Chapter 2

89 24 1
                                    

Your Name

"NAWAWALA PHILHEALTH ID KOOOOOOOO." Sigurado akong rinig hanggang japan yung pag sigaw ko.

San ko ba kasi nilagay yun phil. ID ko,sigurado akong magkakasama sila hanggang kaha-gasp!

Napagtanto kong pinakita ko nga pala yun sa dalawang lalaki kahapon.Nasapo ko ang aking noo.Kung suswertehen nga naman oh.

Ngayon ang bakasyon namin sa Butuan kaya magpapagawa na lang siguro ulit ako.Nag-ayos na ako sa mga kailangang gamit na dalhin. Sa pagkakaalam ko isang linggo lang naman kaya ok lang.

Mga ilang oras pa ang dumaan bago naisipan kong tawagan ang long time boyfriend ko na Si Mc Aldrian.

"Hi mamayang 3 na ang flight namin pa Butuan."paalala ko.Mukhang kakagising lang ng isang to.

"Hahatid pa ba kita?"Medyo na pataas ang kilay ko sa isang to."Isang linggo kayo dun diba?Sure na ba yan?"paninigurado pa niya.

"Opo,wag mo na akong ihatid.Magpahinga kana lang dyan."medyo may pagtatampo sa tono ng boses ko kaso insensitive itong boyfriend ko kaya di niya mararamdaman.

Ilang minuto pang pag-uusap at binaba ko na ang linya.Medyo di maganda ang pakiramdam ko pero may naisip akong idea.

Nasa sala ako habang tinitignan ang mga kasama ko na nag-aayos sa mga gamit nila.Napataas pa ang kilay ko atparang sobra naman ata sa isang linggo ang gamit na dinadala nila.

"Dalhin niyo na kaya lahat ng gamit natin."suggest ko with sarcasm pa.

"Eto naman minsan lang tayo makapagbakasyon kaya naexcite lang kami ng Papa mo."

Butuan kung saan lumaki sina Papa at Mama.Doon na rin ako pinanganak pero bago ako mag 1 year old nasa manila na kami.Bumalik kami nung 6 year old ako hanggang mag 10,balik manila ulit.Then now 23 na ako at masaya rin naman na makita ulit yung mga taong nakilala ko sa probinsya.

Lumakad ako palabas ibang-iba ang mundong ginagalawan ko.

Inayos ko na ang mga gamit na kailangan kong dalhin.Tumingin ako sa oras mag tatlong oras pa bago ang alis namin.Kaya nag paalam muna ako kina Mama at Papa na may dadaanan lang ako.

Habang malapit na ako sa kanto nina Aldrian tinry kung tawagan siya pero bago pa ako lumiko nakita kong bihis na bihis eto.Kaya ang ginawa ko nagtago agad ako sa gili.Pinatay ko ang pagtawag sa kanya.Dito pa lang alam ko na kung san hahantong ito.Naghintay ako sa labas ng gate nila hanggang sa makabalik siya.

Bumalik siya at may kasamang babae, nasa gilid lang ako at di niya pa rin mamukhaan.Masaya pa silang pumasok sa bahay.

Inayos ko ang sarili at umalis na pabalik sa bahay.Habang nasa byahe iyak lang ako ng iyak.

"Hoy!Bakit ka umiiyak?"medyo gulantang ang kapatid ko sa itsura ko. "Unfairness ang pangit mo umiyak."dagdag niya pa.

Inirapan ko lang siya at dumiretsong banyo para mag ayos.Tinignan ko ang cellphone na bigay sakin ni Aldrian.May bagong mensahe na galing sa kanya.

Hi sweety,kakagising ko lang.Ingat po sa byahe I Love You :*

Wow ang galing talaga,inalis ko ang battery at nilagay sa basurahan ang simcard.Syempre di ko tinapon ang cellphone sayang to mahirap lang kami noh.Tyaka ko na to itatapon sa harap niya mismo.

Ang galing talaga,siguro naniniwala na ako sa kasabihang,ang matagal na relasyon ay binubuo ng magaling mag tago at ng isang mapagpasensya.

Kaso sa kabobohan ni Aldrian di siya magaling akala niya lang yun.Kasi ngayon mas maloloko niya lang ang sarili niya.

I'm done with all his shits,Now he will pay for it.

Di ko pa alam kung anong gagawin pagbalik ko pero gaganti ako.Kung paanong sakit yung ginawa niya sa akin doble ang balik sa kanya.Wala sa vocabulary ko ang hayaan na siya.Gugustuhin kong ipamukha sa kanyan na naloko man niya ako,mas niloko niya lang ang sarili niya.

Ang galing talaga ng punyetang lalaki na yun,akalain mo yun feeling niya sobrang gwapo niya sa panloloko sa akin.Hindi lang naman ito yung una eh pero ngayon di ko na to papalampasin.

Tumingin ako sa salamin.

"Maganda ka lang,Malandi naging boyfriend mo kaya talo ka."sabi ko sa sarili."Ngayon nakikita ko na kung gaano siya kapangit HAHAHA-"naputol ang tawa ko kasi binatukan ako ng kapatid ko.

"Para kang tanga!Aalis na tayo tigil-tigilan mo kakausap sa sarili mo."

"Tse! Di mo alam ang nararamdaman ko ngayon."pag dadrama ko sa kanya.Tinaasan niya ako ng kilay niya.

"So kawawa kana niyan?Duh ilaw gumawa niyan sa sarili mo kaya bumangon ka mag-isa. "Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa."Maganda ka naman,yun nga lang maling tao nagugustuhan mo.Don't worry ate may mga gwapo dun sa butuan kaya chilax,one seconds palang makakamove on kana sa jowa mo. "Aniya sabay tapik sa braso ko

(Author's Eklaboooo: Pasensya na po sa typos and wrong grammar hihi.)

Enjoy Reading 😆

All rights reserved, 2018
kRung2xSesa

My Soulmate From Another Time(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon