Ang Paghihiganti

19 1 1
                                    


MASAYANG namumuhay ang magkapatid na Mara at Maria, ngunit mula ng mamatay ang kanilang mga magulang dahil sa isang aksidente ay wala silang ibang masandalan kundi ang isa't isa.

Silang dalawa na lamang ang nagtutulungan upang maabot ang pangarap ng kanilang magulang para sa kanila. Iisa lang ang pangarap ng mga ito, ang makapagtapos sila ng pag-aaral.

Mahirap lang kasi ang buhay ng magkapatid, kaya naman naisipan ni Mara na lumuwas upang makipagsapalaran sa maynila. Maghanap siya ng mapapasukang trabaho ng sa gano’n ay makapag-ipon siya ng pera na pangtustos sa kanyang pag-aaral.

May konting naipon ang mga magulang nila na siya namang ipinantutustos ni Maria sa pag aaral nito. Masaya na si Mara kong kahit isa man sa kanila ay makapagtapos ng kolehiyo kaya naman magsisikap siya para makahanap ng trabaho.

Hindi naman siya pinigilan ni Maria dahil alam nitong buo na ang kanyang desisyon isa pa para sa kanya din naman ang gagawin nitong sakripisyo. Ilang araw din ang lumipas bago siya tuluyang nakahanap na ng trabaho.

Si Maria naman ay nagpatuloy sa pag-aaral madalas nagkakausap ang magkapatid sa pamamagitan ng facebook. Minsan ay nag-uusap silang dalawa gamit ang video call, ito na lang ang nagpapasaya sa kanya ang makausap ang kapatid kaya naman pinipilit niyang maglaan ng oras para rito.

Si Mara din ang tumutulong sa ibang gastusin ni Maria sa eskwelahan kaya naman laking pasasalamat niya sa kapatid. Ipinangako niyang kapag nakapagtapos na siya ay ito naman susunod na mag-aaral.

Ngunit ilang buwan pa ang lumipas habang napapadalas ang pag-uusap nila ay napapansin naman niya ang pananamlay ni Maria. Lagi niyang nakikita na may mga pasa sa mukha ang pinakamamahal niyang kapatid.

Tuwing tinatanong naman niya ito ay madalas na “Okay lang ako” ang isinasagot nito. Naaawa man si Mara ay wala siyang magawa dahil hindi siya agad makakauwi sa kadahilanang may utang pa siya na pera sa kanyang amo at hindi pa rin sapat ang kanyang naipon.

Araw-araw nagkwekwentuhan ang magkapatid lagi mang sinasabi ni Maria na ayos lang ito ay nararamdaman naman ni Mara ang paghihirap nito. Nabanggit din ni Maria na lagi siyang binubugbog at ipinapahiya ni Sandra at ng mga kasamahan nito.

Pero sinabi naman ni Maria na kaya niyang tiisin ang ginagawa ng mga ito mga ilang buwan na lang din kasi at malapit na siyang grumadweyt. Nang tanungin naman ni Mara kong bakit siya binubugbog ng mga ito ay dahil “Trip lang daw” iyon na ang huli nilang pag-uusap.

Matapos ang ilang buwan ay nakaipon na ng sapat si Mara nabayaran na rin nito ang mga utang sa amo, kaya naman dali-dali siyang nag-empake, nag-aalala na kasi siya sa kanyang kapatid.

Habang nasa b’yahe ay panay ang usal niya ng panalangin na sanay nasa maayos na kalagayan ang nakababata n’yang kapatid. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag nangyaring masama rito.

Naipangako din niya kasi sa kanyang mga magulang, bago ito mamatay sa aksidente na aalagaan niya at iingatan si Maria gaya ng pag-iingat nang mga ito sa kanila. Hindi niya mapigilan ang labis na pag-aalala kong pwede lang sana na sabihin sa driver na paliparin ang bus ay ginawa na niya.

Matapos ang napakahabang biyahe ay nakarating din siya sa kanilang probinsya, dali-dali niyang binuksan ang pinto ng kanilang bahay. At nagulat siya sa bumulagang tanawin sa kanya, ang kapatid niya na si Maria nakahiga sa semento walang saplot sa katawan at naliligo sa sariling dugo.

Agad niyang ibinalot ang hubad na katawan nito ng kanyang suot na jacket at ng hawakan niya ito sa pisngi ay idinilat nito ang nanlalabong mga mata.
“A-ate M-mara” tawag nito sa kanya sa mahinang boses na tila naghahabol pa nang paghinga.

Ang Paghihiganti (One Shot)Where stories live. Discover now