KABANATA 1

22 4 1
                                    

Tinitignan ko ng mabuti ang dalawang tiket na nasa kamay ko, tiket ito sa barkong sinasakyan namin. Simpleng barko lang naman ito pero ewan ko ba, sa tuwing sumasakay ako ng barko ay nasisiyahan talaga ako lalo na pag nakikita ko ang mga alon, pero sa ngayon ay mas naging epesyal ang byahe na ito dahil narin siguro kay Kasper.

Itinago ko na ang mga tiket sa bulsa ko at tinitigan ang sarili ko sa salamin kung maayos na ang itsura ko bago ko tuluyang binuksan ang pinto ng CR.

Sa pagkakabukas ko ng CR ay agad na tumambad sa mata ko ang mga pasaherong nagkakagulo. Anong nangyayari?

"Kumalma po tayong lahat upang maging ligtas!"

"Anak, nasaan ka ba?!"

"Diyos ko, tulungan niyo po kami!"

Sigawan. Takbuhan. Iyakan. Puro ganyan ang nasisislayan ko mula sa aking kinatatayuan. Wala akong ideya sa nangyayari pero isa lang ang alam ko. Kailangan ko siyang makitang ligtas. Please, Kasper.

Agad kong nilapitan ang sa palagay ko ay staff ng barko na sinasakyan namin."Miss anong nangyayari?Bakit nagkakagulo?" Pagtatanong ko at nakuha ko naman agad ang atensyon niya. "Nagkaroon po ng sunog ngayon sa business class, and tingin po namin ay mahihirapan bago pa ito mapatigil, so please cooperate with every staffs and go to the right exits. Our staffs will guide you so-" Hindi ko na siya pinatapos at agad na tumakbo papuntang business class na part ng barko. Maayos yun nung mga oras na umalis ako. Paanong nangyayari ito sa isang iglap?

Bago pa akong makarating dito ay kitang kita ko na ang nagkukumpulang mga tao na nagiiyakan. Pamilyar ang mga mukha nila at napagtanto ko nga na sila ang mga nasa loob ng business class kasama namin, Inikot ko ang paningin ko para hanapin si Kasper, nasaan ka?

Kitang kita ko kung paanong mas kumakalat ang apoy at patuloy naman ang mga pagkakagulo sa loob ng barkong ito ay kitang kita parin.

"Sir please delikado na po sa loob, wag na po kayong magpumilit pa na pumasok!" Napatingin ako sa kung saan nanggagaling ang pasususway na iyon at nakita ko ngang si Kasper ang pinipigilan nila. "Nandun ang girlfriend ko, kung hindi niyo siya maliligtas pwes pabayaan niyo ako!" Pagpupumiglas niya sa mga staff. No Kasper nandito ako. Maliligtas tayo. Tara.

Alam kong delikado ang sitwasyon namin pero para akong nabunutan ng tinik ng makita ko siyang ligtas. Pero bago ko pa masabi sakanya na ligtas ako ngayon ay nakita kong nakawala siya sa pagkakapigil ng mga staff...

Kasper. No.

"Kasper!!!"

Nakuha ko ang atensyo niya at napatingin pa siya sa mga mata ko. Kitang kita ko ang bakas ng ngiti sa bibig niya na para bang masaya siyang makita akong ligtas. Pero kailangan niyang lumabas doon.

"Kasper please get out of that fucking place now!" Pahagulgol kong pagsigaw sa kanya.

Papunta na siya, kitang kita ko ang paghakbang niya pero nagulat nalang ako sa isang malakas na pagsabog mula sa likod niya na naging dahilan para rin mapatalsik ako at tuluyan na nga siyang nawala sa paningin ko.

Napasinghap ako sa pagkakagising ko. Naramdaman ko ang mga luha sa pisngi ko. Panaginip lang ang lahat. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Note: 

       This'll be my first story after taking a long break with writing some stories. If you'll get to read this please don't hesitate to write any suggestions about the flow of this story. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dark PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon