kita."

Nagulat kami sa sinabi ni Ethan. Seryoso siya, habang etong si Ylaisa. Oh sige muntimang lang. Hindi convince eh.

"IHAHATID NA NGA KITA JAN EH! AYAW MO PA!" then bumulong siya. "buti na lang mahal kita kung hindi.." --ethan

"ANO? ANONG SABI MO UNGGOY?! HINDI KO NARINIG! PAKILAKASAN!"

"WALA SANA MALUNOD KA NG BAHA MAMAYANG GABI. KUNG BAKIT BA KASI HINDI KA NAGLILINIS NG TENGA MO! AH EWAN KO SAYO! BAHALA KA JAN!"

"Hoy saglit." Tumingin muna si Ylaisa samin bago nagsalita. "Mauna na ako ah. Tutal hindi naman matutuloy ang gala natin. Sige na at sasama na ako sa unggoy at baka maging uranggutan. Ciao~~"

"ANO? ANONG SABI MO? URAN-- aww!" sinuntok niya ito ng mahina sa braso.

"Sabi ko tara na! Daming satsat!"

"Ewan ko sayo. Buti na lang mahal kita."

"Ano?"

Bago nakaalis ang dalawa sumigaw na ako. "NAKS UMAASENSO ANG TORPE! PAGPATULOY MO LANG YAN! IMPRUBEEENG!"

"Teka lang huh? taga bundok ba tayo? Bakit kung makasigaw kayo parang ang layo niyo sa isa't-isa?" confused na sabi ni Sheila.

***

Nandito kami ngayon sa gilid ng palengke. Basang basa. Ano pa nga bang magagawa? Hihintayin kasi naming tumila ang ulan para makagala kami. 4:32 pm pa lang naman kasi. Ang kulit lang namin no?

Bakit bestfriend ko pa? [One shot story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon