Ako'y naiiyak ngayon sa pag-ibig,
Kahit opinyon, napapawi sa tingin.
Katawa'y bumigat, luha'y bumabawi,
Dahil sa takot na pag-ibig ay sakim.
Kadiliman ng puso'y nakakasilaw,
Galit at duda ay pilit lumilitaw.
Wag daw mag-alala, hindi siya bibitaw,
Ngunit ako ay naiwang humihiyaw.
Sawi ang puso at pagod ang katawan,
Basag na pangarap ang mapagmamasdan.
Kahit ilang araw pa akong umiyak,
Mukhang ako ay hindi na babalikan.
Kapag mag-isa'y anong kaakit-akit?
Ang kasiyahan ko'y napuno ng bakit.
O, bakit umuulan pa ng pasakit?
Wala na. . .
Saking braso na lang ako nakakapit.
Isang pangakong sa puso ko'y pinako. . .
Sinusubukan ko nang magpakatino.
Ngunit wala na siya kahit ang anino.
Naiwan na lang ang aking pagkatao.
BINABASA MO ANG
Pangakong sa Puso Ko'y Pinako
PoesíaAng hirap mabuhay ng nasasaktan ang puso. . . Ang hirap mabuhay ng magulo ang damdamin...