Sa buhay ng tao may mga bagay tayong hindi pa nauunawaan, may mga bagay na mahirap intindihin kahit nararamdaman mo na ika nga nila magkaiba ang sinasabi ng puso sa isip. May mga bagay na minsan binibigla tayo ng panahon at pagkakataon hindi para bigyan ng dusa kundi para bumangon at lumaban sa bawat hamon ng tadhana. May mga bagay din na madalas pinagsisisihan natin dahil minsan dinadala tayo ng tadhana sa pinaka mahirap na part ng buhay. Yung sitwasyon na kailangan mong kumilos mag-isip at magdesisyon para makamit ang tagumpay ng buhay.
Ako nga pala si Marco, graduating sa isang kilala unibersidad sa Maynila. Hindi kami mayaman tulad ng mga classmates at schoolmates kong nag-aaral sa La Salle. Nagmula ako sa mahirap na pamilya, kahit kami lang ng lola ko ang magkasama sa iisang bubong alam kong pamilya parin namang maituturing dahil pareho kaming masaya.
Kumukuha ako ng kursong Electronics Engineering, sinikap kong maging scholar sa pinapangarap ko unibersidad. Sa una hindi naging madali para sa akin ang lahat ngunit sa pagsisikap ni Lola Remedios para maipagtapos ako ng Highschool eh ginawa ko naman ung part ko para makaipon pang kolehiyo. After kong magtapos ng highschool huminto muna ako sinubukan kong magtrabaho sa isang fast food chain ito yung naging tulay para makapag ipon at matulungan ko na din si lola sa mga gastusin at naisip ko naman na isang taon lang to next year naman ay sisikapin ko ng makatungtong ng kolehiyo.
Araw-araw pagod galing trabaho simula 6am hanggang 5pm ay nasa fastfood chain ako malapit sa may malate, pagkatapos ng duty ko sa work didiretcho ako sa part ng Padre Faura sa taft para maging barker simula 6pm hanggang 9pm sinusulit ko na rin kasi para may maiuwi akong pagkaen sa lola ko at mabilhan ko sya ng mga masusustasyang prutas at gulay dahil sya nalang ang kasama ko sa buhay ayoko ding mawala sya sa akin ng maaga. Marami pa akong pangarap hindi ko pa naaabot yung buhay na inaasam ko gusto ko pag naabot ko yun buhay pa si lola at matikman nya yung buhay na matagal ko ng hinahangad para sa aming dalawa. Kahit na madalas nya kong pagalitan dahil masyado kong sinasagad ang sarili ko para magtrabaho ay ayos lang sa akn dahil naniniwala naman akong hindi habang buhay ganito lang ako o kami ng lola ko.
"Intoy! gising na at mag almusal kana." sigaw ni lola mula sa kusina. "Intoy!! kumaen ka muna bago ka pumasok bangon na apo at baka malate ka nanaman di ka nanaman mag aalmusa."
"Opo lola andyan na po!"
Dali-dali na kong bumangon upang masabayan ko na sa pagkain si lola, namiss ko din syang sabayan lately kasi lagi na ko gabi kung umuwi at paggising at poapasok na ulit. Pag upo sa harap ng mesa ay nakahanda na ang masarap na kaldereta ni lola at gumawa na din sya ng shanghai. Nagulat ako dahil hindi naman kami ganito mag- almusal kaya natulala nalang ako at nag-isip kung ano bang meron?
"apo, maligayang kaarawan, alam ko apong nalimutan mo na kung ano meron ngayon sa sobrang busy mo kakatrabaho.!" banggit ni Lola Remedios.
Oo nga pala kaarawan ko nga pala ngaun hindi ko na naalala dahil pakiramdam ko naghahabol ako ng mga araw bago mag pasukan sa susunod na taon hindi din kasi biro sa susunod konti nalang din ang sasahurin ko kung mag woworking student ako kaya kailangan ko pa mag-ipon.
"Apo, sumadya dito kahapon si Rey yung anak ni Aling Rosa yung registrar sa De La Salle nabanggit ni Rey na baka gusto mong kumuha ng Scholarship mayron daw exam dun nextweek. Apo alam ko namang matalino ka kaya naniniwala ako na makakapasa ka. Apo di ba dun mo pangarap mag-aral? subukan mo kaya para maabot mo lahat ng pangarap mo, kaya mo yun apo." yan ang matinding motivation ng lola ko.
Para sa akin gustong-gusto ko din subukan wala naman sigurong masamang mangarap yung mga tulad naming naghihikahos sa buhay.
"Opo la, Susubukan ko pong kumuha ng scholar sa La Salle." masayang tugon ko sa Lola Remedios ko.
Habang nagtatrabaho sinikap kong ayusin lahat ng mga requirements ko para maipasa ko at maqualify ako sa examination nextweek. Sinikap kong makahabol sa pagrereview para sa exam.
Sa wakas, nakapasa din ako ng mga requirements ko, ang kailangan ko nalang ay ,mag review para maipasa atleast kapag naipasa ko lahat to nasa first step na ko ng pangarap ko ang kailangan ko nalang ay mag work habang nag-aaral alam kong madaling sabihin ngunit pag nasa point na ko nyan alam kong sobrang hirap pero sabi ko nga di lahat ng nararanasan ko ngayon ay hanggang dulo na magsisikap ako para guminhawa at para maabot ko yung dulo ng pangarap ko.
eto na nga! at dumating na ang hinihintay kong Examination day para sa mga kukuha ng Scholarship sa De La Salle University. Malakas talaga ang loob kong makapasok sa unibersidad na to dahil dito ko pa dati pinangarap makapagtapos. Nagdasal ako bago mag start yung exam. Mahirap at hindi madali ang mga laman ng exams pero alam ko sa sarili ko na nasagutan ko ng maayos pero kinakabahan ako dahil baka hindi ako makapasa. "Teka! wag ka kabahan Marco atleast snubukan mo atleast naexperience mo di mo man maipasayan wag katitigil abutin mga pangarap mo." sabi ko sa sarili ko.
Pagka uwi ko ay nagpahinga muna ako para naman bukas ay nasa kundisyon ang katawan ko para magtrabaho at maipagpatuloy ang pagtatrabaho.
Isang linggo na ang nakakalipas wala pa rin update sa website. Excited na kasi akong malaman kung nakapasa ba ako. Eto yung nakikita kong sagot sa lahat ng pagsisikap ko at ito na din ung chance para matulungan ako ng pangrap kong school.
Sinubukan kong buksan ag website kaya naman pumunta ako sa pinaka malapit na computer cafe sa bahay. Ayun may result na! medyo kabado habang nagiiscroll pilit kong iniscroll pababa sana makita ko na... Magno.... Marco... D. please sana nakapasa.... kinakabahan na talaga ako habang iniiscroll ko. Ayan nasa letter L na ko mas lalo pang kumakabog ang puso ko sa kaba.
Bigla nalang akong napasigaw nung makita ko yung buong pangalan ko. "Yes, nakapasa ako! yes! Scholar na ko!
Dali dali akong tumakbo pauwi para ibalita sa lola ko na nakapasa ako. Sobrang saya hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko. Alam ko sa sarili ko na ito na yung matagal ko ng hinihintay.
La!!! La!!! Lola! nakapasa po ako lola! lola, Scholar na po ako!
"Apong sabi ko sayo kaya mo yun naniniwala ako kasi alam ko at alam ng lahat ng taga dito sa atin na matalino ka talaga." masayang sabi ng lola ko.
Nakikita ko ang kinang ng saya sa mga mata nya.
Lola, mag aayos na po ako ng gamit dahil bukas lahat po ng nakapasa ay may interview. matulog na din po kayo ng maaga la para makapagpahinga na din po kayo.
Kinabukasan sa interview, pagpasok ko sa room kung saan ako na yung isasalang para kausapin ay bigla nalang akong kinabahan at nanlamig. Ngayon ko lang naranasan humarap sa iba't-ibang tao dahil ang laki ng pinag kaiba sa kolehiyo at highschool.
Simple lang tinanong nila kung ano estado ng pamumuhay namin at bakit ako nagtake ng scholarship. Pinaliwanag ko na wala na kong magulang at lola ko nalang ako natitirang kasama ko sa buhay. Sinabi ko din na ako nalang ang kumakayod para mabuhay kami ng lola ko. Sinabi ko din sa kanila na hindi natatapos ang mga pangarap ko kahit sobrang hirap ng buhay namin.
Nagulat ako nung sinabi sa akin ng babaeng nag-iinterview sa akin to. "Gusto ko lang din ipaalam sayo na ikaw ang nakakuha ng mataas na marka sa exam. Ikaw din ang nakakuha ng record na pinakamataas na result simula naiopen ang scholarship program noong 2014. Congratulations Marco napagdesisyunan ng board member na ifull ang scholarship mo just maintain your grades ang school na din ang magbibigay ng allowance sa pang araw-araw na pagpasok mo. Choice mo pa din if mag work ka as part time basta ang concern namin is to maintain your grades para magtuloy-tuloy ang scholarship mo hanggang sa makatapos ka.
Masaya ako. Sobrang saya at walang mapaglagyan ang ngiti sa mukha ko. hinding hindi ko malilimutan yung mga araw na naghirap ako at nagsikap ako dahil wala ako dito ngayon kung hindi ko ginawa lahat ng yun. Yung motivations na binibigay ng lola ko at yung suporta nya yan yung nagsilbing lakas ko sa mga panahong gusto ko na sumuko.
At ngayong gagraduate na ko ng B.S ECE sobrang saya ko may nakaabang na din na trabaho para sa akin isang malaking tulong talaga yung nabuksan ako ng pinto para sa mga opportunity na binigay sa akin ng school. Masaya ako at itong medalya ko bilang Cum Laude ay ihahandog ko sa Lola ko.
YOU ARE READING
Never Give Up
Short StoryTatlong magkakaibangh istorya na magbibigay sa inyo ng inspirasyon, aral at motivation. Magbibigay liwanag sa buhay nating tinatahak at magbibigay kulay upang tayo ay lubusang magpatuloy lumaban sa bawat pagsubok at suliraning darating at kakaharapi...