14 \\ Mahal kita

9 0 0
                                    

Mahal kita
Isinulat Ni:
PDA / Nightingale

Mahal kita.
Isa sa mga salitang ang hirap bitawan.
Mahal kita.
Isa sa mga salitang ang hirap panindigan.

Mahal kita.
Isa sa mga salitang pwedeng may kasinungalingan.
Mahal kita.
Isa sa mga salitang pwedeng walang kasiguraduhan.

Bakit nga ba ang hirap sabihin ng mahal kita?
Dahil ba may malalim itong kahulugan?
Dahil ba may takot ang mga taong nagmamahalan?
Bakit parang isa sa mga mahirap sabihin ng mga tao ang katagang mahal kita?

Pwede ba yung ibulong nalang?
Pwede ba yung sabihin nalang?
Pero bakit may takot na nadarama?
Pero bakit may pangamba?

Siguro nga'y ako ay nagtataka.
Hindi matigil ang utak sa kakatanong ng pwede ba o bakit ba?
Pwede ba yung kapag mahal mo ang isang tao mahal ka na din niya?
Bakit ba tayo nagmamahal ng isang tao na may mahal namang iba?

Bakit ba tayo nahuhulog sa mga taong hindi naman tayo sasaluhin?
Bakit nga ba tayo nahuhulog sa mga taong hindi kayang suklian ng pagmamahal na ibinigay mo?
Bakit nga ba tayo nahuhulog sa mga tao na ang tanging alam lang tayo ay paasahin?
Bakit hindi nalang tayo mahulog sa taong mahal din tayo?

Bakit?
Bakit sa pagmamahal ay hindi pwedeng hindi makaramdam ng sakit?
Ang daming tanong sa isip ko.
Ayoko na nga ng ganito.

~~~~~

Words Count: 211
Date and time finished: November 25, 2018 at 2:07 PM
Date and time published: May 27, 2019 at 8:00 AM

Words left unsaidWhere stories live. Discover now