13 \\ Kapag ba?

5 0 0
                                    

Kapag ba?
Isinulat Ni:
PDA / Nightingale

Sa tuwing hinahawakan ko ang iyong mga kamay
Hindi mawala sa isip ko, kapag ba ang puso mo ay nasa aking mga kamay
Okay lang kaya sayo?
Ayos lang ba yun sayo mahal ko?

Nakakatawa, tinatawag kitang mahal ko ng hindi mo alam
Gumagawa ako ng tula para sayo na nababasa mo pero parang di mo pa rin alam
Hindi ko alam kung manhid ka ba
O natatakot ka lang kasi baka hindi tayo ang nakatakda talaga

Pero paano kung pinayagan tayo?
Pero paano kung pinagbigyan tayo?
Pero paano kung tayo talaga?
Paano kung ikaw ang itinakda?

Kapag ba pinagbigyan ni tadhana na maging akin ka, papayag ka?
Kapag ba pinagbigyan ni tadhana na maging tayo,
Kapag ba pinagbigyan ni tadhana na maging ako sayo, aakinin mo ko?
Kapag ba pinagbigyan ni tadhana na mahalin kita, payag ka ba?

Kapag ba pwede?
Kapag ba posible?
Okay lang ba sayo?
Ayos lang ba sayo?

Kapag ba nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin
Kapag ba nagkaroon ako ng lakas ng loob na aminin
Ano magiging reaksyon mo?
Ano sasabihin mo?

I promise. In ups and downs,
Between laugh and cries,
I will always be your shoulder,
And forever be your stalker

Always remember I'm just one call away,
Stalking and loving you secretly,
Smiling while looking at you indirectly,
Enough for me to love you in any way

~~~~~

Words Count: 228
Date and time finished: December 11, 2018 at 6:11 AM
Date and time published: May 27, 2019 at 8:00 AM

Words left unsaidWhere stories live. Discover now