Short Shots

10 0 0
                                    


Ako ang lapis ikaw ang pambura,

Sa tuwing iguguhit ko ang ating tadhana,

 ikaw ang laging nasa tabi ko. Handang burahin ang mga pagkakamali ko

 upang makagawa ng sining ng pagmamahal, 

Na hinintay natin nang kay tagal.






kailan kya? yan ang tanong sa aking isipan. 

kaya ko bang magtyaga? At mag dasal na sana sya ay di lumisan.







Sa aking pagsulat ng tula at nobela,
Di ko malaman kung anong i-uuna,
Tungkol ba sa aking nadarama,
O ang sakit dahil ako'y iyong pina-asa.









Di ko batid na sa aking pagsulat,
Pangalan mo pala ang aking napamagat,
Sa isang storya na akala moy alamat,
Dahil dito sa puso ko, pag-ibig na galing sayo ay saklat.









Di ko alam na sa aking paghawak ng lapis,
Ako pala ay makakangiti ng napakatamis,
Dahil pag tingin ko sa aking papel,
Ang nakasulat ay pangalan mo aking anghel.









Sa pagsulat ko na lang idadaan
Ang damdaming hindi mailaan
Takot na mabato ng sapatos mo
Sa pagtipa ng makinilya tatago ako.











Tanging panulat ko ang testigo
Ikaw lamang laman ng puso ko
Maubos man ang tinta nito
Pag ibig ko sayo'y hindi magbabago

Poetry CollectionWhere stories live. Discover now