Yung taong gusto ko ay kaibigan ng kaibigan ko. Alam kong mahirap intindihin kasi pati rin ako di ko alam kung ano ang sinabi ko. Basta gusto ko ang lalaking yun. Di ko nga lang mawari kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sa akin. Mapapansin ko siya minsan na nakatingin sa akin and vice versa na yan. Hindi kasi ako tulad ng ibang mga babae na umaapaw ang self-confidence atsaka todo make up para mapansin lang, simple lang ako yung tipo ng babae na tahimik lang pero pang one time lang kung magsalita para tumahimik ang nanggugulo sa akin.
COLD daw ako, kasalanan ko ba yun? Nabuhay ako mag isa eh. Ayaw ko ring maging HOT kasi di ako HYPER, halata na diba? Gusto kong mag joke but I ended up scarying them or sadyang nonsense lang talaga.
Di ko kayang tumahimik nalang at itago tong nararamdaman ko ng matagal, sasabog na eh. Hanggang kailan ko kaya ito maitatago? Kahit gustuhin ko man, di ko alam kung pano kahit ni isang ngiti nga di ko magawa. Atsaka nagustuhan ko lang naman siya kasi siya lang ang taong nakakaintindi at lumalapit sa akin kumbaga I FOUND HIM WONDERFUL IN THAT WAY. Ayaw ko namang umuna na mag confess sa nararamdaman ko baka magulat siya bigla at mawawala yung FRIENDSHIP namin. Ang hirap naman nito! Kasing hirap sa paggawa ng pamagat ng epikong istoryang to!
IKAW NA NGA ANG GUMAWA NG TITLE!