Jenesy Salvador
TIKTILAOKKKKKKKKKK!
Agad akong napabangon ng marinig ko ang malakas na pang pagising ng alagang manok netong kapatid ko!At kung suswerteHEN nga naman naririto pa sa kama ko ang pinakamamahal niyang manok.
Naku!Ang kapal ng mukha neto ah,Pinapakain na nga gusto pang matulog sa kama.Sarap gawing adobo ay!
"Tingin-tingin mong pandak na manok ka!Ano tambay ka lang din kaya wag na wag mo akong titignan ng ganyan." Nakipag sukatan pa eto ng tingin.
"ATE!Pati ba naman si Kakay tssk." Istorbo netong babaetang kapatid ko."Wag mo ngang tignan si Kakay, parang pinapatay mo siya sa isip mo.Di kaba naaawa dito sa baby ko."
"Tsss mag sama nga kayo.Makapag kape na nga muna." Kinuha ko ang libro at binulsa ang mga id's ko.
Pagkalabas ko sa kwarto bumungad sa akin ang Nanay ko na nagrarap sa harap ng Tatay ko.Tsssk kawawang Tatay pero di rin mukhang tuwang tuwa nga si Tatay eh hahaha.Sweet.
Pumunta ako sa kanto, may masarap kasing cofee shop dito kaya pag may pera dito ako tumatambay.
May dalawang naunang customer kesa sa akin kaya medyo dun ako sa dulo pumwesto.
"Pogi, same order lang." Medyo kilala na kasi ako dito hehehe di naman halatang tambay ako.
So nagsimula na akong magsulat sa dairy ko.Di eto ordinaryong dairy kasi lahat ng sinusulat ko para sa aking Soulmate from another time.So girly.Seryoso akong nagsusulat mula sa kinaibubuturan ng aking hypothalamus!Para marinig agad ng aking soulmate.
Pero sa di inaasahan may malanding manong ang pumutol sa pagsusulat ko.Tawagin ba ako g baby girl tsk.Pakitaan ko nga ng mga baby id's ko hehehe.
Yan tuloy nasira na ang araw ko.Naglalakad-lakad ako habang inaantay ang isang himala.Tumingin ako sa langit.Bigyan niyo po ako ng lucky number baka ito na ang pagkakataon at manalo ako sa lotto.
Pero syempre imposible yun.Di pa naman ako nakakasubok tumaya nh lotto.Pero sure ako pag tumaya ako, mananalo ako jackpot pa 888 million.So papadamihin ko muna bago ako tumaya.
Asan na ba yung magtataho?Pinag-aantay pa ako.Sabagay sanay na naman ako.
"HOY!" Sigaw mula sa likuran ko.Di ko na kailangan pang tignan at alam ko na kung sino."Ate kumain ka na dun.Eto pinag-aantay pa ang pagkain tsk."
Kunwari di ko siya narinig.Naglalad na siya papuntang school niya.Hayyyy namimiss ko na ring pumasok.
OKAY!THINK POSITIVE
Kinuha ko ang cellphone ko at naghanap ng makakausap.
Contacts
Globe
8080
Mama
Sammy
Boyfriend
Ooooookay!Wala pala akong friends.Kung si Mama ang tatawagan ko malamang papagalitan lang ako nun.Si Sammuela naman pag yun tinawagan ko di sasagutin kasi nasa school na.Pag itong Boyfriend ko,nagtuturo pa to sa school so no no no.
Pero try ko nga.
Calling Boyfriend...
Sorry you don't-
SHOCK!pinatay ko na agad, kakainis wala nga pala akong load!
Hayyyyy, soulmate kailan ba kita makikilala?Huhuhu I need a gwapo, matalino at mayamang soulmate Hahaha.
So wala akong choice kundi bumalik na sa bahay, as usual magiging magaling na tambay na naman ako.Try ko ngang tumulong sa gawaing bahay.
One Hour Later....
"Umalis ka nga dyan!Ang bagal bagal mong maglaba!Ano ba yan Nesy!Manang-mana ka sa Papa mo dinaig pa ang pagong sa sobrang bagal kumilos.Umalis ka nga dyan at bumalik na lang doon sa kwarto mo!"
WoW
Di naman harsh si Mama.Kalma lang siya, siguro ayaw niya lang akong mapagod kaya niya na sasabi ang mga ganyang bagay.
"Bakit parang kasalanan ko?" Using Bea Alonzo's famous line sa Four Sister in a Wedding.Sinamaan lang ako ng tingin ni Mama so shut up na ako at pumasok na sa bahay.
Yung family namin kung irarank nasa average kami.Nakakain ng tatlong o mahigit sa isang araw, Naliligo kung kelan gusto, Nakakapagpuyat kakainternet.Kaya ata naging anemic ako kakapuyat hayun humina ang resistensya kaya nahinto sa pag-aaral.
So kung POV ko lagi ito ang magiging scene lang, tuwing weekdays nasa bahay ako nakikinig sa sermon ng magulan.Kain,Tulog at nuod t.v.Sabado at Lingo date time namin ni Boyfie ang magic lang dito.Sa tambay kong ito may pera akong nadadala sa date namin partida tambay pa ako neto!Paano pa kaya pag may trabaho na ako?Oyyyyy di ako nangungupit ah!Money choose me hehe.
Maopen ko nga ang job street baka may pwedeng trabaho para sa akin.Habang nagbrobrowse may nagsend ng message request sa akin.
Oustin Mychal Gil
Miss Jenesy?
Woah!Bat niya ako nimimiss?Mapunta nga sa Profile OMG!OMOOOOOOOOOOO
Para siyang bading!Awwww so Perfect namin this guy!Ba't niya kaya siya nagmessage sa akin?OMOOOOOO
Baka naman may relasyon sila ni Caden ko!NOooooooooooDinaial ko agad ang number ni Caden.
*RING *RING *RING
"Oh Misis napatawag ka?"
Wow nasasabi niya pang misis ah!
"Asan ka!"
"Nasa school po, breaktime kumakain.Mabuti naman at tumawag ka."
"School daw!Umamin ka nga may iba ka noh!"
Bigla naman akong nakarinig ng pag-ubo sa kabilang linya.
"Tumawag ka dahil lang dyan?Jenesy naman.Saiyo na nga lang sumasaludo to tapos maghaha-"
"Arghhhhh bastos mo!May reader oh!Shiiiiiii." Tumawa lang siya at alam niyang nababaliw na naman ako.
"Ba't mo naman naisip na ang ganyang bagay?May nangyari ba?"
"Wala naman.May nagchat lang sa akin na-"
Tignan mo ang bastos!Di pa pinatapos ang pagsasalita ko pinatayan agad ako ng linya!
Tatawag na sana ulit ako kaso may message akong nabasa galing kay Caden.
BLINOCK KO NA YUNG NAGMESSAGE SAYO!SABIHIN MO AGAD KUNG MAY NAGCHAT ULIT SAYO AH!MISS MISS PANG NALALAMAN.
Di ko alam pero natawa ako sa asal niya.Caden Dimagiba.So cute.
Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang dairy blackbook ko na si Caden pa mismo ang bumili.Eto yung mga sulat ko or should I say na mga hinanaing ko dati sa relasyon namin.In every relationship may panahon talaga na matetest kung gaano ka tatag ang relasyon na meron tayo.
Yun din ang naging dahilan kung bakit pumunta ako sa quipo mag-isa at may lumapit sa akin na matanda sabay sabing may Soulmate daw ako from another time na gagabay sa akin.
Kahit ako sa sarili ko sa tingin ko.Isang araw sa di inaasahang pagkakataon.Dadating siya at magbibigay ng magandang pangaral sa buhay ko.Di kaya mabigyan namin ang bawat isa ng magandang pagsasama bilang magkaibigan.Kasi Para sa akin Soulmate means nakatadhanang magkita pero hindi magiging kayo.
Because True Love is siya yung paulit-ulit na pipiliin kahit na sa sobrang dami nang dahilan para humiwalay ka.Lalaban ka hangga't kaya mong lumaban para sa lanya.
Di ko alam kung bakit ko to nasasabi kasi baka magulo lang talaga ang isip ko hahaha Malayo na ba sa putukan?Sige linawin ko na sa susunod.
UNEDITED:June 26, 2018
copyright ©
krung2xSeSa
all rights reserved
BINABASA MO ANG
My Soulmate From Another Time(EDITING)
ComédieJenesy Salvador finding her soulmate and then her soulmate found her.Suddenly fall in love with her, What will she do then? copyright © krung2xSeSa all rights reserved,2018