Kung sinomang makakakita sa'kin ngayon, siguradong maiisip na masama ang naging gising ko. And guess what? That's effing right.
Late lang naman akong nagising because I missed my alarm and now, I'm getting late sa usapan ng grupo.
I felt my phone vibrate for the nth time. Mas lalo akong na-frustrate. Dumagdag pa 'tong mga ka-grupo kong tawag nang tawag sa ka-badtripan ko, e.
"Ma, alis na po ako!" Pasigaw kong pagpapaalam para marinig ni mama na kasalukuyang nasa taas.
Mabilis akong naglakad palabas ng bahay. Nasa pintuan na ako nang biglang bumaba si mama.
"Hoy, Mariela Monette Mendez. Ano? Aalis ka ng bahay nang hindi ka pa kumakain?"
Napairap ako sa pagtawag ni mama sa'kin sa buo kong pangalan. Nahiya pa siyang isama 'yong middle name ko?
"Ma, alas 9 'yong usapan namin and it's already 9:15!"
"If you just got up earlier, marami ka pang oras makapag-prepare at hindi ka male-late."
I groaned. "Ma, please, spare me from the lectures this morning. I really have no time left for chit-chats. Bye!"
Lakad takbo na ang ginawa ko para mabilis na makarating sa sakayan. Hindi pa nakatulong na ang sakit sa balat ng araw ngayon.
Once again, I felt my phone vibrated. I decided to answer it nang matahimik na 'tong tawag nang tawag.
"Hello? Who's this?" Napakunot ako ng noo nang natagalan bago sumagot 'yong caller.
"H-Hello, Mariela? Si Christine 'to. Tanong ko lang sana if makakapunta ka sa, uhm, practice?" Napakunot ako ng noo at pilit inalala kung sino ang kilala kong Christine. Agad ko namang napagtanto na isa pala ito sa mga bago kong kaklase.
"Yeah. I'm on my way." Hindi ko na ito hinintay na sumagot at pinutol na ang tawag. Malalim akong napabuntong-hininga.
"Damn, this is going to be a tiring day."
--
"Ano?!"
Christine flinched a bit when I suddenly shouted. She was about to say something when someone interrupted.
"Hindi mo naman kailangang sumigaw."
Napalingon ako sa nagsalita. I saw a pair of brown eyes. Pinagmasdan ko ang buong mukha nito. My eyebrows met when I couldn't recognise him. Mukhang napansin niya ito at kusa nang nagpakilala sa'kin.
"Donny Tyler Villamor." Pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay. I formally took his hand and shook it.
I don't know if I'm sure but for a brief moment, his pupils dilated. Hindi ko nalang masyadong pinansin at pinutol na ang titigan at shake hands namin.
Muli kong hinarap si Christine. "Why did you decide on your own?"
"We had to. We don't have much time left until our first class starts." Napairap ako nang marinig ko na naman ang boses na 'yon.
"Spokesperson ka, te?" Pabulong kong sabi sa sarili dahil nagsisimula na akong mairita.
Pumikit ako saglit at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili. Nang medyo mahimasmasan,'tsaka ko kinausap ulit si Christine.
"You should've at least considered to ask for my opinion on this. I never gave permission to any of this--"
"I told you, we're running out of time--"
Bigla kong tinawid ang distansya namin ng lalakeng 'yon. Hindi nalalayo ang height namin pero mas matangkad pa rin siya ng kaunti kaya hinila ko ang kwelyo niya para pumantay sa'kin.
Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata nito na halatang hindi inaasahan na gagawin ko 'to.
I heavily stared at him as he did the same.
"Christine, talk for me please."
"Ha? Ah! Uhm ano kasi Rie, t-tama 'yong sabi ni Donny--"
"That's enough for me to hear that you can talk just fine. What I don't understand is why do this person in front of me have to interrupt everytime I'm talking to you. Is he deaf or just stupid?"
Magkahalong singhap at pigil na tawa ang narinig ko mula sa mga kagrupo namin. I smirked at him and never broke eye contact. He stared at me with amusement visible on his eyes. The tension is just so heavy that no one would think someone will dare to interrupt.
"Monette."
I froze. Only one person dares to call me by my second name. And that voice. That voice that makes my knees weak, my heart flutter and make it beat faster.
Lumingon ako sa gilid. Eksakto namang gumilid ang mga kagrupo namin, giving me a perfect view of Vince Wright.
"V-Vince. ."
Sambit ko habang pinapanood siyang maglakad palapit sa'min ni Donny. Nang tuluyang makalapit, his beautiful eyes met mine.
This is what I hate whenever I stare at those serene blue eyes. Para akong nahi-hipnotismo at nakikita ko nalang ang sarili kong sumusunod sa gusto niya.
He doesn't even have to say a word. Hinawakan niya lang ang kamay kong nakakapit sa kwelyo ni Donny, kusa na itong bumitaw. My mind can't even process what's happening because I'm still lost in his eyes.
"Gwaenchanha?" Napakurap-kurap ako at unti-unting bumalik sa wisyo. Tumango nalang ako sa takot na mautal sa harap nila.
Humarap siya kay Christine. "Let's just settle things tomorrow. As far as I know, Mrs. Bartolome changed the date of the presentation so that gives us more time to prepare and practice."
Tahimik lang akong nakikinig kay Vince nang mahagip ng mata ko si Donny. May tinititigan ito sa gitna namin ni Vince. Sinundan ko ang paningin nito at agad na namula nang mapagtantong magka-hugpong pa pala ang mga kamay namin ni Vince.
"That's all for now. Group discussion dismissed." Puno ng awtoridad na sabi ni Vince. Umalis na ang mga kabilang sa grupo maliban sa'min nina Vince, Donny at Christine.
Napaisip tuloy ako. Ano kayang meron sa dalawa at laging nakabuntot ang lalaking 'to kay Christine?
"I apologise for what happened earlier." When Vince slightly bowed to them, I did the same. Tumango naman ang dalawa bilang pagtugon.
"We'll get going. Christine, Donny."
Pagkatapos magpaalam, nagpatianod na ako sa hila ni Vince habang patuloy pa ring namumula dahil sa mga kamay naming magkahawak pa rin.
--
Third Person's POV
Habang naglalakad palayo sina Mariela at Vince, hindi pa rin inaalis ni Donny ang paningin nito sa mga kamay ng dalawa.
"Are they together?"
Kumibit-balikat si Christine habang nakatingin rin sa dalawang palayo na nang palayo ang distansya mula sa kanila.
"Who knows?"
Hinarap niya si Donny. "Why are you interested, anyway?"
"No reason." Sabi nito tsaka umalis. Christine chuckled.
"Sure, sure." Tugon nito saka sumunod kay Donny.