Chapter 1

150 7 0
                                    

Alex's POV

"Alex! Gumising ka na nga! Late ka na sa school gaga!"

"Huh? Anong oras na ba?" tanong ko kay Ate Toni.

"6:50 lang naman at ang pasok mo ay 7:00"

"6:50 pa lang naman pal.... WHUT?! 6:50 na?! Bat di mo ko ginising?! Ugh!!" sigaw ko.

Nagmadali na akong kumilos para pumasok. First day pa naman tapos late ako. Hay, Alex, ano ba naman yang kagagahan mo.

Buti na lang mabilis agad kaming nakarating ni manong sa school. Kaso 7:30 na at di ko pa alam kung ano at saan ang classroom ko. Pag minamalas nga naman.

"Uh-huh! Room 307!"

Minadali ko ng pumasok at halos kalahating oras lang ang pinasok ko sa first subject.

"You're late, Ms. Gonzaga! Take a seat right behind, beside Mr. Solomon." demanded Sir Al, teacher namin sa Physics.

Sino ba yung Mr. Solomon dito? Eh dalawa yung vacant seat eh.. Hmmm, bahala na.

Umupo na ako dun sa tabi nung lalake na saksakan ng gwapo. Siguro sya si Solomon.

"Gonzaga, right? I'm Fifth. Fifth Solomon" sabi nya at sabay alok nya na makipag-shake hands.

Nako, eh di lang pala toh saksakan ng gwapo eh. Napakabait rin! Diyos ko, napakabait mo naman sakin!

"Uhm, yes pero Alex na lang. Hello! Transferee ka dito? Parang di kasi kita masyadong napapansin last school year eh."

He nodded. Kaya pala. Minsan lang magkaroon ng gwapo sa school na toh eh.

Recess na pero dahil nalaman kong transferee sya, inalok ko kung gusto nyang sumabay sakin. Damoves Alex?

"Alex, pwedeng next time na lang? Napangakuan ko na rin kasi yung mga nakilala kong kaibigan kanina na sabay kaming kakain."

"Ah, okay." matipid kong sagot. At least may kaibigan na sya diba.

Pumunta na ako sa dating tambayan ng tropa. Si Yen, Matt, Dave, Raymond at Kayla ang mga tropa ko. Ilang years na rin kami magkakasama kaya nasubok na ang friendship namin.

"Guys, punta lang ako sa library ah. May kailangan kasi akong i-research eh." pagpapaalam ko sa tropa.

"Kararating mo lang tas aalis ka na. Ano ba yan, Alex! Stay a bit longer naman."

"Clingy, Yen? Saglit lang toh. Pag nahanap ko na agad yung kailangan kong i-search, babalik ako."

Then they all nodded. Sa totoo lang, pupuntahan ko si Fifth eh. Ewan ko ba, parang kahit ilang minuto pa lang kami magkakilala parang gusto ko na sya..

Gusto ko na sya maging super ka-close. Kayo ah.

Dinala ako ng mga paa ko sa court. Dito ginaganap lahat ng practices kapag papalapit na ang intrams.

Pero dito ko rin nakita si Fifth kasama yung sinasabi nyang mga kaibigan nyang nakilala nya kanina. Mga lima sila. Si Fifth yung isa malamang.

Pero wait...

Sila Josh, Drake at Jake yun ah.. The ultimate bullies in this campus. Pero bat sila magkakasama? Tas sino yung isang lalake na nakatalikod?

Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan pero napatingin si Jake sa direksyon ko. Tumakbo na ako ng mabilis. Yun na lang ang alam kong pwede kong gawin.

"ALEX!"

Patay.. Si Jake..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mix and MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon