Chapter 1

3 0 0
                                    

Malupit

"Gising! Gising!"

Napabalikwas ako ng bangon pagkarinig sa striktang boses ni Mother Superior. Dali dali kong niligpit ang aking higaan at dumeretso sa banyo. Nagmadali akong nagtoothbrush at naghilamos at patakbong lumabas ng silid. Kukunin ko na sana ang walis ng madapa ako sa sahig.

"Ilang isda ang nahuli mo Aya?" ang nakakaasar na tanong ni Mayla. Isa siya sa mga kasama ko dito sa ampunan. Hindi ko alam kong bakit niya ako pinag iinitan samantalang wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Oh, ang aga mo naman magswimming Aya?" Nakatawang sabi ni Debbie. Siya ang matalik na kaibigan ni Mayla. Silang dalawa ang pasimuno ng lahat ng pagpapahirap sakin dito sa ampunan.

Tumayo ako at hinimas ang nasaktang braso.Nilibot ko ang tingin sa mga kasama ko dito. Ang iba mukhang walang pakialam.Ang iba nakaismid at ang iba ay mga nakatawa.

"Anong nangyari dito?" si Sister Lani. Siya ang isa sa mga nag aalaga sa amin dito.

"Wala po." Sagot ko at tumingin sa grupo nila Mayla na mga nakataas ang kilay.

"Sigurado ka Aya?" Tumango ako.

"Hala sige! Kayong lahat ay magsikilos na at eksaktong alas otso ay magtipon sa Dining Hall para sa agahan." pagtataboy nya sa amin.

Napabuntong hininga ako at tumuloy na sa labas upang magwalis. Dito na ko lumaki at nagkaisip sa bahay ampunan na ito.Ito na ang naging tahanan ko. Ang sabi nila Sister, iniwan daw ako ng Nanay ko sa labas ng gate at hindi na binalikan. Noong maliit pa ako, palagi kong kinukulit sila Sister tungkol sa mga magulang ko pero iisa lang ang sagot nila. Hindi nila kilala ang mga magulang ko.

Ngayong 18 years old na ko, natutunan kong tanggapin na wala na talaga akong mga magulang. Siguro ayaw nila sakin. Siguro isa akong pagkakamali. Nakakalungkot mang isipin pero kailangan kong tanggapin. Dapat matuto akong magpasalamat sa kung ano ang meron ako. At least may bahay akong tinitirhan. Nakakakain ng sapat at nakakapag aral. Katatapos ko lang ng Senior High School at ngayon naghihintay na lang ng resulta para sa entrance exam sa Kolehiyo sa bayan.

Dalawang linggo na ang nakakaraan nung kumuha ako ng exam sa West Bridge University. Ang pinakasikat na kolehiyo dito sa Manila. Pawang mayayaman at matatalino lamang ang nakakapasok sa unibersidad na ito. Kaya maswerte ako na isa ako sa napili ng benefactor na mabigyan ng scholarship dito. Kaya araw araw kong pinagdarasal na sana makapasa ako sa kursong Architecture.

Nasa gitna ako ng pag iisip ng maramdaman ko ang mga dahon sa binti ko. Agad akong napalingon sa aking kaliwa. Nakita ko ang grupo nila Mayla na panay ang tawa.

"Oops! Sorry! Napalakas ata ang pagwalis ko." Sabi niya sabay talikod. Agad namang sumunod ang mga barkada niya.

Napailing nalang ako. Ayoko silang patulan dahil ayaw ko ng gulo. Magaling siyang bumaliktad ng sitwasyon at kayang kaya niyang umarte na tila siya ang inaapi. Maraming beses na niyang napagtagumpayan ang pagpapaawa kaya ako nalang ang umiiwas. Ayaw kong mapagalitan o kaya ay maparusahan.

Oras ng agahan ng makita ko na naman ang mga nakangisi nilang mukha. Napailing nalang ako at dumeretso na sa counter para kunin ang pagkain ko. Pritong itlog at gulay ang ulam. Not bad! Pagkatapos kong kumain ay nagmadali akong pumunta sa kwarto at naghanda para sa pagligo. Unahan ang pagligo dito at gusto kong mauna.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon