Match Maker

1.3K 49 83
                                    

Heto ang storya ng isang lalaking may gusto sa isang babae.

Torpe sya as in super torpe.

Pero paano kung ang pagiging torpe nya ay magamit nya para maamin nya ang nararamdaman?

Will he have the guts to says whats on his mind and heart or will he remain quiet fo his hidden feelings?

Tunghayan natin ang kanyang kwento.

_____________________________________________________________________________

I was on my office table busy with my laptop when suddenly my crush pass by. Ay...grabe ganda nya!hhmmm....

Inayos ko ang aking laptop at inopen ang camera. Itinapat ko ito sa akin at kitang kita ko ang napakagandang dilag sa likuran ko. Nagpeace signs ako then one two three...CLICK.

Yes! may picture na kami together.

Hello, ako pala si Jairus Aquino isang simpleng nerd na lalaki na may gusto sa isang napakaganda na babae dito sa office namin na nagngangalang Sharlene San Pedro, ang aking prinsesa.

" hey guys,listen!" tawag ng manager namin sa amin lahat. natuon naman ang aming atensyon sa lalaking katabi nya. Medyo matangkad ito at gwapo din pero mas gwapo pa rin ako no.

" this is our new officemate, Paul Salas" pagpapakilala ng manager namin. Iyong paul naman ay malapad ang ngiti sa labi at lalo pa itong napangiti ng makita nya si shar. Tsskkk...nagpacute din ang mokong.

" hi beautiful?" aniya nito kay Shar habang hinahawakan ang kamay nito. Nagsmile lang si Shar sa kanya at umalis na sa harapan nya.

Tsskk..Kainis pacute.

Kinabukasan habang papasok ako sa building ng kompanyang pinapasukan ko ay biglang sulpot naman ni paul sa aking harapan.

" Pre, whats on your style of clothes men. Baduy! look at me so cool" bati sa akin ng mayabang na si paul. he is wearing a mismatched funky clothes, polo strip red brown yellow colored polo paired with a high cut fitted blue pants and a green colored pair of shoes plus a hairdo that is so weird, parang daming nilagay na gel at sigurado akong pagdadapo ang langaw eh hinding hindi ito makakaalis dahil sa sobrang sticky ng buhok nya. Laugh at loud in my mind.

" wow..grabe Pre ganda talaga nya ohh..wee..kaso medyo masungit eh." kalabit sa akin ni paul na may tinuro sa likod ko. Pagkaharap ko nakita ko ang napakaaliwalas na mukha ng babaeng pinapangarap ko. Napalingon sya sa amin at ipinakita ang malaanghel nitong ngiti sa amin.

" wooo...nginitian nya ako Pre." yugyog ni paul sa akin. " Pre tutal matagal ka ng kaofficemate ni Shar, pwede ba ako magpatulong?" paul gives me his evil smile. Parang may gagawin ito na sa tingin ko'y kontra ako. " Tulungan mo akong ligawan si Shar."

Napaubo ako sa sinabi nya.

Ano? At sa akin pa sya may balak magpatulong? Tsskkk...

" eh bakit ako? Wala pa akong karanasan sa mga ligaw na ligaw na iyan ha." angal ko.

" eh kasi matagal na kayong magkakakilala. eh kami ngayon palang medyo masungit pa kasi ang trato nya sa akin. bale , simple lang naman ang gagawin mo. Ikaw ang magiging tulay ko para mapalapit ako sa kanya. Ok deal? sige na friend. Please!"pagmamakaawa nya sa akin. hindi ko naman naintindihan ang aking sarili dahil bigla akong sumang-ayon sa gusto nya.

Simula nga nang araw na iyon, parati na lang may ipinapabigay si paul para kay Shar tulad ng chocolates, teddy bear, flowers at marami pang iba. At ako naman si uto-uto eh ,ginagawa din ang utos nya.

Jailene (One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon